two

299 9 0
                                    


kevin:

"Si Via ba 'yun?" Tanong ko kay Hani nang madatnan ko na bumuntong-hinga siya matapos makipag-usap sa telepono.

     "Oo," maikli'ng sagot na natanggap ko, palapit na ako sa kama namin kung saan siya nakaupo.

     "Ayos na ba siya?"

     "'Yun ang sabi niya."

   Tinabihan ko siya sa kama at kinuha ko ang libro saka eyeglasses ko na nasa loob ng drawer ng side table.

     "Tart," sabi niya ulit.

     "Hmm?" Pinapakli ko na ang pahina ng libro'ng hawak ko.

     "Gusto ko'ng patirahin ulit si Ate dito, para naman mabantayan ko siya."

     "Via's a strong lady, alam niya 'yun'g makakabuti sa kanya."

     "Oo na andun na ako. Pero pag-ibig kasi 'yun'g kalaban niya dito, 'wag lang natin'g baliwalain 'yun. Tyaka nakakatakot na mag-isa lang siya sa unit niya ngayon, siyempre malungkot ang anak natin kahit na sabihin niya'ng okay lang siya. Ramdam ko sa boses niya na nasasaktan pa rin siya at mahal niya pa si Ryan. Bakit ba kasi may mga lalaki na hindi makuntento sa isa?"

   Napatingin ako sa asawa ko.

     "O bakit? 'Wag mo'ng sa—"

     "Papuntahin mo si Via dito bukas."

     "Huh?"

     "Dito mo siya patulugin."

   Hindi siya kumibo.

     "Tell her this is her home, she has to be with her family. Para makatulog ka na rin nang mahimbing."

   Umalis si Via sa puder namin'g mag-asawa noon'g 22 years old na siya. Nagtatrabaho siya sa isa'ng advertising company bilang copywriter at the same time ay nagma-manage din siya ng pastry shop ni Mama. My eldest has been hella talented, smart and independent lady. Bilib ako sa energy niya dahil kaya niya'ng e-juggle ang pagtatrabaho, pagiging tutor kay Ada, pagkakaro'n nang me-time at pagiging girlfriend sa boyfriend niya'ng si Ryan. I envisioned Via to be this bad-ass and independent woman, and she never failed me.

   Nang malaman ko na naghiwalay na sila ng boyfriend niya, aaminin ko nasaktan ako, naging kasundo ko na rin si Ryan sa loob nang ilan'g taon'g relasyon nila ng anak ko. Nagkakasama na rin ang pamilya namin at pamilya nito sa mga family gatherings. I was open with the idea na magiging in-law ko siya. They had a mature relationship na akala ko magtatagal until nalaman ko nga kay Hani na tumawag sa kanya si Via at sinabi'ng break na sila dahil nag-cheat ito sa kanya. Hindi ko matanggap na sa ganoon'g paraan sila maghihiwalay, hindi ko nakakitaan si Ryan na gagawin iyon sa anak ko. I entrusted Via to him and he knew that, alam niya'ng kung meron man ako'ng gusto'ng mapapangasawa ng anak ko ay siya 'yun.

   Mula nang maghiwalay sila, minsan ko lang nakita si Via, and she's indeed a strong woman. She's still the Olivia I know before and after Ryan. Pero nang sabihin ni Hani kanina 'yun'g tungkol kay Via, naalarma na ako. Hindi lang sobra'ng pag-e-exaggerate 'yun, alam ko na may dahilan kung bakit ganun nalang ang pag-aalala niya kay Via. May nakikita at narararamdaman si Hani na hindi ko nararamdaman.

   Via came in the next evening, dala-dala niya ang isa'ng duffel bag.

     "Hi, princess," Pagbati ko noon'g nagmano siya at humalik sa pisngi ko.

     "You wanted to see me?" Tanong niya. I could hear her mother's voice when Hani's serious or upset—ang pinagkaiba lang nila, normal voice ni Via ang low and cold tone na para ba'ng pikon siya pero hindi naman.

     "I missed seeing my princess."

   Natawa siya—bagay na hindi niya ginagawa parati.

     "Nagdala nga po pala ako ng lasagna."

     "You baked?"

     "Nope. Galing ako'ng office kaya nag-take out nalang ako. But don't worry, I'll cook for us this weekend."

   Napangiti ako.

     "Thank you, anak."

   She smiled. She looked good. Her strong façade couldn't cover the sweetness of her smile.

   O baka hindi ko lang nahalata na may mali?

   Okay naman ang mga araw na nandun si Via sa bahay. Hindi ko pa rin maintindihan ang pag-aalala ni Hani, sa tingin ko naman okay lang ang panganay namin.

   Until one night, mag-aalas dos na at tulog na ang asawa ko maging si Maru at Ada. Lumabas ako ng kwarto para ilagay sa sink ang mug na ginamit ko. Sa pag-akyat ko ulit ng hagdan ay napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Via. Nilapitan ko 'yun at sisilipin sana ang panganay ko. Sa pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko'ng nagsusulat lang siya. Tatawagin ko sana siya pero bigla ko'ng narinig ang pagsinghot-singhot niya na para ba'ng humihikbi siya.

   Bigla siya'ng lumingon at maga nga ang mga mata.

     "D—daddy." Para siya'ng bata na nadapa at nasugatan. Nakita ko ulit 'yun'g mga mata nang bata'ng Olivia na umiiyak dahil nasugatan siya o kaya nakagat ng langgam habang naglalaro. Naramdaman ko ulit ang longing for protection ni Via.

   Mabilis ko siya'ng nilapitan at tinabihan sa kama, yumakap siya agad sa'kin at umiyak nang tahimik. Wala'ng sigaw. Wala'ng bulalas. Umiyak siya sa bisig ko nang hindi gumagawa nang ingay maliban sa pasimple'ng pagsinghot. Hindi siya nagsalita, grabe ang pag-iyak ni Via sa bisig ko. Nine years ago ko siya huli'ng nakita na ganun kagrabe umiyak.

   She looked at me, nadurog ang puso ko nang sabihin niya'ng,

     "Am I not enough?"

     "Anak, no, you are enough." agad ang nasagot ko nang makabwelo na'ko sa tanong niya.

     "We had promises, Daddy, and I believed him. Siguro nga hindi perfect ang relationship namin pero I thought we had a future together. Daddy, bakit ganun? Bakit ganun lang kadali para sa kanya na iwanan ako? Na ipagpalit ako? Bakit ganun kadali para sa kanya na itapon ang 3 years namin para sa isa'ng babae na bago lang niya nakilala?"

   I saw and felt Via's pain. It wasn't easy for me to see her crying na parang sundalo'ng sugatan. Masakit para sa isa'ng ama na makita'ng dinurog nang isa'ng lalaki ang puso ng anak na tinuring mo'ng prinsesa. I entrusted my princess to a faux prince.

   Hinayaan ko'ng umiyak si Via, hindi ko alam kung pa'no siya pakalmahin. All this time akala ko okay lang ang anak ko, three months na mula nang break up at akala ko naka-move on na siya.

     "Andito lang kami ng Mommy at mga kapatid mo. We love you, Olivia," ang tangi'ng nasambit ko. I wanted to assure that she's not alone.

   Nakatulog si Via pasado alas dos na, hindi mawala sa isipan ko ang itsura niya sa oras na'yun. Mas masakit sa tuwing iniisip ko na sa mga nagdaan'g buwan umiiyak siya'ng mag-isa. At mas malala pa, 'yun'g makatulog siya sa kakaiyak nang wala man lang kahit sino ang nagparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

BOOK 6: How You Love Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon