Glydyl's POV
"You can go back to your place now.Tutal,natupad ko naman ang kagustuhan ni Lolo.According to him..ang pakasalan ka ang tanging paraan para mabayaran ang lahat ng inyong utang sa aming pamilya.So,it's all done now.Quits na tayo..basta ba ipangako mo sa akin na hindi ito makakarating kay Lolo.Alam mo naman siguro ang tungkol sa karamdaman nya.Madali lang ang magkunwari sa kanyang harapan tutal nakaratay naman sya sa higaan.Hindi nya iisipin na pagkatapos ng ating kasal ay maghihiwalay na din tayo ng landas."Cress Rolex Rafonso told me with a serious tone.
"O-opo..."nauutal kong sagot.
Marahan kong dinampot ang aking bag at sa huling pagkakataon ay sinalubong ko ang mapanganib nyang tingin bago ko hinakbang ang direksyon ng pintuan.
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang lakas ng tahip sa aking dibdib everytime na magkaharap kami.
Inantay kong may kasunod pa ang kanyang sasabihin pero hanggang sa maipinid ko na ang pintuan ng silid ay hindi na sya muling nagsalita pa.
Mabibigat ang aking mga paa habang hinahakbang ko ang hagdan pababa.
Bakit ganun?diba dapat magbubunyi na ako sa sobrang saya dahil sa wakas ay makakalaya na ako mula sa pambayad-utang na ginawa ni Lolo?
Pero bakit ang sikip-sikip ng dibdib ko?bakit parang gusto kong kumontra sa sinabi ni Rolex kanina?
"Glydyl..."
Saktong nasa panghuling baitang na ako ng hagdan nang marinig ko ang tawag ni Tita Fely.Ang mayordoma dito sa loob ng mansyon.
Pumihit ako para makaharap ko sya.Alanganin akong ngumiti.
"Saan ka pupunta?"kunot-noo nyang tanong.
Syempre,sino ba naman ang hindi magtataka kung kahapon lang ginanap ang kasal namin ni Rolex tapos makikita na lamang nya ako ngayon na bitbit ang aking bag pababa ng hagdan?
"Ah..uuwi na po."maikli kong tugon.
"Uuwi?pinalayas ka ba ni Senyorito Rolex?"tarantang tanong ni Tita Fely.
Mahigit kanino man si Tita Fely ang unang tao na nakakaalam sa fixed marriage na nangyari sa amin ni Rolex.Alam din nya kung anong dahilan at bakit ako sumang-ayon sa kasalang iyon.
Ang hindi lang nya alam ay yung lihim kong nararamdaman para sa itinatangi nilang Senyorito.
Hmm...at bakit ko naman daw iyon aaminin sa kanya,aber?
"Hindi naman po,Tita..napag-usapan lang po namin na doon nalang muna ako tumira sa bahay namin.Kasi po pareho kaming abala.Sya,abala sa trabaho at ako..abala sa pag-aaral ko."pagdadahilan ko.
Napatango nalang ang Ginang kahit na nababanaag ko sa ekspresyon ng kanyang mukha na hindi sya kumbinsido sa nagiging sagot ko.
"Kahit na magkaganoon..hwag mong kalimutan ang obligasyon mo bilang asawa nya.Alam mo na nasanay na sya sa luto mo."
Napalunok ako.Matagal na akong nagiging kusinera dito sa mansyon nang hindi man lang nalalaman ng binata.
Naging alarm clock ko ang tawag ni Tita Fely sa umaga para maaga akong makasugod sa mansyon at ipaghanda muna ng kanyang breakfast si Rolex bago ako maggayak sa university na aking pinapasukan.
Sa gabi naman bago ako magpart time job sa isang restaurant na tumanggap sa akin ay nagluluto muna ako ng kanyang dinner.
Ganoon ang naging daily routine ko sa buhay.
"Oo naman po,Tita.Sige po aalis na ako at mayroon lang akong tatapusing project sa bahay.Kailangan ko na kasing ipasa iyon ngayong linggo."
"Kumain ka muna,hijah..."alok nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...