Chapter two

7.5K 204 1
                                    

"Lolo,malaya na ako.."

Inilipad ng hangin ang iilang hibla ng aking buhok na bahagyang tumabon sa aking pisngi.

"Did i thanked Cress Rolex for what he did?pinalaya na nya tayo mula sa pagkakautang sa kanilang pamilya.After the marriage,he told me to go back to my place."Napapikit ako habang nakayuko sa puntod ni Lolo.

Marami akong gustong sabihin kay Lolo pero mas pinili kong hwag nalang iyon isatinig.

Like,kung bakit ako lihim na nasasaktan ngayon.

Like,kung bakit hindi ako masaya sa naging disisyon ni Rolex na nagpapahiwatig na hindi nya ako kailangan sa buhay nya.

Kung alam lang nya na kung paano ako nagsusumikap para makatapos ako sa aking pag-aaral?

Gusto kong kahit papaano ay mayroon naman akong maipagmalaki balang-araw at hindi kinakawawa lang ng iba.

Alam ko naman sa simula palang ay itinanim ko na sa aking utak na hindi ko kayang abutin ang isang katulad nya.

Sa kadahilanan na mahirap lang ako at ang layo ng pagitan ng mga edad namin.

Siguro sa tingin nya...musmos pa lamang ako at hindi nababagay sa kanyang mundo.

Pero kung alam lang nya kung gaano kalaki ang pagkakagusto ko sa kanya noon palang?

Bata pa ako ay palihim ko na syang hinahangaan kahit na nga ba ang sungit-sungit nya.

Wala akong kaide-idea tungkol sa pagkakautang namin sa kanilang pamilya.Sa pagkakaalam ko?magkaibigan ang grandparents namin.

Akala ko ang fixed marriage na nangyari ay naging daan na para matupad ang aking pangarap.

Noon pa man wala na akong ibang inaasam kundi sya at ang architecture na ginawa ko ng hobby.

Alam kong hindi ko makakamit ang dalawang mithiin na yan kapag hindi ako makapagtapos sa aking pag-aaral.

First,i want to be a famous para kahit yun lang ay mapantayan ko si Cress Rolex.

Second,ang pagiging mahusay na architect ang magiging daan para magiging famous ako.

Kaya naman nang binunyag ni Lolo sa akin ang tungkol sa fixed marriage,nabuhayan ako ng pag-asa.

Nakapanghihina lang ng loob dahil ganito ang kinahahantungan ng lahat.

Bigla akong nagulantang nang biglang magbeep ang aking cell phone na nasa loob ng aking bulsa.

Kinapa ko ang aking bulsa at mabilis na inilabas ang aking cell phone mula sa loob.

<Sir Zalez:Don't be late tonight,maraming putahe ang lulutuin mo>

Message iyon galing sa manager ng restaurant na pinagta-trabahuan ko.

Isa akong chef sa restaurant.Tumagal ako doon nang madiskubre ng may-ari na dumami ang kanilang customer nang magsimula akong magluto ng kanilang putahe.

Iyon ang naging daan kung bakit hindi ako kinakapos sa pera ngayon.Kahit papaano sa tulong na rin ng perang isinasahod nila sa akin ay nagawa kong igapang ang aking pag-aaral.

May option din naman ako kung sakali.Pwedeng habambuhay na akong maging chef kung hindi ako makapagtapos sa aking pag-aaral.

Pero hindi iyon ang pangarap ko.Ang gusto kong makamit sa buhay ay ang pagiging mahusay na architect balang araw.

Mabilis akong nagtipa ng reply.

<Me:Yes,Sir!>

Nang mai-sent ko ang message ay muli kong isinilid sa aking bulsa ang hawak na cell phone.

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon