Chapter 20

326 11 1
                                    

KIRA'S POV


"Sabi ko naman kaya mo eh!" sabi sa akin ni Emiranda.

Oo, pinilit nila ako eh. Si Agatha, si Madam at si Emiranda.

Ayun nakapasa ako sa screening at ang nag screen pa sa akin eh si Mr. Hangin.

Hindi ko ba alam kung ano itong pinasok ko. Basta ang alam ko may magbabago kung papasukin ko ito.

"I'm so proud of you bes! Parang tulad lang ng dati! Naalala mo yung lagi kang winner sa mga pageant na sinasalihan mo. Naku bes! For sure mananalo ka niyan!" sabi ni Emi.

"Congratulations!" sabi ni Mr. Hangin sa akin na lumapit pa sa akin.

Siyempre hindi ko na pwedeng sungitan si Mr. Hangin este Luke pala. Kaya nginitian ko na lang ito.

"You look prettier when you smile." sabi nito sa akin.

Hindi ko alam pero parang feeling ko nung sinabi niya sa akin yun ang ganda-ganda ko.

"Thank you." sagot ko. Bigla itong umalis at akala ko eh kukulitin nanaman ako sa dinner pero hindi pala kaya nag-ayos na rin ako.

"Wow! Look who's here?!" pagtataray ni Joanna.

"Kasali ka pala?!" sabi ni Emi.

"Oo, kasali ako. Eh ikaw kasali ka pala. Good luck!" sabi nito sa akin. Hindi ko na sana siya papansinin pero bigla niyang hinawakan ang mga braso ko at bumulong sa akin.

"Kahit kailan isa ka talagang malaking hadlang sa buhay ko. Sa isang salita EPAL!" sabi nito sa akin.

"Bitawan mo ko Joanna, ayoko ng away. At wala din akong ginagawa sayo." mahinahon kong sabi.

"Akala mo ba ikaw mananalo dito? Patutunayan ko na H-I-N-D-I .. Alam mo yung salitang yun? HINDI ..." sunod niyang sabi.

Dahil sa ayaw namin mag-iskandalo ni Emi hinayaan nalang namin ito.

Binitawan rin ako nito ng may pumasok na isang organizer, si Agatha.

"Is everything okay here?" tanong nito.

"Oh, andito na pala yung isang Epal" sabi naman ni Jonna kay Agatha.

Pero dahil disente at may manners itong si Agatha kesa dito kay Joanna. Naalala ko tuloy nung pinagtanggol ako ni Agatha sa hallway sa Dorm dito kay Joanna.

"Magsama kayong mga Epal!" sabi ni Joanna sabay labas.

"Okay, hayaan na lang natin siya no?" sabi ni Agatha na napapanatili pa rin ang pagngiti.

Nauna na si Emiranda lumabas ng kwarto ng pumasok si Luke at ayun nangulit nanaman.

"Pwede na ba?" tanong nito ulit.

"Makulit ka kasi eh, sige na papayag na ako." sagot ko.

Nang pagkasabi ko ng oo bigla itong nagsisisigaw na akala mo eh nanalo sa lotto.

"Uyy hala siya uyy!" sabi ko.

"Mamaya, sunduin kita sa labas ng dorm. 8pm." sabi nito sa akin sabay lumabas ng room.

"Anong nangyayari?" madali namang pumasok ulit si Emi at tinanong ako.

"Wala. Pumayag na kasi ako na magdinner kami ni Luke." sabi ko.

Walang sinabi si Emi sa akin pero sa mga tingin pa lang niya sa akin eh sinasabi nang. .. AYAN NANAMAN SIYA.....



My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon