Chapter thirty-six

5.8K 188 2
                                    

Nagpaikot-ikot ako habang tinititigan sa harapan ng malaking salamin ang sariling repleksyon.

Suot ko ngayon ay isang mahabang gown na napapalibutan ng maninipis na laces.Nakaayos ang aking buhok at nakasuot din ako ng isang set ng malaking  jewellery na naging katerno nitong suot kong gown.

Napakurap muna ako ng mariin nang masatisfied ang paninitig sa aking sarili.Hindi ako mapagkamalan na eighteen years old pa lamang  dahil sa ayos ko na'to.

Ang Rolex na yun...celebration lang naman ng birthday ng kanyang Lolo pati ako ginawa na nyang clown.Napalabi ako dahil sa naisip tapos bigla nalang akong napangiti ng palihim.

Clown...Clown na maganda!hmp!!

At kailan naman kaya nya ako ipapasundo dito sa loob ng silid para makalabas na ng bahay at mapanood kung ano na ang nangyayari sa loob ng hardin na kung saan doon gaganapin ang party?

Nagpalipas pa ako ng ilang oras at nang mainip sa kahihintay ay kusa nalang akong lumabas at tuloy-tuloy sa pagbaba ng hagdan.Pakiramdam ko para akong queen habang inisa-isang hakbangin ang baitang ng hagdan.

Bumungad sa akin ang nakakabinging tugtugin..ang maayos na table na may kanya-kanyang lumpok ng tao na nakaukopa doon.Nakuha din ng aking pansin ang mga sparks light na nagkalat sa paligid.

Ang mga bisita na hindi ko naman kilala ay nagkalat din sa paligid.May nakaupo at may nakatayo.Ang iba naman ay may kanya-kanyang hawak ng wine glass habang nakikipagkwentuhan sa kaharap ng mga kasamahan nila.

Dahan-dahan akong naglakad sa may gilid na hindi nakakakuha ng atensyon ng iba.Hinahanap ng aking mga mata kung nasaan si Rolex.

Pero napatda ako nang makarating sa dulo.Napapalibutan ng maraming tao sina Rolex at Samantha habang yakap ang isat-isa!

Siguro mga colleague nila iyon dahil habang nagsasayaw ang dalawa ay panay naman ang kantyawan ng tao na nakapaligid sa kanilang dalawa.

Kusang umatras ang aking mga paa.Ang pamilyar na sakit ay muling umahon sa aking dibdib.Hindi ko alam kung nakaramdam si Rolex pero bago pa ako tuluyang tumalikod ay napansin ko na nahagip nya ako ng paningin.

Hindi na ako muling lumingon pa bagamat mabilis ko ng binaybay ang daan pabalik sa loob ng bahay.

Binihis-bihisan pa nya ako tapos ikukulong lang naman pala nya sa kwarto!kung bakit kasi hindi nalang nya aminin sa akin na darating din ang babae nya ngayong gabi at hindi kami pwedeng magkita!eh,di sana nagawan ko naman ng paraan..di sana doon na muna ako sa sariling bahay ko hanggang matapos ang kanilang kasayahan.

Sa unang hakbang ng aking paa  sa may hagdan ay sya namang paglandas ng maraming luha mula sa aking mga mata.Kusang bumalik sa aking alaala ang mga pinagsasabi ni Samantha sa akin noon.

🎵diko inisip na mawawala kapa,akala ko'y panghabambuhay na kapiling ka.🎵

Unang bumalik sa aking alaala ang unang engkwentro namin ni Samantha doon sa pearl restaurant.Doon pa sana sinaksak ko na sa utak ko na sila naman talaga ang nararapat sa isa't-isa.Hindi na sana ako nagpadala sa bugso ng aking damdamin.

🎵lahat na yata binigay para sa'yo,ngunit parang may pagkukulang pa ako..🎵

Iniwasan ko naman sya,ah!pero bakit kung kailan na iwas ako ng iwas sa kanya ay sya namang paglapit nya?Purpose ba talaga ni Rolex ay para saktan ako?ganoon parin sya kasuklam sa akin?okay kung ganoon nga..panalo na sya sa kanyang plano.

🎵sino nga ba sya sa puso mo at kaya mong saktan ang tulad ko,gayung lahat-lahat ng akin at pag-ibig ay binigay sa'yo...🎵

Ngayon ko lang din naisip kung bakit galit na galit ang Samantha na iyon sa akin.Nagalit sya dahil sa pag-aakala nito na binibigyan ako ni Rolex ng special treatment.

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon