Chapter forty

6.1K 194 4
                                    

Rolex's POV

Kahit na nakaupo na kami ni Don Milano sa loob ng tent house para magpahinga pagkatapos naming maglaro ng bowling sa malawak na field na hindi kalayuan sa kanyang mansyon ay hindi parin napapanatag ang aking kalooban.Hindi ako nakakapag-concentrate dahil naiwan naman sa bahay ang aking pag-iisip.

"Hindi ko buong akalain na magawa akong linlangin ng Mommy ni Samantha.Pinakasalan ko sya dahil pilit nyang pinapaako sa akin ang bata na nasa kanyang sinapupunan kahit naman na duda ako kung akin ba talaga ang bata na pinagbubuntis nya."

Pasimple kong tinungga ang basong hawak ko na may lamang juice habang patuloy naman sa pagkekwento ang matanda.

"Dalawang linggo pa lamang ang tagal ng aming pagsasama ay ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang sabihin nyang dalawang buwan na syang buntis samantalang hindi pa nga umabot ng isang buwan ang huling beses na may nangyari sa amin.Ginawa naman nya akong tanga pero pinalampas ko lahat iyon."

Napahipo sya sa kanyang hindi namang kahabaang balbas.

"Samantha was nine years old nang makilala ko si Glenda Assi.Wala naman akong balak na lokohin ang aking pamilya.Pero sa lihim na aking nalaman na lingid sa kaalaman ng aking asawa ay parang nasira ang aking pag-iisip.Maliit pa lamang si Samantha ay alam ko na negative ang result ng DNA test naming dalawa.Pero hindi ko iyon isinumbat sa kanyang ina.Hanggang sa dumating ang panahon na napamahal na ako ng husto kay Glenda."

Napatitig ako kay Don Milano.Napakurap pa ako nang wala sa loob na inaanalisa ang kanyang mukha.Ngayon ko lang napagtanto na may pagkakahawig nga sila ng asawa ko.

"Nag-away kami ng asawa ko nang malaman nya ang tungkol kay Glenda.Doon ko na sya sinumbatan.Hindi ko matanggap na sya ang dahilan kung bakit pinagtaguan na ako ni Glenda.Hinalungkat ko ang tungkol kay Samantha pero sa kasamaang palad..ang pagtatalo naming iyon ang naging dahilan ng kanyang pagpanaw.Na-stroke sya dahil sa pag-atake ng kanyang high blood at ilang araw lang ang pinamalagi nya sa hospital at tuluyan na syang nang-iwan.Siguro nga malas talaga ako sa mga babae.Dahil kung kailan na nawala ang Mommy ni Samantha ay doon din naman ang tuluyan ng hindi na namin pagkikita ni Glenda."

Huminga sya ng malalim at napatingin sa kawalan.

"Hanggang sa dumating ang hindi ko inaasahang kapalaran.Ito ay yung pagtagpuin kaming dalawa ng tunay kong anak.Sino ba naman ang mag-aakala na parang itinulak lang sya ng hangin papunta sa akin?Nabangga nya ako noong nagkaroon ng event sa loob ng main exhibition hall month ago.Doon ko sya unang nakita at nakilala.Actually,naintriga ako sa kanyang last name kaya wala sa loob ko na lihim ko syang pina-imbestiga.Nakakagulat nga lang,kung kailan na alam ko na ang totoo ay doon mo naman ibinunyag na asawa mo na pala ang anak ko.Kung sa ibang lalaki lang siguro sya natali baka hindi ko maipapangako kung mananatili sya sa piling ng kanyang asawa.Pasalamat ka at ikaw ang lalaking pinakasalan nya dahil wala ng dahilan para ilayo ko pa sya sa'yo basta ba siguraduhin mong alagaan mo syang mabuti at hindi sasaktan."

Ito pala ang dahilan kung bakit niyaya nya akong mag-bowling ngayong araw.Gusto nyang magkasarilinan kami para makapag-kwento sya ng maayos sa akin.

"Pero paano po ba nalaman ni Samantha ang tungkol kay Glydyl,Sir?"naisipan kong itanong.

Napakagat sya sa kanyang labi habang napapaisip.

"Well,Samantha is Samantha.Saan ba naman sya magmamana kung hindi sa kanyang yumaong ina?Mabuti nalang at mautak ako..kung hindi baka wala ng natirang mana para sa sarili kong anak.Mabait din naman ang tadhana sa akin dahil pinaalam nya ang katotohanan habang hindi pa huli ang lahat!"

Sumang-ayon ako doon.Tama!hindi pa naman talaga huli ang lahat.Ang problema lang ngayon ay kung paano ko ipapaliwanag sa aking asawa ang tungkol sa sitwasyong ito.

