Chapter thirty

6.2K 169 4
                                    

Ngayon napatunayan ko na sa aking sarili kung ano talaga ang nagagawa ng pera sa isang katauhan.

Noong nagmumukha akong basahan wala man lang namamansin sa akin.Napansin ko ngayon ang malaking pagbabago.

Pagkatapos nilang masilayan ang paghahatid-sundo sa akin ng isang expensive car dagdag pa ang nakakalaglag panga ng owner nito..parang ang bilis lang ng pagkakilala nila sa akin.

Kung mayroon mang pagbabago sa aking sarili..ito ay yung pananamit ko.Simula nang kinupkop ako ni Rolex ay hindi na ako nakapagsusuot ng lumang damit.

Lahat ay bago na,mula sapatos hanggang sa bag na ginagamit ko.Kaya dahil karamihan ng mga kaklase ko ay nagmumula sa mayamang angkan..napuna nila kaagad ang mga iyon.Kesyo branded daw and expensive.

Nagdadalawang-isip pa nga ako kanina kung i-suggest ko sa kanila na doon nalang kami sa mansyon ni Rolex tutuloy.Pero nang sinubukan kong sabihin ay halos hindi na sila mapakali sa sobrang excitement.

Naging usap-usapan kasi ang kissing scene na naganap sa harapan ng gate noong nakaraang araw kaya wala akong kawala sa tsismis.Ayoko mang aminin ang totoo wala din naman akong magagawa.

Ibat-ibang komento pa ang natanggap ko.Yung iba kasi hindi parin makapaniwala sa natuklasan.

Paano ko daw natuhog ang lalaking mayaman na ubod pa ng guapo!samantalang..wala naman daw akong sinasabi sa buhay.Isa lang akong ordinaryong estudyante na pumapasok dito sa kilalang university.

Haisst...ewan ko sa kanila.Nagiging celebrity ang buhay ko nang dahil sa masungit na yun!

"Cancel ang plan ngayon.Magse-set ulit tayo ng panibagong araw.Mayroon kasing member na hindi makakasama dahil sa personal issues."

Kitang-kita ko ang malaking disappointment na kaagad rumehistro sa mukha ng aking ka-grupo lalo na yung mga kababaehan nang biglang magdisisyon si Gab.

"So,paano...ite-text ko na lang ang bawat isa sa inyo kapag naayos na ang problema."

Tanging tango nalang ang aking sinagot bago ngumiti.Mabuti nalang at oras na din ng uwian kaya inayos ko na ang aking gamit para makauwi na.

Saktong pagtayo ko mula sa upuan ay sya namang pagtunog ng aking cell phone.

Napakunot ang aking noo habang tinatanggal mula sa bag ang aking phone.Baka si Tita Fely.Wala naman kasi akong naaalalang caller ko kung hindi sya maliban kay Sir Zalez noong nagta-trabaho pa ako sa pearl restaurant.

Muntik ko nang mabitawan ang aking phone nang mabasa ang pangalan na naka-rehistro sa screen nun.

♡HUSBAND♡calling.......

Kaagad kong naikubli ang hawak kong phone at bahagyang napatingin sa paligid.Nababahala ako na may ulong nakasilip mula sa likuran ko at malaman pa nila kung sino itong tumatawag.

Rolex na yun..sa lahat ng pwede nyang ilagay na pangalan bakit husband pa ang naisipan nyang isulat dito?ito ba ang dahilan kung bakit nya hinahanap ang cell phone ko kagabi?

Nagmamadali akong lumabas ng classroom bago ko sinagot ang tawag.Gusto kong makaganti kaya nag-isip ako ng pwede nyang ikakagalit.

"Hello?sino  'to!?"pabalya kong sagot.

'What the--ilan ba ang asawa mo kung bakit nalilito kang ganyan!?'

Nailayo kong bigla ang phone mula sa pagkakadikit sa aking tainga.Dahil kapag hindi ko gagawin iyan baka mababasag ng wala sa oras itong eardrum ko.

Ito naman...nagtatanong lang,galit agad?

"Naniniguro lang naman.Malay ko ba kung sino ang nangialam dito sa contact list ko.."nakanguso kong sagot pero-- oh my god!yung puso ko nagtatalon na sa kilig!

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon