Glydyl's POV
Three years later...
*
*
*
"GLYDYL ASSI MILANO-RAFONSO!"
Kaagad akong tumayo mula sa aking upuan nang umalingawngaw ang aking pangalan sa loob ng auditorium na kung saan dito idinaos ang graduation ceremony.
Ngayong araw,ang araw ng aking pagtatapos.Ang araw ng pagtanggap ko ng aking diploma.Dapat two years ago pa ako nakapagtapos sa pag-aaral pero naantala nga lang...dahil pinagbuntis ko ang panganay namin ni Rolex.
Magkahalong emosyon ang aking nararamdaman nang hakbangin ko ang hagdan ng stage.Sa wakas,nakamit ko na din ang aking inaasam sa buhay kahit ito na ang pinakahuli sa lahat.
Ngayon mapapanatag na ako.Dahil sa edad na twenty-one ay nakamit ko na din ang bunga ng aking pinaghirapan.
Ito ang totoo...na masasabi kong akin talaga at hindi pwedeng maagaw ng iba.Malapad ang aking pagkakangiti nang mahawakan ko na ang aking diploma.
Pagharap ko sa mga audience ay naglikot kaagad ang aking mga mata.Mas lalong nadagdagan ang excitement na aking nararamdaman nang matanaw ko mula sa itaas ng stage ang tatlong lalaki na naging bahagi na ng aking buhay.
Si Papa.
Si Rolex.
At si Cress-zanti.Our Son.
Lo,nakikita mo ba ang tatlong iyan?yan ang pumalit sa'yo ngayon.Ang nagbibigay ng ngiti sa aking labi.Ang nagbibigay kulay ng aking buhay.
Siguro,kung nasaan ka man ngayon...alam kong nagiging masaya kana din at natahimik na ang iyong kaluluwa.Kasi,heto ako...masaya at kontento sa buhay.I love you Lolo.So much!
*
*
*
"Congratulations!"Sabay na sabi ni Papa at Rolex.
Nalilito pa ako kung sino ang una kong susugurin ng yakap.Tinapunan ko muna ng paningin si Rolex habang karga ang anak namin.Bago ko nilipat kay Papa ang aking atensyon.
Haysss..kahit ba sa pagyakap ay kailangan kong pag-isipan ng mabuti?
Ihinakbang ko ang mga paa patungo sa kinaroroonan ni Papa.Sya nalang ang uunahin ko..tutal,araw-gabi naman akong kayakap ni Rolex.Dapat,sa pagkakataong ito...si Papa naman ang uunahin ko.
"I'm so proud of you,Glydyl...anak!"kataga na humahaplos sa aking puso.
"Thank you,Papa."buong-puso ko namang sagot.
Pagkatapos naming magyakapan ay kaagad na nyang kinuha mula kay Rolex ang kanyang apo.Nakangiti kong hinalikan sa kanyang pisngi ang cute na cute kong anak habang karga na sya ni Papa.
Nakatitig lang ako sa mag-Lolo nang maramdaman ko ang malabakal na kamay na nakahawak sa likod ng suot kong graduation gown.Napaatras ako nang marahan nya akong hilahin at bigla nalang napahinto nang bumangga ako sa kanyang matitipunong dibdib.
"Mukhang...nakalimutan mo na ako,wife."bulong nya sa akin.Bago nya ikinulong ang aking katawan sa kanyang matitigas na braso.
Napakagat ako sa aking labi bago tuluyang napangiti.Ipinilig ko ang aking ulo nang maramdaman ko ang kanyang baba na marahan nyang ipinatong sa aking balikat.
"I love you."bulong ko sa kanya bago ko sya kinintalan ng matunog na halik sa kanyang pisngi.
"And now,you grown up...pwede na nating sundan si Cress-zanti."
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...