Chapter twenty-eight

5.9K 168 0
                                    

Rolex's POV

"Lory,yung event na gaganapin next week naasikaso mo naba?"

Tanong ko sa aking secretary patungkol sa exhibit session na gaganapin sa main exhibition hall next Monday.

"Yes,Sir!nakuha ko po ang space na kagaya ng gusto nyo.First line in first row.At yung design po nya ang magiging highlight.I used your power and connection,Sir..para malagay sa center of the crowd ang mga gawa nya.Nasisiguro ko po na yung mga drawing nya ang unang mare-recognize ng lahat bago ang iba!"mahabang paliwanag ni Lory.

"Good."maagap kong sagot bago palihim na ngumiti.

Maayos akong naupo at inayos ang necktie bago tumikhim nang mapansin kong may panunudyo sa mga tingin ni Lory.Kailan pa ako nagiging conscious sa harapan ng iba?Talaga bang may pagbabago sa aking kilos?o,di kaya'y sa aking facial expression?Alam ko dati kasi...napakaseryoso kong tao,but now----nagagawa ko ng ngumiti mag-isa?what the hell-

"Mukhang pumapag-ibig po kayo,Sir..ah!"

Seryoso pero nakangiting puna ni Lory sa akin.Kumunot ang aking noo at napahilot sa aking panga.

"Ano?"

Anong ibig sabihin ng pumapag-ibig?May umi-exist ba na ganoong salita?

"Nagbibiro lang po ako,Sir!I'm sorry..."

Kanina na nakalabas si Lory pero naka-hang parin ang aking utak sa salita na kanyang binitawan.Napapikit ako ng mariin habang napahilot sa aking sentido.

Muli naman akong napangiti when i saw my wife in my vision wearing those sexy lace lingerie!fuck this!

Kahahatid ko lang sa kanya sa bahay kanina..at heto na naman ako,hindi na naman mapakali dito just the thought of her running in my mind!

Talagang maba-bankrupt ako nang wala sa oras sa lagay na'to!hindi na kasi ako nakakapag-concentrate sa trabaho gawa ng pag-iisip ko kay Glydyl.

Next time nga...ide-deretso ko nalang sya dito para mapanatag ang loob ko buong maghapon.Kasi nandyan lang sya at sa bawat minuto ay maaaring masilayan ko ang maganda nyang mukha.

*

*

*

Nag-iisip ako ng pwedeng isurpresa ko kay Glydyl while i shutting down  my computer.

Hmm...kahapon binigyan ko sya ng bulaklak.Hindi ko alam na nakaka-proud din pala sa sarili kapag in-appreciate ng taong mahalaga sa'yo ang simpleng bagay na binibigay mo.

Nililigpit ko na ang mga papeles sa aking mesa nang biglang tumunog ang aking cell phone.

It was Samantha.Ano na naman kaya ang problema ng isang ito?Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hwag nalang.

But at the end,pinili kong sagutin nalang ang tawag.As a friend..kailangan kong maging casual sa kanya.

"Sam-"

'Hello,Sir!pasensya na po sa abala pero kasi gusto lang po naming ipaalam na nandito ngayon sa loob ng aming bar ang may-ari ng cell phone na ito.Lasing na lasing po Sir,eh!'

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking cell phone.What is it again this time,Sam?

"Okay..just tell me the exact address...para masundo ko na sya ngayon din."

Bilang kaibigan..hindi ko rin naman mababalewala si Samantha.We've known each other since we were young.Sya ang kasama ko when i am down.

As a trusted friend ayoko syang mapahamak.Kung hindi ko sya susunduin,hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanyang sarili lalo pa at lasing sya.

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon