Pakiramdam ko lumulutang ako sa hangin dahil sa gaan ng feelings ko.Ayokong magsaya dahil alam kong may mauuwian din kapag sobra ng masaya.
Kung kanina badtrip na badtrip ako gawa ng sponsor kong maldita ngayon naman habang nakatitig ako sa seryosong mukha ni Rolex ay pakiramdam ko natanggal lahat ang katamlayan ko sa katawan.
This is unexpected!na bigla nalang syang lilitaw dito ay malaking issue na ito para sa akin.
Mabilis kong hinakbang ang pagitan namin at hindi ko na sya hinintay na lapitan pa nya ako.I'm not sure kung ano na naman kasi ang gagawin nyang scene kapag nagkamali lang ako ng kilos.Mahirap na..nasa harapan pa man din kami ng maraming estudyante.
"Anong ginagawa mo dito?"kunot-noong tanong ko.
"Sinusundo kita."maagap nyang sagot bago kumilos at pinagbuksan ako ng pintuan.
"Uuwi naman ako pagkatapos ng klase.Hindi mo na kailangan hatiin ang busy schedule mo para lang pumunta rito."nakanguso kong sagot bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Nagtaka ako nang hindi nya pa isinasara ang pintuan sa may tapat ko kahit na nakaupo na ako ng maayos.Tiningala ko sya kaya napansin ko ang madilim nyang aura.
Ano na naman ba ang problema nya?
"Hindi ba pwedeng magpasalamat ka nalang kasi hindi kana mapapagod sa kabi-bisekleta mo?andami mong reklamo.Umalis ka ng bahay na hindi ko alam.Hindi mo ako sinabayan sa pagkain ng almusal. So,paano ako makakasiguro na sa mansyon ka ulit tutuloy?"
Pagkasabi nya ng ganoon ay kaagad na nyang isinara ang pintuan bago mabilis na umikot papunta sa driver's seat.
Aba't----suplado!
Tinanaw ko ang maraming estudyante na ngayon ay nagsisialisan na.So,si Rolex lang talaga ang dahilan kung bakit sila nagkagulo,huh!sorry nalang kayo kasi pagmamay-ari ko na ang guapong masungit na ito!
Humahalakhak ako sa aking isip.
"Sana pala nag-artista ka nalang...andami mong fans oh!"Sabi ko sa kanya nang tuluyan na syang naupo sa kanyang pwesto.
"Dapat maging proud ka sa akin dahil tingnan mo kahit wala akong ginagawa andaming nakatingin sa akin."
"So,pumunta ka dito para magpapapansin,ganoon?"
Bigla na namang dumilim ang maaliwalas nyang mukha kanina.
"Sinabi ko ng pumunta ako dito para sunduin ka.Nasaan nga pala ang bisekleta mo?"
Ikinabit ko muna ang aking seatbelt nang mapansin kong nagkabit na sya ng kanyang seatbelt.
"Nasa pearl restaurant...naki-ride lang ako sa motorsiklo ng isa sa classmate ko kanina.Nadaanan nya kasi akong nag-aabang ng sasakyan."
Baka nakalimutan nyang kinaladkad nya ako mula sa trabaho ko kagabi?
Napalingon sya sa akin habang salubong ang kilay.
"Lalaki?"
Nilingon ko rin sya sabay tango.
"Mmm..."
Muntik na akong mahulog mula sa aking kinauupuan nang hinampas nya ng malakas ang hawak na steering wheel.
"Bakit hindi mo nalang ako hinintay para maidaan kita dito kaysa piliin mong sumakay ng motorsiklo habang nakapulupot ka sa likod ng kung sino mang tarandong iyon kanina?"
Tumaas ang aking kilay.Aba!hindi porke't nagtabi kami sa pagtulog kagabi ganyan na sya kahigpit sa akin?
"Hindi naman natin pinag-usapan iyon,ah!at saka correction..hindi po ako nakapulupot sa likod ng classmate ko!may harang kayang bag sa pagitan namin."
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...