Marahan akong pumasok sa loob ng bahay.Hindi ko alam kung bakit panatag ang aking kalooban sa isiping nandito sa loob ng aking pamamahay si Glydyl.
Ang bilis lang talagang magbago ng isip ng tao.Noong matapos kaming ikinasal ni Glydyl ay wala nalang akong ibang inisip kundi kung paano ko sya mapapaalis.
Ngayon?parang hinaplos ang aking puso dahil sa kapanatagan.Pakiramdam ko nagkaroon ng kulay ang bawat sulok ng mansyon sa isiping bumalik sya dito.
I heaved a sigh bago umakyat sa hagdan papunta sa aking kwarto. Kung hindi ko pa nga pinipigilan ang aking sarili ay baka kanina ko pa sinugod si Glydyl sa loob ng kusina.
Hindi ko muna sya bibiglain.Baka kapag nalaman nya na alam ko na ang gawain na inililihim nya sa akin ay baka magkakaroon na naman ng awkwardness sa pagitan namin.
Iisipin ko pa kung paano ko sya mapapaamo.Step by step..ika nga.
Saglit muna akong nagpahinga sa ibabaw ng mahabang sofa ng aking silid habang nakatitig sa isang box na ipinatong ko sa ibabaw ng tokador.
Hindi ko alam kung paano ko maiaabot iyon sa kanya.
Tumayo na ako at naghubad.Hindi ko buong akalain na ganito pala kahirap dumiskarte sa isang babae.
Dumiskarte?ano ba kasi ang binabalak mo huh,Rolex?fuck this!
Nagpasya akong maliligo muna bago bumaba.Alam kong magtatagal ng mahigit isang oras si Glydyl sa pagluluto.
Alam kong hindi pa sya makakaalis hanggang sa matapos ako sa paliligo.
I'm wearing my white plain t-shirt and black shorts before i going downstairs.
Pagdating ko sa baba ay marahan akong lumiko patungo sa corridor papuntang kusina.
Lumihis ako ng daan at nagtago sa higanteng cabinet nang biglang magbukas ang pintuan sa kusina.
What am i doing?bakit ako nagtatago sa sariling pamamahay ko?
"Sigurado ka bang hindi kana kakain muna?"
Base sa tanong ni Manang Fely ay nagpapahiwatig na natapos na sa kanyang gawain si Glydyl.
"Hindi na po,Tita.May trabaho po kasi ako kaya kailangan kong magmadali.Sa bahay nalang po ako kakain mamaya.Salamat nalang po."
Napakurap ako at balak kong sumilip man lang para makita si Glydyl bago sya makaalis pero wala akong mahanap na siwang dito sa kinatatayuan ko.
"Mag-ingat ka.Hwag mong kalimutan na gumawi dito bukas ng umaga bago ka pumasok sa paaralan.Tawag ako ng tawag sa'yo kaninang umaga hindi mo naman sinasagot ang tawag ko.Akala ko kung napa'no kana."may bahid na pag-aalala sa boses ni Manang Fely.
"Sorry po talaga,Tita.Hindi ko naman intensyon na kalimutan ang obligasyon ko.Naiwanan ko po kasi sa restaurant na pinapasukan ko yung cell phone ko kagabi kaya hindi ko po nasagot ang tawag nyo.Yun din po ang dahilan kung bakit nasarapan ako sa pagtulog buong magdamag.Late na po akong nagising kaya hindi na ako nakasugod dito para ipagluto ng kanyang almusal ang boss mo."
Napapikit ako ng mariin dahil sa narinig.Para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib.Ang akala ko pa naman ay dahil sa mapangahas kong panghahalik sa kanya kagabi ang dahilan kung bakit hindi na sya sumulpot pa dito.
Matapos magpaalam ay narinig ko na ang mga yabag ng kanyang mga paa patungo sa maindoor.Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago ako lumabas mula sa aking pinagkukublihan.
Tinungo ko din ang maindoor at mabilis na hinakbang ang kinalalagyan ng aking mountain bike.
"Senyorito,saan po kayo pupunta?"
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...