Chapter 17

307 10 5
                                    

"Miss! Miss! Miss Kira!" pangungulit nanaman sa akin ng lalaking ito. But this time mag-isa na lang ako. Wala si Emi, paano ko matatakasan yung lalaking ito.


"Ano nanaman ba problema mo Mr. Hangin?" sabi ko rito.

"Hangin?" pagtataka nito.

"Ah, hindi lakas kasi ng hangin eh haha. Bakit ba ano nanaman bang problema mo?" tanong ko rito.

"Wala lang, simula ng makita kasi kita hindi na ako mapalagay, hinahanap-hanap na kita eh." sabi nito sa akin.

"Wow huh! Ilang babae na ang sinabihan mo niyan? Saka wag nga ako." pagsusungit ko.

"Inaamin ko marami na, pero wait lang bago ka magreact sasabihin ko sayo na ikaw lang ang nagpabilis ng tibok ng puso ko." sabi nito sa akin na kinagulat ko naman.

"Kira!" sa di kalayuan eh paparating si Wendel at tumatakbo.

"Ginugulo ka nanaman ba niya?" tanong nito nang makalapit ito sa amin.

"Huh? Hindi naman." sagot ko.

"Pwede ba tayong mag dinner mamaya?" tanong ni Mr. Hangin na kinagulat ko naman.

"Hindi pwede, may project kami eh." sabi naman ni Wendel saka naman hinawakan ako sa kamay at hinila na ako papuntang room.

"Ikaw kilala kita, alam kong di ka makakahindi." sabi ni Wendel sa akin.

"Agatha!" sunod nitong sabi.

"Bakit?" tanong naman ni Agatha na nakatayo sa labas ng room.

"Yung lalakeng si Luke ba yun, dinidiskartehan ito." sabay turo nito sa akin.

"Oh bakit? Maganda naman kasi si Kira eh, ikaw naman del." sabi ni Agatha.

"Siyempre parang kapatid ko na kaya itong si Kira kaya dapat yung Luke na iyon umayos. Mas gusto ko pa si Ra .." hindi na natapos ni Wendel ang sasabihin niya dahil ...

"Speaking..." sunod na lang na sabi nito.

Tumawa na lang kami ng patago, biruan na lang kumbaga dahil kasama nito si Joanna na nakabusangot.

Kapag dumarating sila akala mo laging nagluluksa.

"Bez! Bez!" sigaw naman ni Emi.

Lumapit ito na hinihingal pa.

 "Oh bakit?" tanong ko.

"Wala lang. Haha" sabi nito sa akin. Baliw nga talaga itong bestfriend ko no?

-------------------------------------------------------------------------------------

JOANNA'S POV

Haay! Salamat nabigyan din ako ng chance na magkaroon ng sariling pananaw!

So ayun nga! I joined a pageant which is very important for me. And I am very lucky because God gave me a boyfriend. Di nga lang siya supportive sa ginagawa ko. Pero ang sabi niya sa akin okay lang daw na sumali ako.

Anyways, yun talaga kasi ang pangarap ko yung makapagmodel, pageant, beauty contest saka kung ano pa at hindi ito ang unang beses na sumali ako. Kasi lagi akong nananalo sa mga sinasalihan ko.

"Babe!!" tawag ko kay Railey.

"Why Joanna?" tanong nito sa akin. Alam niyo guys, kahit kami na ni Railey, he never called me Babe, Love, Hon or kahit ano. She always call me in my name.

Di niya ako mahal? Siguro yun nasa isip niyo. Wala akong pake! Basta sa akin na siya! Sa akin lang siya!

"Babe! Nakapasa ako sa screening!" masaya kong balita sa kanya.

"Wow! Congrats" sabi nito sa akin.

"Grabe! It seems that you are not happy na nakapasa ako!" galit kong sabi.

"Can you please shut up your mouth! Wag mo akong masigaw-sigawan dito sa school!" sabi nito sa akin na kinagulat ko.

"Why are you like that? Dahil ba hindi ako pumasok nung isang araw?!" tanong ko dito.

"Yes! And mas priority mo yang ginagawa mo!" sabi nito sa akin.

Minsan di ko alam kung mahal niya ako, dahil concern siya sa akin. Pero the way he treats me parang wala lang.

"Concern ka ba sa akin?" tanong ko.

"Badtrip!"  mahinang sabi nito, hindi na ito sumagot pa at naglakad na.



My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon