Chapter 10

338 12 6
                                    

WENDEL'S POV


Hay salamat! Ang dami ng nagdaan na chapters ngayon ko lang masasabi kung sino talaga ako di ba? Kilala niyo ako bilang si Wendel dito sa story na ito pero ehem ako nga pala si ...

Wendelbert Manzanero. Ahead ako ng 1 year kila Kiralyn pero dahil may mga back subjects ako ayun nakilala ko sila.

Pero gusto ko tawagin niyo nalang akong Wendel ah? Ayos ba? :D

So ayun nga, hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi ano eh.

Oo! Ako yung nagpadala ng teddy bear para kay Kiralyn. Hindi ko ba alam kung ano ba talaga ang gagawin ko. Litong-lito kasi ako at nawawalan ako ng lakas ng loob kung ano ba ang gagawin ko. ANG GULO KO! Kaya alam ko naguguluhan na rin kayo!

Wait! Ma-itext na nga lang.

Hi! Nagustuhan mo ba yung regalo ko para sayo? <message sent>

Ang tagal naman magreply nun. Wait, ang O.A ko ata? Di ba kakasend ko lang.

Haaaaay !! Ano ba!!!!

"Ui bakit hindi ka naman mapakali diyan?" tanong sa akin ng pinsan ko.

"Eh kasi naibigay ko na yung teddy bear." sagot ko dito.

Tumalon siya sa tuwa at nagsisisigaw. "Talaga? Talaga? Ang galing! Siguro kinikilig na siya ngayon? Di ba?" pangungulit nito sa akin.

"Para kang tanga Joe kalalaki mong tao nagtatatalon ka diyan." sabi ko rito.

Kinakabahan na kasi ako ehh. Di ko alam kung anong gagawin ko.

"Alam mo pinsan, gwapo ka naman, tayo? Nasa lahi natin yan kaya wag kang mag-alala. Magugustuhan niya iyan." pagpapaliwanag nito.

"Ahhh! Umalis ka na nga!" pinalabas ko siya ng kwarto kasi wala rin naman maitutulong ito kundi pang-aasar eh.

Hello Wendel! Sayo palang nanggaling itong teddy bear? Oo, nagustuhan ko maraming salamat.

So guys, ayan lang ang reply niya sa akin. Hindi ko ba alam kung meron pa bang pwedeng ireply sa ganitong text message.

----------------------------------------------------------

KIRA'S POV

"Talaga? Sa kanya nanggaling yan?!" sigaw ng bestfriend ko nung pinabasa ko ang textmessage ni Wendel sa akin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang malaman ko na galing kay Wendel ang teddy bear, kasi kasama naman niya ako bumili nun? Bakit di nalang niya binigay ng personal?

"So, masaya ka na niyan?" tanong sa akin ng bestfriend ko.

Pero hindi ko alam bigla ko nalang siya niyakap at bumuhos ang luha ko sa mga braso nito. "Hala bakit bes?" tanong niya.

"Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Masaya ako dahil nakatanggap ako ng ganito, but I feel something na dapat hindi ko nararamdaman" sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Alam ko." sabi niya sa akin.

"Gusto mo manggagaling kay Railey yung teddy bear no? Gusto mo SI RAILEY?" sabi niya sa akin. Nang marinig kong sinabi niya yun biglang gumaan ang pakiramdam ko at parang nawala ang bigat nito.

Gusto ko na nga ata si Railey.

"Kahit di mo naman sabihin parang nahalata ko na nung dumating sa buhay niya si Joanna eh." sunod niyang sabi. Mas lalo at tumindi ang pagpatak ng mga luha ko.

"Sige na iiyak mo na lang iyan." sabi nito sa akin.




My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon