Buong buhay ko wala akong ibang pinangarap na sana makita nya ako..mapansin at makausap.
Lumaki akong laging nagnanakaw ng tingin sa kanya.Malaya akong makapaglaro sa malaking hardin ng mansyon kapag wala sya doon.
Sa murang edad,iniisip ko kung ano ang magiging hitsura ko paglaki ko.Bagay kaya kami ni Rolex kapag isa na akong ganap na dalaga?
Ngayon,habang tinatanaw ko mula dito sa loob ng sasakyan ni Rolex ang malawak na hardin ay bumalik sa akin ang mga pangyayari noong kabataan ko.
Nanumbalik sa kasalukuyan ang aking alaala nang biglang magsalita si Rolex.
"Nasaan ang singsing mo?i mean yung wedding ring natin?sinangla mo?"
Hinayupak...anong sinangla?ganyan naba talaga ang tingin nya sa akin?na kahit ang pinaka-importanteng bagay ay magagawa kong balewalain?
"Malay ko ba kung totoo iyon."dahil sa inis ko yan tuloy ang lumabas mula sa bibig ko.
"So winala mo dahil hindi totoo?ganoon?"
Wala na lumaki na ang butas ng kanyang ilong dahil sa galit.Umuusok na nga oh!kaya lang kahit ganyan na sya sa paningin ko?bakit ang guapo parin?
"Bakit hindi ka makasagot?hindi mo ba alam kung gaano ka-expensive ang wedding ring na yun?"
Kaninang hinalikan nya ako,parang wala na sya sa kanyang sarili.Ni hindi na nga marunong magsalita.Tapos ngayon...pumuputak na naman!
Halikan kita dyan,eh!para manahimik ka ulit.
"Sinusumbatan mo ba ako?hindi ko naman hiningi sa'yo ang singsing na yun ah!pinasuot mo sa akin iyon...baka nakalimutan mo,Rolex!"
Naka-pout pa ako nang sabihin ko iyon.Binalewala ko ang kanyang panggagalaiti.
Sumungaw ang tuwa sa aking puso nang mapansin kong suot nya yung kanya.
"Wait..wait..wait..hinahanap ko lang ang singsing,Glydyl.Hindi panunumbat iyon.Okay sige kung naiwala mo man or whatever,forget about it!i buy you another one!the same design and-"
"No!"gulat kong sigaw.
Napaharap syang bigla sa akin na salubong ang kilay.
"Nandito lang naman ang wedding ring ko.Nakatago sa bag ko."
Pasimple kong pinagpag ang backpack na kasalukuyang nasa kandungan ko.
"Nasa bag?bakit hindi mo isuot?"
Pakialam ba nya kung hindi ko isusuot?
"Ayoko.Baka kasi makita ng mga kaklase ko."Nakatingin ako sa aking mga daliri habang nagsasalita.
"Ayaw mong malaman nila na ikinasal kana?dahil may balak kang tumanggap ng manliligaw mo?ganoon ba?"
Napaharap din ako sa kanya kaya saglit kaming nagkatitigan.
"Hindi ah!hindi ko isinuot kasi hindi ko alam ang isasagot ko kapag nagtanong sila sa akin."
"Ikinakahiya mo talaga ako?"walang kurap nya akong tinitigan sa aking mga mata.
"Hindi ko kasi alam kung sinong ituturo ko kapag nagtanong sila sa akin kung kanino ako nagpakasal.Pinalayas mo ako..paano nalang kung gusto ka nilang makita para mapatunayan nila na nagsasabi nga ako ng totoo?"mahaba kong paliwanag.
Tumango-tango muna sya bago muling nagsalita.Ngayon lumiwanag na ang kanyang mukha.
"Fine!ilabas mo na yan at isuot mo na ngayon din.Hwag na hwag mong huhubarin ulit,maliwanag?"
Napataas na naman ako ng kilay.Aba..bossy ah!
*
*
*
Hindi naman ito ang unang apak ko sa pamamahay na ito.Pero ngayong gabi ang unang apak ko na welcome na welcome ako dito sa loob ng mansyon.
