One month later...
*
*
*
Siguro nakasanayan ko na ang matulog na laging nakadantay sa akin ang matigas at mabigat na katawan ni Rolex.Kaya naman ay napamulat nalang ako ng mata sa pagtataka kung bakit ang gaan ng katawan ko ngayong umaga.
Una kong hinipo ang kinahihigaan ni Rolex pero napakunot ang aking noo nang mapagtantong empty ang kanyang pwesto.Tinatamad kong nilingon ang malaking wall clock bago ako bumangon.
Ang aga naman nyang nagising at umahon mula sa higaan ah!tahimik naman ang shower room kaya imposibleng nasa loob sya ng banyo at naliligo.
Napakagat muna ako sa aking labi bago binuksan ang drawer sa tabi ng aking kinahihigaan.Tinanggal ko mula sa ilalim ng pinapatungan kong cell phone ang isang bagay na lihim kong binili tatlong araw na ang nakalilipas.
Pinakatitigan ko iyon ng mariin bago tuluyan ng tumayo para tunguhin ang comfort room.
Pagkahubad ko ng manipis na lingerie ay kaagad na akong naupo sa anidoro.Huminga muna ako ng malalim bago pikit-matang sinalo ng maliit na tabo ang aking ihi.
Nanginginig pa ang aking kamay habang ginagawa ang proseso na nakasulat sa box ng hawak kong pregnancy test.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang inaantay ang paglabas ng resulta.Matapos ang limang minuto ay dahan-dahan ko ng idinilat ang aking mga mata.Kagat-labi kong tiningnan ang hawak kong pregnancy test.
Halos malaglag ang aking panga nang lumitaw ang dalawang pulang guhit sa loob.
Duda na ako sa aking sarili nitong mga nagdaang araw kaya naisipan kong bumili ng pregnancy test na lingid sa kaalaman ni Rolex.Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagulat pa ako sa natuklasan ngayon.
Napanguso ako habang tulalang napapaisip.Anong hitsura ko kapag lolobo na ang tyan ko?Karapat-dapat na ba talaga akong magbuntis sa ganitong edad?Paano na ang pag-aaral ko pagkatapos ng semester na ito?
At paano ko sasabihin kay Rolex na buntis na ako?ano kaya ang reaksyon nya?
Haist!ang gulo ng utak ko!!
Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa matinding frustration.
Bakit ba ako nag-aalala?eh,kasal naman kami ni Rolex.May kikilalaning ama naman itong dinadala ko sa sinapupunan ko kung sakali.
So,bakit nakakaramdam parin ako ng kaba mula sa aking dibdib?
Ano paba kasi ang kulang para mapanatag ang kalooban ko?
Tulad ng lagi kong ginagawa ay naligo nalang muna ako bago bumaba para maghanda ng almusal namin ni Rolex.
Sa katunayan nyan.Ilang araw ko na ding nararamdaman ang katamaran kapag sumapit ang ganitong oras.Kahit sa pagkain ay nagiging maselan ako.Pero kinakaya ko ang lahat ng iyon.Ang akala ko wala lang dahilan.Pero ngayong alam ko na buntis ako...nalaman ko na kung bakit nararanasan ko yung ganoon.
Bago ako dumeretso sa kusina ay sinilip ko muna ang library room pero laking gulat ko nang wala man lang tao sa loob.Akala ko kasi ay mayroong tinatapos na importanteng paper works si Rolex kaya maaga syang nagising.
Baka naman may tawag galing sa hospital at kailangan sya doon?sinalakay ako ng kaba sa isiping iyon.Sana maayos lang si Lolo.Magkakaroon pa man din ng party sa makalawa dahil balak ni Rolex na i-held dito sa mansyon ang birthday ng kanyang Lolo.
Puno ako ng pagkabalisa lalo na at natapos na ako sa ginagawa ay hindi parin dumadating si Rolex.Nauna na akong kumain at muling bumalik sa kwarto para makapagbihis.Sana naman dumating na sya hanggang sa matapos ako.
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...