"Tonight...was the very best dinner i ever had."
Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang oras nang out of the blue ay biglang sabihin iyon ni Rolex.
Hindi ako sanay sa kanyang pagse-sentiments.Dahil sa nakikita ko masyado syang mapanganib kapag tinititigan mo.
Walang sinuman ang makatibag sa kanyang damdamin.Maliban nalang siguro sa kanyang Lolo.Alam kong mahal na mahal nya ang matanda tulad din ng pagmamahal ko sa aking Lolo.
Kung anuman ang naging magkatugma sa buhay naming dalawa?ito yung lumaki kami sa pangangalaga ng sarili naming Lolo.
Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa.Gusto kong magsalita pero ni hindi ko maibuka ang aking bibig para sumegundo sa kanyang sinabi.
May mga panahon pala talaga na pananahimik lamang ang magpapakalma sa iyong utak at kaba na umaahon mula sa iyong dibdib.
Katunayan nyan...napansin ko nga na pareho kaming magana sa pagkain kanina.
Lumaki ako sa pangangalaga ni Lolo.Hindi ko naranasan na inaruga ng isang babae.Kaya hindi awkward sa akin na makasama sa pagkain si Rolex.
Noon,kaya naman nagtatago ako at hindi sumasabay sa kanila dahil sa matinding takot ko sa kanya.Palagay ko kasi ay magawa nya akong saktan anumang oras na gugustuhin nya.
Pero sa dalawang araw na magkasama kami?napatunayan ko na mali din pala ang mga impression na nakikita ko sa kanya noon pa man.
Unti-unti kong nakikilala kung ano talaga ang tunay nyang pagkatao.Ang mapanganib at nakakatakot na akala ko noon ay magagawa akong saktan ay bigla nalang napalitan ng pagkamaalalahanin at naging maalaga.
Kaya naman,halos hindi ko na mawari kung saan na umabot ang istilo ng aking puso.Mas lalo yatang lumalim ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.
"Bakit ang tahimik mo?masama ba ang pakiramdam mo?"
In a second napansin nya kaagad ang reaction ko.Napailing lang ako bago sumagot.
Gusto kong maghuhumiyaw dahil sa tuwa.Atleast after the long run,heto ako ngayon...nagkaroon na ng kahit isang tao na nakakapansin sa nararamdaman ko.This is too much to bear!
"Wala lang akong masabi."
Napailing sya sa klase ng sagot ko.Pagkatapos ng mahabang minuto ng paninitig nya sa akin ay muli syang nagsalita.
"Hayaan mo na ito dito.Hayaan mo na ang mga kasambahay ang syang magliligpit nito.You can rest now.Kung gusto mong maupo sa may sala at manood ng tv doon bahala ka.Do what you want.Feel free,Glydyl.Bahay mo na ito ngayon.Hindi pa kasi kita masasamahan...mayroon akong tinatapos na paper works sa loob ng library.See you in bed later!"
Napakurap pa ako at sinundan ng tingin ang kanyang pagtayo mula sa kanyang inuupuan.Sa haba ng kanyang sinabi yung huling pangungusap lang ang tumanim sa aking utak.
See you in bed later.
Nakailang beses pa akong napakurap habang pinoproseso ng aking utak ang magaganap kung sakali.
"O-okay."nauutal kong sagot matapos mag-isip ng pagkahaba-habang segundo.
*
*
*
Dumeretso akong umakyat papunta sa kwarto namin ni Rolex at hindi ko sinunod ang kanyang sinabi na mag'e-stay muna sa loob ng sala.
Pagkapasok ko doon ay kaagad kong tinungo ang banyo.Kaysa nakatunganga ako sa loob ng sala ay mas maigi pa kung tatapusin ko nalang ang night routine ko bago matulog.Nagluto ako kanina kaya kailangan ko talagang maligo.
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...