Glydyl's POV
<♡HUSBAND♡:I'll be there after fifteen minutes.I miss you.>
Haist...pati message ni Rolex ay tinatamad na akong basahin.Ano ba ang nangyayari sa akin?Lahat nalang yata ay kinatamaran ko ng gawin.Mas gustuhin ko pang tumunganga o di kaya'y matulog nalang.
Kasabay ng aking paghikab ang paghampas ng malamig na hangin na dumampi sa aking balat.Nandito ako sa lilim ng puno na paborito kong tambayan kapag nandito ako sa loob ng university.
Dati-rati...hawak ko ang papel at pencil habang abala ang aking mga kamay sa pagguguhit lalo na kapag ganito katahimik ang paligid.
Pero ano itong ginagawa ko ngayon?nakaupo lang ako dito habang pinapasadahan ng paningin ang malawak na lupain na kung saan dito nakatirik ang malaking building ng university na ito.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at nagawa kong pag-aralan ang loob ng university na pinapasukan ko.
"Can we talk?"
Kaagad akong napaangat ng mukha nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
Kung hindi ko lang alam na pag-aari ng kanyang ama ang university na ito ay hindi ko siguro maiwasang hindi magtaka kung bakit lagi nalang syang nagpupunta dito.
Hindi naman sya professor at lalong hindi naman sya estudyante!
Lalong napakunot ang aking noo nang makita ko ang marahan nyang pag-upo sa aking tabi.
Wait...totoo ba itong nakikita ko?ang isang mighty Samantha ay nakaupo ngayon sa may damuhan na katabi ko?hmm...weird!
After the long silence ay bigla nalang syang nangumpisal na syang ikinagulat ko.Ano ito?paawa effect?
"Ngayon ko lang na-realize na mahirap pala ang ipilit mo ang iyong sarili na gustuhin ka ng isang tao."
Oo naman!naranasan ko na yan...ilang rejection na nga ba ang natanggap ko mula sa taong kinababaliwan ko?hindi ko na din mabilang..dahil lumaki ako na wala nalang syang ibang ginagawa kundi ang kasuklaman ako!yan ang pagkakatanda ko.
"Buong buhay ko ay wala na akong ginawa kundi ang ipakita ang best na makakaya ko...pero hindi parin iyon worth it para kay Dad."
Kahit na naiinis ako sa kanya nitong mga nagdaang araw dahil masama na ang encounter naming dalawa sa simula palang...pero hindi ko pa din maiwasang hindi malungkot nang marinig ko ang kanyang sinabi.
Mabuti nalang ako...lumaki na walang naririnig na kwento tungkol sa aking ama.Kung anong dahilan man na kung bakit hindi iyon nababanggit ni Lolo sa akin,wala na akong alam doon.
"Bata pa lamang ako ay naramdaman ko na ang pagiging unfair ni Daddy.Ipinaramdam nya sa akin na mas mahalaga ang architecture kaysa sa nag-iisa nyang anak.Lumaki akong dala ang pagtatampo...Lalo pa at nagkataon na biglaan ang pagkamatay ni Mommy."
Hindi ko maiwasan na hindi sya lingunin.Napansin ko ang pamumuo ng mga luha sa bawat sulok ng kanyang mga mata.Naaawa tuloy ako sa kanya.
"Sa hindi inaasahang pagkakataon,nakilala ko si Cress sa murang edad na iyon.Iisa ang paaralang pinapasukan namin..mula elementary,high school at kahit na mag-college kami."
Gusto kong mapanguso ng wala sa oras nang mabanggit nya ang pangalan ng pinakamamahal kong asawa.
"Nagkapalagayan kami ng loob.Lalo pa at magiliw ang pag-approach ni Daddy nang malaman nyang si Cress ang best of friends ko.Nasanay akong nandyan sya lagi sa 'twing kailangan ko.Sya ang nagsilbing tagapagtanggol ko sa 'twing ini-ignore ako ni Daddy."
BINABASA MO ANG
Curse..in the name of love
ChickLitHanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin ang iyong sarili? Kasi ako? Yeah...i curse myself for loving him so much! ..i curse myself for letti...