In this life..i have never expected anything to happened.
Kasi alam ko sa sarili ko na masasaktan lang ako kapag naghintay ako at umasa.
I tried to be successful in my own way.Yung pwede kong maipagmalaki na nagawa ko ang isang bagay dahil sa sariling efforts ko.
So,what Rolex did to me right now is unexpected.Hindi ko maintindihan kung bakit nya ako hinalikan.
Ginawa ba nya iyon dahil naasar sya sa akin?
Or,ginawa nya iyon dahil pinarusahan nya ako sa pagbulyaw ko sa kanya?
Nakaupo na ako ng tuwid dito sa passenger's seat ng kanyang sasakyan habang nakatitig sa dashboard sa may harapan ko.
Sya?heto nakadukwang parin sa may tapat ng pintuan.Ramdam ko ang mariin nyang paninitig sa akin.Hindi ko matantya kung anuman ang lumalaro sa kanyang isipan.
My lips were swollen habang pulang-pula ang aking pisngi at halos hindi parin bumalik sa normal ang pintig ng aking puso sa kasalukuyan dahil sa naganap kanina.
Napalunok ako ng mariin bago lakas loob kong sinalubong ang kanyang paningin.Saglit na nagtama ang aming mga mata.Nanlamig ang aking kamay at bahagya akong pinagpawisan nang mapatitig ako sa kanyang magagandang mata.
Alam ko kung gaano sya kakisig...pero hindi ko buong akalain na ganoon pala talaga sya kaguapo kapag nasa malapitan.
Parang hinihigop ng kanyang mga mata ang aking buong kaluluwa.Pakiramdaman ko konting-konti nalang ay manghihina na ako at mapugutan ng hininga dahil sa lakas ng kanyang charisma.
Hindi ko alam kung bakit pareho kaming tahimik after the kisses we had.
Pinagsisihan nya kaya kung bakit nya ako hinalikan?Iniisip nya kaya na hindi ako worth it para paglaanan nya ng kanyang halik?
"Cress,nandito ka lang pala...kanina pa ako naghihintay sa'yo sa loob,akala ko babalik ka kaagad."
Napatayo ng tuwid si Rolex nang marinig ang boses ng babae mula sa kanyang likuran.Pasimple nyang ipininid ang pintuan bago hinarap yung babaeng kasama nyang kumain kanina.
Umahon na naman ang inis ko nang makita ko mula sa loob ang magiliw na pag-uusap ng dalawa.Para namang nanonood lang ako ng movie na naka-silent sa lagay na ito.
Hindi naman kasi ako naaaninag mula sa labas dahil tinted glass ang bintana ng sasakyan.
Napakuyom ako ng mahigpit sa aking kamao nang matanaw ko ang biglang pagtip-toed nung babae bago nya kinintalan ng halik sa kanyang pisngi si Rolex.
Kung alam lang nya na kasal na iyan sa akin!!!
Tumango lang si Rolex at hinatid ng tanaw ang papaalis na babae.Sinundan ko din ng tingin yung babae.Huminto sya sa isang sasakyan na hindi naman kalayuan mula dito.
Hayyy...mabuti naman at mayroon syang sariling sasakyan.
Bumaling kay Rolex ang aking atensyon.Nakita ko syang umikot sa harapan at dumeretso sa may driver's seat.Inantay ko syang makaupo.Bago pa nya mai-lock ang pintuan ay mabilis ko nang nabuksan ang pintuan sa may tapat ko.
Mabilis akong bumaba at tumalilis ng takbo.Sumuot ako sa mga nakahilerang sasakyan sa may parking.Alam kong mahirapan syang hanapin ako kasi hindi naman ganoon kaliwanag ang ilaw dito sa parking area.
Kinalma ko ang aking sarili bago ko pinuntahan ang kinalalagyan ng aking bisekleta.
Hindi rin naman kasi kalayuan itong restaurant na pinagta-trabahuan ko kaya yun ang pinagpasalamat ko dahil hindi na ako sasakay ng jeep or taxi.
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...