olivia:Last week of my birthday month, tumawag sa'kin si Bea to deliver a beautiful news. Sinagot na niya raw si Peter! Siyempre maliban kay Peter ay isa rin ako sa naging masaya.
Sa wakas! Makalipas ang 8 years ng pagiging single ni Bea ay nahanap na niya ang lalaki'ng nagpabukas ulit ng puso niya. 'Di rin talaga biro ang pinagdaanan ni Beatrice. Isa siya sa mga babae'ng hinahangaan ko. Bilib ako sa strength niya.
Free dinner ang sinabi ni Bea kaya matapos nang trabaho ko sa Bright Minds ay diretso na'ko sa unit ni Peter sa Novaliches.
"Naglalakad na'ko papunta'ng unit ni Peter. Andiyan ka na ba?" Habang kausap ko si Bea through phonecall, kakalabas ko lang ng elevator.
"Oo, nandito na rin si Lance."
Natigil ako bigla sa paglalakad. Tumibok nang mabilis ang puso ko. Napalunok pa 'ko.
"Via? Hello?"
"Nawala bigla 'yun'g signal, ano nga ulit 'yun'g sinabi mo?"
"Sabi ko bilisan mo, ikaw nalang ang hinihintay namin."
Napangiti ako.
"Bilisan mo ha?"
"Mm."
Nang malaman ko na andun din pala si Lance ay naging mas excited and conscious ako lalo sa dinner. Masaya ako na naging official na si Bea at Peter, pero may iba ako'ng naramdaman nang malaman ko na magkikita pala kami ni Lance sa gabi'ng 'yun.
Si Peter ang nagbukas ng pinto. Nagbeso agad kami nang makita niya 'ko.
"Nagdala ako ng red wine." Nasabi ko noon'g papasok na'ko ng unit.
"Uy, salamat."
I smiled. Nahagip na nga nang mga mata ko si Lance na nakaupo na sa dining table ni Peter.
"Sa'n si Bea?" Tanong ko kay Peter.
"Nagbanyo lang sandali."
"Oh."
"Maupo ka na, tabi kayo ni Bea. Kukuha lang ako ng wine glass."
"Sige."
Busy si Lance sa cellphone niya kaya hindi ko nalang muna siya pinansin. Umupo ako sa tapat niya.
He looked at me and smiled.
Fuck, stop it.
Ngumiti nalang din ako. Tangina, 'yun'g heartbeat ko.
Eksakto'ng lumabas si Bea ng banyo kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. Talaga'ng sinadya ko 'yun. Kailangan ko'ng ma-distract. Kahit na oo, masaya ako na nagkita kami ni Lance.
"Via brought wine." Sinabi ni Peter nang umupo na si Bea sa tabi ko.
"Good."
Umupo na rin si Peter sa tabi ni Lance. Parang lumiit ang mundo bigla. Sasabog ata ang puso ko, hindi ko kasi nakita si Lance sa nursing home noon'g Linggo. Sa text lang kami nagkaka-communicate, pero hindi naman ganun katagal 'yun dahil minsan pagod na rin ako at gusto ko nang matulog kaagad. Lumala 'yun'g pagkaka-miss ko sa kanya. Walanghiya, mayayakap ko pa ata siya nang wala sa plano.
Napabuntong-hinga ako.
"Are you okay?" Tanong ni Bea.
"Huh? Um, oo. Medyo pagod lang."
BINABASA MO ANG
BOOK 6: How You Love Her
RomansaNine years ago, she had to let him go. Nine years ago, he had no choice but to lose her. It was nine years ago when she had to see him walk away from her, and the exact moment he had to endure those painful steps of having to leave her behind.