Chapter thirty-four

5.9K 174 5
                                    

Glydyl's POV

Eksaktong nasa harapan na kami ng sasakyan ni Rolex nang bigla akong magsalita na syang  ikinatigil nya.

"Hindi ako sasabay sa'yo pauwi.."

Ewan ko ba..mukhang badtrip pa din ako dahil sa late nyang pagdating kanina.Iniiwasan kong makipagtalo sa kanya kaya kailangang palamigin ko muna itong ulo ko.

"Ha?at bakit naman?"kunot-noong tanong nya.

"Ihahatid kami ng school bus pauwi at--"

"Pareho lang naman iyon.Susunduin din naman kita sa school kahit na sa school bus ka sasakay.Mas mabuti pa sa akin kana sumabay dahil mas mapanatag ang kalooban ko."putol nya sa sasabihin ko pa sana.

"Hwag mo na akong sunduin.Doon ako bababa sa pearl restaurant mamaya at para makuha ko ang aking bisekleta.Bale,magbi-bisekleta nalang ako pauwi."

Kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga bago nagsalita.

"Are you out of your mind!?tiningnan mo ba kung anong oras na?maggugumabi na,Glydyl!tapos balak mo pang magliliwaliw sa daan?ano ba ang gusto mong palabasin,huh?paano kung mapahamak  ka!akala mo ba ikabubuti ko iyon kung may masamang mangyari sa'yo?"

"Yun naman pala eh!naiisip mo naman pala kung anong oras na!dapat sana kanina mo pa nalaman na maggugumabi na!nagpresent-present ka pa dito eh mas maliwanag pa sa sinag ng araw ang katotohanan na nahuli ka sa event kanina!"

Hindi ko naman balak na mag-outburst  pero sa isiping hindi naging kompleto ang araw ko ngayon dahil sa hindi nya pagsipot ay parang gusto kong magwala.

Nangako sya...nangako syang dumating pero hindi nya tinupad.Umasa pa man din ako..umasa akong makita nya kung ano ang pwede kong maipagmalaki sa sarili ko na hindi nagagawa ng iba.Pero binigo nya ako.

"Glydyl,look...I'm sorry.Hindi ko naman sinasadya na magpahuli ng dating.I tried to----but,damn it!kahit na papatapos na ang event bago ako dumating.Kahit na hindi ko nasilayan ang pag-start ng event.Kahit na hindi mo sasabihin sa akin...alam ko,alam ko kung gaano ka kahusay..alam ko,kung gaano ka kagaling sa lahat.I appreciated it.Hwag ka ng magtampo,please..ang importante nakarating naman ako,diba?I'll make it up to you kaya hwag ka ng magalit."

Marahan nyang hinawakan ang aking magkabilang kamay bago nya iyon tinitigan.

"Alam ko kung gaano kahusay ang mga kamay na ito."sabi nya bago marahan nya iyon itinaas palapat sa kanyang labi.

Napakurap ako at hindi ko na namalayan ang biglang pag-awang ng aking bibig dahil sa ginawa nya.

Kainis naman!alam na alam nya kung paano palalambutin ang aking puso!

Hmmm...pasalamat ka at mahal kita kung hindi----makakatikim ka talaga sa akin!

*

*

*

Nag-aayos na ako ng aking gamit pagkatapos ng panghuling klase ko nang bigla akong tawagin ni Professor Eva.

"Glydyl,tumawag si Miss Lory...nasa labas na daw ang company driver nila para sunduin  ka."

Gulat na gulat ako sa kanyang sinabi.

"Bakit naman po ako susunduin,Professor?"

"Gusto ka daw nyang makausap.Kaya pinapapunta ka nya sa kanyang office ngayon din.Marahil may kinalaman ito sa nangyaring exhibit kahapon."

Ah...siguro nga.Naalala ko pala kahapon ni hindi kami nagkausap ni Miss Lory.Ni hindi pa nga ako nakapagpasalamat sa kanya ng maayos.Hayyy...nakakahiya tuloy.Kainis naman kasi si Rolex.Nawawala ang matino kong pag-iisip ng dahil sa kanya.

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon