Chapter eighteen

6.4K 186 3
                                    

Napapikit ako nang bigla nalang dumilim ang aking paningin habang nakaharap sa salamin dito sa loob ng banyo.Mabuti nalang at naisuot ko na yung t-shirt na pinahiram ni Rolex sa akin kanina.

Ayoko sanang maligo kasi naligo na ako kanina bago pa umalis ng bahay para pumasok sa aking trabaho.Pero kasi nakakahiya naman kay Rolex.Amoy kusina pa man din ako.Hayyy.

Huminga muna ako ng malalim bago marahang hinakbang ang pintuan.Kumapit ako sa doorknob para hindi mabuwal.

Pinatatag ko ang aking tuhod nang tuluyan na akong makalabas.Nabungaran kong nakaupo sa mahabang sofa si Rolex habang nakatuon ang atensyon  sa harapan ng kanyang laptop.

"Are you okay?"

Nilingon nya ako pero kaagad na namang ibinalik sa laptop ang mga mata.

"Um...yeah!"

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay antok na antok na ako.

"Liar!"

Napapitlag ako nang bigla nalang tumayo si Rolex at mabilis na hinakbang ang aking kinatatayuan.

Napasinghap ako nang walang babala nya akong pinangko at dinala sa higaan.

Marahan nya akong pinahiga sa ibabaw ng malambot na kama bago kinumutan.

"Did you take your medicine?"

Biglang nawala ang aking pagkahilo dahil sa narinig.Tinitigan ko sya sa kanyang mga mata at nabanaag ko doon ang matinding pag-aalala.

"A-anong gamot ang pinagsasabi mo?tulog lang ang kailangan ko,I'm sure maayos na ako bukas!"

Tumagilid ako ng higa..patalikod sa kanya.

"Hindi ka pwedeng pumasok bukas.You need to rest,Glydyl."puno ng determinasyon ang kanyang boses.

"Kailangan kong pumasok bukas.May darating na sponsor sa school namin.Napili yung drawing ko para sa exhibit session next week.Gusto nilang makita at makausap ang may-ari ng drawing kaya kailangan na nandoon ako."

Mahalaga para sa akin ang gaganaping exhibit na yun.Doon makikilala ng mga tao ang mga gawa ko.

Nagtaka pa ako nang hindi umimik si Rolex.Sabagay,ano nga ba ang pakialam nya tungkol sa pinagagawa ko diba?bakit nga ba ako nagbibigay ng paliwanag sa kanya?

*

*

*

Magaan ang aking pakiramdam nang magising ako kinabukasan.Napakurap-kurap pa ako nang mamulatan ko ang dimmed light na silid.

Anong oras na kaya?May pasok ako ngayon kaya kailangan kong gumising ng maaga.Maghahanda pa kasi ako ng almusal ni Rolex.

Marahan akong bumangon nang bigla akong mataranta.Yung magkabilang binti ko ay parang nakapatong sa matigas na bagay!

Oh.Em.Ge!

Naka-cross ako ng higa sa malapad na kama habang nakapatong ang magkabila kong binti sa ibabaw ng matitipunong dibdib ni Rolex!

God!bakit nya ako hinayaan sa ganitong posisyon?hindi man lang ba sya nangalay buong magdamag?

Nakahinga ako ng maluwag nang malaya kong matanggal ang aking binti na hindi man lang kumilos si Rolex.Naupo ako ng tuwid sa ibabaw ng kama bago ko marahang sinilip ang kanyang mukha.

Ang guapo parin kahit na mapayapa sa pagtulog.Lihim akong napangiti dahil sa naisip.Ewan ko ba kung bakit baliw na baliw ako sa lalaking ito?

Inayos ko ang kumot sa kanyang ibabaw bago ko dinampot ang aking backpack na maayos na  nakapatong sa ibabaw ng sofa.

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon