Manghang-mangha ako sa laki ng kwarto ng Lolo ni Rolex pagkapasok pa lamang namin sa may pintuan ng VIP suite dito sa hospital na kung saan sya naka-confine.
Kaya naman pala..panatag na panatag ang kalooban ni Rolex na dito na panatilihin ang matanda dahil daig pa ang kwarto nito sa mansyon dahil sa lawak at ganda.
Madadaanan pa ang mini-sala bago bumungad sa amin ang isang malaking higaan sa loob ng silid.
Lumipad ang aking paningin sa taong nakahiga sa ibabaw ng kama.Matagal na panahon na ang lumipas nang huli ko syang makita.That time nandoon pa sya sa mansyon.
Pagkatapos nun ay hindi ko na sya nakita nang isugod sya dito at tuluyan ng manatili dito sa hospital.
Napansin ko ang kanyang pagkagulat nang makilala ako.Pero napalitan kaagad iyon ng tuwa matapos na pinaglipat-lipat nya ang kanyang paningin sa amin ni Rolex.
Marahan akong lumapit sa kanyang kinahihigaan.Parang nanlambot ang aking tuhod nang tuluyan na akong makalapit sa may gilid ng kama.
Lumuhod ako sa semento para mapantayan ko ang taas ng higaan.Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay at bahagya kong iniyuko ang aking ulo para ilapat ang likod ng kanyang palad sa aking noo.
Napapikit ako ng mariin at hindi ko sinasadya nang bigla nalang nag-ulap ang loob ng aking mga mata.
Kaybilis lang ng panahong lumipas.Parang kahapon lang...ang lakas-lakas pa nya kasama si Lolo habang masayang nakikipagkulitan sa akin.
Tapos ngayon..parang hindi ko maisip na wala na si Lolo at heto sya ni hindi na din makabangon mula sa higaan.
Naramdaman ko ang mainit na palad na marahang lumapat sa magkabila kong balikat.Itinayo ako ni Rolex bago dinala sa kanyang matitipunong dibdib.Isinubsob ko doon ang aking mukha at hindi ko na napigilan ang sarili na hwag umiyak dahil sa tindi ng emosyong nararamdaman ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang pagyakap sa akin at pagkintal ng halik sa tuktok ng aking ulo.
"Don't cry...malulungkot sya kapag nakikita ka nyang lumuluha sa kanyang harapan."
Tumango lang ako at napalunok ng mariin.Kinalma ko ang aking sarili sa loob ng malabakal na braso ni Rolex.
Ngayon ko lang naramdaman na mayroon na akong kakampi sa buhay.
"Kailan nyo ako bibigyan ng apo?"
Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang magsalita ang matanda.Tama ba ang narinig ko?Napanguso nalang ako nang maramdaman ko ang mahinang paghagikhik ni Rolex.Wala sa loob na marahan ko syang kinurot sa kanyang tagiliran.Kasi naman eh!bakit sya tumatawa?
"Hwag po kayong mag-apura,Lolo.Nag-aaral pa kasi si Glydyl."
Napakagat ako sa aking labi habang binabalikan sa isip ang ginawang pagniniig namin ni Rolex.
Hindi nya ako pinapagamit ng contraceptive pills tapos hindi naman sya gumagamit ng condom.Hindi ko na mabilang kung nakailang beses na nya akong inangkin.
Sa mga panahong iyon ay ramdam ko na wala syang inaksaya...i mean,ipinapasok nya lahat sa akin ang katas nya.Hindi naman ako ganoon katanga para hindi ko malaman iyon.
So,kung nagkataong fertile ako sa mga panahong iyon...sigurado hintayin ko na ang paglobo ng tyan ko sa susunod pa na mga buwan!
Tapos ano itong inirarason nya sa kanyang Lolo ngayon?na hwag daw mag-apura dahil nag-aaral pa ako?aba!dapat nag-ingat na sya bago pa nya ako inipit sa ganoong sitwasyon!
"Hindi naman sa nag-aapura.Gusto ko sanang masilayan muna ang anak ninyong dalawa bago ko man lang lisanin ang mundo."
"Lo,mahaba pa ang buhay nyo...hwag po kayong magsalita ng ganyan."maagap namang sagot ni Rolex sa matanda.
*
*
*
Kanina na kami nakabalik dito sa loob ng sasakyan pero hindi ko maintindihan kung bakit pareho kaming tahimik ni Rolex.
