"Sigurado ka ba na hindi mo ako sasamahan sa loob?"
Nilingon ako ni Rolex habang nakatanaw sa labas ng exclusive restaurant na kung saan mayroong naghihintay sa akin na pinaka-importanteng tao sa loob na syang magiging bahagi ng aking buhay.
Hindi ko maintindihan kung bakit napapalibutan ako ng weird na tao.
Kaninang umaga si Samantha ang nakausap ko at nawe-weirduhan din ako sa kanyang mga sinasabi.
Ngayong gabi naman..si Rolex.Noong nakaraang gabi ko pa narinig sa kanya iyan.Ang akala ko nagbibiro lang sya sa akin,pero nagulat nalang ako kanina nang sabihin nya sa akin na magbihis daw ako at mayroon kaming pupuntahan.
"Tonight is your night,wife!hindi ako allowed sa loob.Tawagan mo lang ako kapag maayos na ang lahat.Good luck!"
Ibinaling ko sa kanya ang paningin pero napansin kong seryoso talaga si Rolex.
Ano ba kasi ang meron?hindi ko tuloy maiwasan na hwag kabahan.
Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.
"Baka naman,niloloko mo lang ako.Papasukin mo ako sa loob para makatakas ka!hanapan mo ako ng makausap para malaya kang makipag-date sa iba!!"nang-aakusa kong sabi.
Agaran syang napa-facepalm bago nya ikinulong sa kanyang kamay ang aking mukha.Napakurap nalang ako nang bigla nyang ilapit ang kanyang mukha sa akin para gawaran ako ng malalim na halik sa aking labi.
"Andito kana,bakit kailangan ko pang humanap ng iba?nasa 'yo na ang lahat,Glydyl...wala na akong maihihiling pa.Kung meron man,yun ay manatili ka sa piling ko hanggang wakas!naintindihan mo?"
Mahaba nyang lintanya matapos nyang pakawalan ang aking labi.Hayys,Rolex...mas lalo mo akong pinapa-in-love sa'yo.
*
*
*
Kasabay ng pagbukas ng maindoor ang pagsalakay ng kaba sa aking dibdib.Napakunot ang aking noo dahil sa sobrang pagtataka.
Sa lawak kasi ng loob ng exclusive restaurant na pinasukan ko ay katahimikan ang bumungad sa akin.
Dimmed light ang nagtatanglaw ng ilaw sa loob at bakit walang katao-tao?
Sa unang hakbang ng aking paa papasok sa loob ay sya namang pag-alingawngaw ng malamyos na tugtugin na syang pumuno sa loob ng silid.
Napalunok ako at wala sa loob na iginala ang paningin sa paligid.
🎵back when i was a child before life removed all the innocence,my father would lift me high and dance with my mother and me,and then..🎵
Nagpatuloy ako sa paglalakad..dahil sa laki ng espasyo sa loob ay maaaring mawala pa ako.
🎵spin me around till i fell asleep then up the stairs he would carry me and i knew for sure,i was loved.🎵
Bigla akong napahinto sa paghakbang nang mamataan ko ang mahabang mesa sa may dulo at napansin ko ang isang maawtoridad na tao na prenteng nakaupo sa kabilang dulo ng mesa.
🎵if i could get another chance,another walk,another dance with him I'd play a song that would never, never end..how I'd love,love,love to dance with my father again.🎵
Nilamon ako ng mainit na pakiramdam nang biglang magtama ang aming paningin.Ganoon parin ang nararamdaman ko..katulad noong una ko syang makita sa loob ng main exhibition hall.
🎵when I and my mother would disagree to get my way i would run from her,to him.he'd make me laugh just to comfort me🎵
Marahan syang tumayo at hindi ko maiwasan ang hindi mataranta nang mapansin ko ang kanyang paghakbang patungo sa aking kinatatayuan.
🎵(yeah,yeah)then finally make me do just what my Mama said later that night when i was asleep he left a dollar under my sheet never dreamed that he would be gone from me..🎵
Sya ba ang tinutukoy ni Rolex na katatagpuin ko ngayong gabi?Bakit?Anong dahilan?
🎵if i could steal one final glance,one final step,one final dance with him I'd play a song that would never,never end cause I'd love,love,love to dance with my father again.🎵
Gusto kong umatras para maiwasan ang kanyang paglapit.Nagiging uneasy kasi ako sa bawat hakbang nya,pero hindi ko alam kung bakit ni hindi ko kayang igalaw ang aking mga paa.
🎵sometimes I'd listen outside her door and I'd hear how my Mama cried for him.I'd pray for her even more than me...I'd pray for her even more than me..🎵
Natulala nalang ako habang nakatingala sa kanyang mukha nang huminto sya ng hakbang pagkatapat nya sa aking harapan.
🎵i know I'm praying for much too much.But could you send back the only man she loved🎵
"Anak.."
Halo-halong emosyon ang nagkarera sa buo kong pagkatao nang bitawan nya ang maikli na katagang iyon.
In my eighteenth year's of existence ay hindi ko man lang narinig na tinawag akong anak ng kahit na sino.Kaya para akong nagimbal nang marinig ko iyon mula sa bibig ni Don Milano.
🎵i know you don't do it usually but dear Lord,she's dying to dance with my father again.🎵
Bumalik sa aking alaala ang confession ni Samantha kaninang umaga.Ngayon parang nagkaroon ng sense sa akin ang lahat.
🎵every night i fall asleep and this is all i ever dreamed.🎵
"Kung alam ko lang na nagdadalantao ang iyong Ina nang bigla nya akong iwan at pagtaguan..i will never set back and waiting for nothing.Bakit ko inaksaya ang mga panahon na alagaan ang anak ng iba,kung sa mundong ito ay umi-exist pala ang nag-iisa kong tunay na anak?"
Kusang kumawala ang maraming luha mula sa aking mga mata.
Sa mundong ito ay wala akong pinangarap kundi ang architecture at si Rolex.Yun lang.
Ang salitang Ama ay hindi sumagi sa aking isipan.Dahil siguro hindi naman nagkulang sa pagpapalaki sa akin si Lolo.
Ni hindi nya binanggit sa akin ang katagang iyon.Nawala sa isipan ko ang magtanong.Nagkasya na sa akin ang idenetalye nya na namatay si Nanay nang ipinanganak nya ako.
"Hindi ko alam..hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa'yo ang lahat.Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na ibahagi sa'yo ang kaalaman na hindi sumiksik sa iyong utak.Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang matuklasan kong anak pala kita."
I remembered how we first met.The feelings.The stare.Hindi ko makalimutan iyon.
Naalala ko kung paano sya nag-alala nang sugurin nya si Rolex habang buhat ako nang mahulog ako sa swimming pool nang gabing iyon.
Naalala ko kung gaano sya kagiliw kapag kinakausap ako.He highly appreciated what I've done.
Architecture...he love architecture the way how i love architecture too.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mainit nyang yakap.
Lumaki akong pinagdaanan ang lahat ng hirap.Nag-aasikaso kay Lolo,nagta-trabaho para lamang maigapang ang pag-aaral.
Sa murang edad ay nagawa kong maging independent.Dahil kung hindi ko gagawin iyon...kanino ako umasa?Lalo na at maagang nawala si Lolo.Iniwan nya akong mag-isa at walang kakampi sa buhay.
I dreamed for Rolex to love me back at nangyari naman iyon.
Nakamit ko ng sabay-sabay ang mga mithiin ko sa buhay.Pagtatapos nalang sa aking pag-aaral ang kulang.
Pero ang hindi ko inaasahan na matutuklasan ngayong gabi...kalabisan na ito.Sa gitna ng aking paghihirap noon ay hindi ko inakalang umi-exist pala ang tunay kong ama.Hindi lang bastang Ama.Isang bilyonaryong Ama!
Ang tadhana nakakatakot minsan...kapag pinahirapan ka,sobra!at kapag binigyan ka naman ng biyaya,nakakagulat dahil hindi lang sobra kundi umaapaw pa!
☆☆☆
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...