Chapter thirteen

6.4K 185 5
                                    

"Manang Fely!!!"

Pahangos na pumasok sa loob ng dining room ang Ginang dahil sa lakas ng aking tawag.Kay aga-aga nagsisimula ng uminit ang aking ulo.Ni wala na nga akong magandang tulog kagabi tapos-

"Senyorito,may problema ba?bakit kayo sumisigaw?"

Marahan kong inilapag sa mesa ang hawak na kubyertos bago ko sya tinapunan ng paningin.

"Bakit ganito ang lasa ng pagkain ko?"kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Ah..pasensya na Senyorito,ako kasi ang nagluto ng almusal mo ngayong umaga."

Mas lalong nagsalubong ang aking kilay sa klase ng sagot nya.

Sya ang nagluto ng almusal ko ngayong umaga?

"Anong ibig mong sabihin na ikaw ang nagluto ng almusal ko?hindi ba ikaw naman talaga dapat?"

Napakamot sa kanyang ulo si Manang Fely bago sumagot.

"Hindi ako ang nagluluto ng pagkain mo.Matagal na akong huminto sa pagluluto simula nang natikman mo ang pagkain na kanyang niluto at nagustuhan mo,sya na ang gumagawa ng pagkain mo simula noon."

Napahilot ako sa aking sentido nang biglang kumirot iyon.

"Sinong sya?"

"Yung a-asawa mo.."pautal nitong sabi na syang ikinagulat ko.

"Asawa ko?"napatingin ako ng deretso sa kanya.

"Si Glydyl ang tinutukoy ko,Senyorito."

"Si Gly-what!?"

Napaatras sya ng hakbang nang bigla nalang akong napabalikwas ng tayo.

"Kailan pa!?"frustrated kong tanong.

Napansin ko ang pagguhit ng takot sa kanyang mukha kaya bigla kong kinalma ang aking sarili na hwag mag-outburst.

"Anim na taon na ang nakararaan.Noong nagkasakit ka.Noong pinagluto ka nya ng soup at nagustuhan mo ang lasa.Sinubukan nyang ipagluto ka ng araw ding iyon at nagustuhan mo din ang lasa.Sinabi mo pa nga sa akin na dapat ganoon palagi ang lasa na gusto mo kapag ipagluluto kita.Hindi ko naman maamin-amin sa inyo ang totoo kasi alam kong galit na galit kayo sa apo ng matalik na kaibigan ng Lolo mo.Paumanhin talaga,Senyorito."

Muli akong napaupo habang sapo ang aking ulo.Hinilot-hilot ko ang aking sentido bago ako nag-angat ng mukha.Naroon parin si Manang sa harapan habang nakayuko.

"Pwede na po kayong lumabas."malumanay kong sabi na kaagad naman nyang sinunod.

Anim na taon..anim na taon na nya akong pinagsisilbihan nang hindi ko man lang alam?

'Hwag kang balasubas!ang batang iyan ang mag-aalaga sa'yo pagdating ng araw!'

Dumagundong na naman sa aking pandinig ang boses ni Lolo.

Akalain nyo yun?twelve pa lamang sya ay nagawa na nya akong ipagluto ng pagkain ko?and damn it!i enjoyed the food too much for almost six years!

Sinong mag-aakala na luto pala ng babaeng kinasusuklaman ko ang kinakain ko sa loob ng anim na taon?pagkain na hindi ko pinagsasawaang kainin...pagkain na hinahanap-hanap ng aking panlasa?

At anong dahilan kung bakit hindi sya pumunta dito kanina para gawin ang kinagawian na nyang gawain?

Is it about the kiss?

Tuluyan na ba nya akong iiwasan dahil sa pangahas kong panghahalik sa kanya kagabi?

Mariin akong napapikit dahil sa naisip.Paano kung tuluyan na ngang lumayo ang kalooban nya sa akin?

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon