olivia:Nagising ako from a deep slumber, sumakit bigla ang ulo ko bunga nang kakaiyak sa nagdaan'g gabi. Napabangon ako at tiningnan ang oras, kaka-alas singko pa lang ng umaga. Bumuntong-hinga ako at tumunganga, tinatantya kung ano'ng mabuting gawin sa bago'ng araw na'yun. Kumikirot na talaga ang ulo ko, kaya nagdisesyon ako'ng umalis ng kama at uminom ng tubig. Baka mapunta pa sa migraine 'to'ng nararamdaman ko.
Nagbihis ako at lumabas ng inn para mag-jogging nang kaunti. Ang bango nang amoy ng paligid, ta's naririnig ko rin ang pagtilaok ng mga manok at ang papasikat na araw sa pagja-jog ko. 30 minutes ako'ng nag-exercise at bumalik ng inn para maligo dahil plano ko'ng dalawin ang kaibigan ni Mommy na nakatira sa probinsya.
Nagtsaa muna ako sa cafe ng inn bago sinimulan ang paglalakad papunta sa bahay nina Auntie Wena. Masarap maglakad sa lugar, maliban sa pagiging malamig ng klima, ang sarap din'g pagmasdan ng mga pine trees na sobra'ng green ng kulay. Napakarefreshing ng lugar, 'di mo na gugustuhin pa'ng umalis kapag nakatapak ka na ron. Lalo na kung mahilig ka sa nature.
Kita'ng-kita ang maganda'ng view ng rice terraces, tapos may mga nakakasalubong ako'ng igorot na mga bata na naghahanda na para sa pagpasok nila sa school. Nagpalitan kami ng mga ngiti nang daanan ko ang bahay nila.
—
Fifteen minutes ang nilakad ko mula sa inn papunta'ng village nina Auntie Wena. Nagwawalis siya ng bakuran nila nang dumating ako.
"Olivia!" Nakangisi'ng bati niya nang makita ako 'di kalayuan sa kinatatayuan niya.
Ngumisi din ako at nagmano nang lapitan ko na siya.
"Hello po, Auntie."
"Buti't napasyal ka, asa'n ang nanay mo? Kasama mo ba?"
"Mag-isa lang po ako."
"Mag-isa." Napatango-tango siya.
"Bakit po?"
"Anak ka nga ng nanay mo."
"Po?"
Ngumiti siya.
"Dun tayo sa loob mag-usap, kumain ka na ba?"
"Nag-tsaa po ako sa inn na tinutuluyan ko." Habang naglalakad kami papasok ng bahay nila.
"Andun ka rin ba sa orange orchard tumutuloy?"
"Opo."
"Parang nakita ko na ang ganito'ng eksina. Brokenhearted ka noh?"
"Po?"
Natawa siya.
"Upo ka nga muna." Anyaya niya, "Hay nako, anak ka nga ni Hani. Dito rin nagtago 'yun'g nanay mo noon'g brokenhearted din siya sa tatay mo."
Parang alam ko nga ang kwento'ng 'yun.
"Hindi naman po ako nagtatago ngayon. Tsaka, masaya na po ang ex ko sa bago niya ngayon."
"'Yan din ang sabi ni Hani noon. Pero kita mo, sila pa rin ni Kevin sa huli ta's naging bunga ka pa nang pagmamahalan na 'yun."
Ngumiti ako.
"Hindi man nagtapos ang storya namin ni Ryan kagaya nang sa Mommy at Daddy ko. Ayos na po ako na makita'ng masaya 'yun'g iba'ng tao. Na at least sa kanila nagkaro'n ng happy ever after."
BINABASA MO ANG
BOOK 6: How You Love Her
RomanceNine years ago, she had to let him go. Nine years ago, he had no choice but to lose her. It was nine years ago when she had to see him walk away from her, and the exact moment he had to endure those painful steps of having to leave her behind.