Naramdaman ko ang kapanatagan.Ang pagtanggap ng tao na kinatatakutan ko at pinagtataguan ko sa 'twing nagagawi ako rito.
Malaya kong pinasadahan ng paningin ang buong kabahayan.Nagsimula sa naglalakihang chandelier na kumikislap sa may kisame.
Gabi-gabi ko naman iyon nakikita pero parang ngayon ko lamang iyon natitigan ng matagal na walang pag-aalinlangan.
Dito naba talaga ako titira?seryoso?
Walang sabi-sabi hinawakan ako ni Rolex sa aking kamay at iginiya paakyat sa hagdan.Marahan nyang binuksan ang pintuan ng kanyang silid nang mapatapat kami doon.
Nagda-dalawang isip pa ako kung papasok ba ako o,hanggang dito nalang sa may bungad ng pintuan.
Sayang...hindi ko kasi nahagilap ng paningin si Tita Fely.Baka natutulog na iyon.May dahilan sana ako para humiwalay ng landas patungo dito sa kwarto..hayyys.
"Sigurado ka bang dito mo ako patutulugin?"
Inikot ko ng paningin ang buong silid.Kinilatis ang bawat sulok,sakaling may maipipintas ako kahit konti kaso wala.Nakakadismaya.
"Yung hindi nga mag-asawa natutulog sa iisang silid tayo pa kaya na legal ng kasal?"
Binundol ako ng matinding kaba sa sagot nyang iyon.
"Bata pa ako at nag-aaral pa Rolex..."
Sabi ko habang hinihimay-himay ng kamay ang nakasabit na kurtina sa may bintana.
"And so?"
Tinungo nya ang walk in closet at binuksan iyon.Bitbit nya ang isang malaking t-shirt nang bumalik sa aking pwesto.
"Magsa-shopping tayo bukas.Bumili ka ng mga damit at gamit na kakailanganin mo."Inabot nya ang t-shirt sa akin kaya no choice tinanggap ko nalang.
"Mmm...may pasok ako bukas."
At maaga akong umuwi sa bahay dahil nandoon ang mga gamit ko.Dagdag ko sa aking isip.
"Ano,mayroon ka bang gustong baguhin sa design dito sa kwarto natin?just tell me...yung nagpapa-komportable sa'yo.."
Napalunok ako.Narinig nyo yun?kwarto daw namin!!
"Masyadong maliit ang kama,Rolex!"
Napalingon sya sa may kama bago napatingin sa akin.
"Sa lahat ng size..yan na ang pinakamalaki,Glydyl!"
Umaahon na naman yata ang inis nya..haha.
"Gusto ko mas malaki pa dyan!yun bang ilang metro ang layo natin sa isat-isa kapag nahiga na tayo?"
"Damn!ano pang silbi kung bakit tayo titira sa iisang kwarto?"
Napakagat ako sa aking labi nang matanaw ko sa salamin ang aking repleksyon.
Bagay na bagay sa akin ang earrings at necklace na pinasuot ni Rolex kanina.Umapaw yata ang taglay kong ganda,ah!
Marahan kong sinalat ang pendant ng suot kong necklace.I can't imagine myself wearing this expensive things right at the moment.
Napakislot ako nang maramdaman ko ang pagyakap ni Rolex mula sa aking likuran.
Tiningnan ko mula sa salamin ang repleksyon naming dalawa.Sa leeg ko sya nakatitig at hindi sa harapan ng salamin.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang kanyang labi na lumapat sa aking balat.Pinadaanan nya ng pinong halik ang aking leeg.
Napalunok ako para maiwasan ang aking pagsinghap.Hindi ko alam na napakasarap pala sa pakiramdam kapag hinahalikan ka sa ganyang paraan.
"Rolex..."kagat labi kong tawag sa kanya.
"Mmm?"
Oh god!bakit napaka-sexy sa aking pandinig ang simpleng ungol na yun?
"Hwag mo akong gahasain."
"GODDAMNIT!!!!"
Malakas nyang mura kasabay nang pagbitiw nya mula sa pagkakayapos nya sa aking katawan.
☆☆☆
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...