"Next month birthday na ni Lolo.Balak ko sanang maghanda ng malaking party sa mansyon.Iimbitahan ko ang lahat ng mga kaibigan nya.Kahit na hindi sya makadalo sa mismong araw na iyon ang importante nabigyan natin ng liwanag ang kanyang tahanan.Sa susunod na araw saka lang natin sya susurpresahin.Dalawin natin sya sa hospital.Mag-isip ka ng magandang regalo para sa kanya.Ano sa palagay mo?"
Hinawakan nya ang aking kamay katulad ng lagi nyang ginagawa.
"Ikaw ang bahala.Kung sa palagay mo yun ang nakabubuti at nakakagaan sa pakiramdam mo.Sino ba naman ako para tumutol."seryoso kong sagot.
Sa ilang araw ng aming pagsasama..mukhang ngayon lang kami nagkaroon ng seryosong pag-uusap.Iba pala talaga kapag ang Lolo nya ang nasasangkot sa usapan.Ramdam na ramdam ko ang labis na pagmamahal nya sa matanda.
"Parang ayoko munang umuwi ng bahay.Gusto mo pasyal tayo?"
Nagkibit lang ako ng balikat.Ang dami nyang iniisip gawin.Porke't nakabihis sya at ako hindi!
"Manood nalang kaya tayo ng cine...hmmm,what do you think?"
Nilingon ko sya kaya kitang-kita ko ang ganda ng kanyang pagkakangiti.
"Gusto ko sana,kaya lang...."Ibinaling ko sa aking sarili ang paningin.
"Naka-school uniform pa ako.Hindi ba pwedeng magbihis muna?"
Para hindi naman ako magmumukhang alalay dito.hmp!
"May dala akong damit mo."
Napatuwid ako ng upo dahil sa narinig.
"Akala ko ba,mag'e-stay ka sa bahay ngayong araw dahil gusto mong makilala ang mga ka-group ko?bakit mukhang planado naman yata ang lahat ng disisyon mo ngayon?"taas kilay kong tanong sa kanya.
"Its not for today.Matagal ko ng napag-isipan na yayain kang manood ng cine pagkalabas mo ng school.Balak ko talaga na dederetso tayo sa mall instead na uuwi sa bahay kaya inihanda ko na ang damit na maisusuot mo.Kaya lang....."
Napaiwas sya ng tingin sa akin bago napakagat sa kanyang labi.
"Kaya lang ay ano?"nakatitig parin ako sa kanya at sinusuri ang kanyang ekspresyon.
"Kaya lang...hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo,damn it!"
Napatawa ako dahil sa kanyang sinabi.Mas lalong kumunot ang aking noo nang mapansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi.
Oh god!nagba-blush si Rolex!!
"Rolex...namumula ka."tudyo ko sa kanya.
"I'm not blushing,okay?"
Tinusok-tusok ko ng aking daliri ang kanyang pisngi.
"Hindi daw....aminin mo na kasi."
"Hindi nga!"nilingon nya ako at bahagyang hinuli ang aking kamay.
"Isa pa at makakatikim ka talaga ng matinding parusa sa akin!"
Unti-unting nawawala ang aking pagkakangiti.At napanguso nalang ako ng wala sa oras.
"Nagblush ka naman talaga,eh!"inirapan ko sya bago muling bumulong.
"Parang babae-"
"WHAT DID YOU SAY!?"
Waaaah!ang masungit kong asawa sumabog na!!
Kaagad kong tinanggal ang aking kamay na kanyang hawak at mabilis ko iyon ikinapit sa kanyang leeg.Inilapit ko pa ng husto ang aking mukha sa kanyang pisngi.
"Ang sabi ko ang guapo-guapo ng asawa ko kapag namumula ang mukha."
Napakagat ako sa aking labi bago ngumiti.Nag-ipon muna ako ng hangin sa aking dibdib bago ko inilapat sa kanyang pisngi ang aking labi.
Oh god!first time kong ginawa ito..napakurap ako ng matagal bago ko tinanggal ang aking labi mula sa kanyang pisngi.
Saglit na nagtama ang aming paningin.Napansin kong nakabuka ang kanyang labi pero wala namang salita na lumabas mula doon.
Nakaka-shock ba ang ginawa ko?
☆☆☆
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...