*

*

*

Maayos at katahimikan ng silid ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa kwarto.Nasaan kaya sya?

Ibinaba ko na sa ibabaw ng sofa ang mga dalahin nang makuha ng aking atensyon ang ibabaw ng tokador.

Kaagad akong lumapit doon at magkatabing cell phone namin ni Glydyl ang nakita ko.Dinampot ko yung akin na may nakadikit na note.

'I'M SORRY.'

Kung bakit naman kasi hindi muna magtanong sa akin.Kung tutuusin walking distance lang naman ang layo ng banyo mula dito sa kwarto.Hindi yung kaagad nalang nyang sasagutin ang tawag.Mabuti sana kung ibang tao ang tumatawag kaso,nagkataon na yung taong iniiwasan ko pa ang tumawag!

Kaagad na akong dumeretso sa banyo para makapag-quick shower.Saan kaya ang batang iyon?nakaka-miss ang lagi nyang pagnguso kapag kinakausap ko.Mahalikan nga mamaya..

Pagkatapos kong magbihis ay marahan ko nang dinampot ang aking cell phone bago ako lumabas ng kwarto  at tuloy-tuloy na bumaba.

Nakasalubong ko si Manang sa may corridor na may bitbit ng kung ano galing sa kusina.

"Manang nasa loob ba ng kusina si Glydyl?"

Alam ko kasi kapag ganitong oras ay nagkukulong na sya doon para magluto lalo na at walang pasok tulad ngayon.

"Eh,Senyorito...hindi pa nakakauwi si Glydyl.Magkasunod lang kayong umalis kaninang umaga.Bihis na bihis po sya.Tinanong ko kung nagpaalam sa'yo bago umalis ang sagot naman nya...natatakot daw sya na kausapin kayo kasi mukhang masama daw ang gising nyo kanina."

Napatingala nalang ako sa kawalan habang nagtitimpi.Wala din pala sya sa bahay habang wala ako.Batang iyon,pinaglihi siguro kay Dora!

"Anong paalam nya sa'yo?"

"Pupuntahan lang daw nya ang Ninong Andy nya."maagap nitong sagot.

"Ano!?"

Pagkatalikod ni Manang ay doon na ako gustong magwala.Sinong Ninong Andy ang tinutukoy nya?

Paroo't-parito ako habang malalim na nag-iisip.Paano ko sya mahahanap eh ni walang dalang cell phone!batang iyon mukhang gusto talaga yatang mabiyuda ng maaga ah!

Bigla akong natigilan nang biglang tumunog ang aking cell phone.

Anderson calling.....

Napakunot ang aking noo habang nakatitig sa screen ng aking phone.Nagpaalam ito sa akin kahapon na lumuwas ng probinsya at bahala na daw ang constructor muna ang maiiwan sa site.

"Hello."sagot ko sa tawag.

'Boss,pasensya na sa abala..pero nais ko lang po kasing ipaalam sa inyo na nandito sa amin si Glydyl ngayon.Wala palang dalang cell phone kaya hindi makatawag sa inyo.Baka ka'ko mag-alala kayo-'

"Saan?kasama mo sa pagluwas ng probinsya?anong karapatan mo para isama kahit saan ang asawa ko!?iuwi mo sya dito ngayon din!kung hindi ipahuhuli kita sa pulis for kidnapping!"hysterical kong sagot.

Nasipa ko pa tuloy ang vase sa may corner ng sala dahil sa galit ko.Mabuti nalang at antique kaya hindi naman nabasag.

'Boss,relax ka muna dyan!'

Ano?relax?paano ako makakapag-relax eh tangay nya ang asawa ko!gago 'to,ah!

'Kaarawan ng Nanay ko ngayon kaya hindi muna ako makabalik dyan.Kung gusto mo sunduin mo sya dito.Sige na at pinapaakyat pa nya ako sa puno ng nyog...nagpapakuha kasi ng buko.Ite-text ko sa'yo ang address namin baka maisipan mong lumuwas dito.'pagtatapos nito.

Napakuyom ako sa aking kamao bago hinanap si Manang.Ayoko mang magtanong pero hindi ako pinapatahimik ng utak ko.

"Manang,paano po ba kapag naglilihi ang isang babae?"

Fuck!this is so awkward!

"Amm...minsan may hinahanap na gustong kainin.Minsan,may tao na gusto nyang makita at minsan,bugnutin...maraming klase.Bakit pala?"

Napa-facepalm nalang ako ng wala sa oras.

"Wala po Manang,natanong ko lang."

☆☆☆

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon