Chapter nine

6.4K 174 1
                                    

<Mama:Son,please receive the call...gustong-gusto kong marinig ang boses mo.I miss you.>

Marahan kong inilapag sa tokador ng aking kwarto ang hawak kong cell phone bago ko sinimulang hubarin ang suot kong damit.

Hinakbang ko ang pintuan ng aking shower nang wala ng natirang saplot sa aking katawan.

Binuksan ko ang shower at bahagyang tumingala roon.Ipinikit ko ang aking mga mata habang sinasalo ng aking mukha ang maligamgam na tubig na nagmumula roon.

She missed me?what a crap!

Bakit hindi nya naisip iyon noong sampung taon pa lamang ako?

Iniwan nya ako sa pangangalaga ni Lolo.Ipinagpalit nya ako sa kanyang pansariling kaligayahan.

Sa murang edad na iyon ay wala akong naiintindihan.Napuno ng katanungan ang aking isipan.

Bakit lumayo si Mama?Bakit sya sumama sa ibang lalaki at hinayaan akong maglupasay sa sahig para mapigilan lang sya mula sa pag-alis?

Bakit kasi maagang nawala si Papa?

Kung may magagawa lang sana ang pera para ibsan ang pangungulila ko sa aking mga magulang?kaso wala!

Lumaki ako sa piling ni Lolo.Si Lolo na wala nalang ginawa kundi naging bukambibig ang pangalan ng kanyang matalik na kaibigan.

'Rolex,pinapababa ka ng iyong Lolo..'si Manang Fely iyon.

Padarag kong dinampot ang remote at mabilis na pinatay ang pinapanood kong movie sa flat screen tv dito sa aking kwarto.

Tinatamad akong lumabas ng aking silid.Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung pinapababa ako ng aking pinakamamahal na Lolo?

Masasayang halakhakan ng dalawang matanda ang naririnig ko mula sa itaas ng hagdan.So,nandito na naman ang kanyang bestfriend!

Gusto kong mapamura ng malakas nang mabungaran ko sa may sala si Lolo habang karga-karga yung batang babae.Ito pala ang dahilan kung bakit ang saya-saya ng dalawa?

'Rolex,andyan kana pala...halika dito kargahin mo si Glydyl.'si Lolo at ang bilis lang nakalapit sa aking kinatatayuan.

Tumaas ang aking kilay habang nakatitig sa baby na hawak nya.Bigla pa akong nataranta nang biglang iabot ni Lolo sa akin yung bata.

Umahon ang inis sa aking dibdib. Gagawin pa yata akong yaya nitong bata ah!

Kinuha ko naman yung baby pero nang mahawakan ko na sya ay mabilis kong hinakbang ang mahabang sofa at pabagsak ko syang pinaupo roon.

Napahiyaw ang bata dahil sa gulat kaya magkasunod na sermon ang inabot ko mula sa dalawa.

'Hwag kang balasubas!ang batang iyan ang mag-aalaga sa'yo pagdating ng araw!'

Mag-aalaga sa akin pagdating ng araw?

Nonsense!

Ni hindi nga ako naalagaan ng sarili kong ina...anak pa kaya ng ibang tao?

'Mahalin mo sya Rolex..dahil namatay ang kanyang ina noong ipinanganak sya.Mabuti ka pa kasi kahit papano naramdaman mo ang isang kalinga ng isang ina..pero si Glydyl,hindi na.'

Gusto kong isigaw sa harapan ng dalawa na 'bakit?kasalanan ko ba kung bakit namatay ang kanyang ina?'

Pero dahil mahal na mahal ko si Lolo ay nagawa ko paring kumalma sa kanilang harapan.

Humingi pa ako ng paumanhin dahil sa aking inasal kanina.Pero kung alam lang nila na halos durugin ko ang batang ito na kasalukuyan kaharap ko dahil sa sobrang inis ko?

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon