olivia:Pag-uwi ko ng Quezon City, balik trabaho na ulit ako. From a senior copywriter the whole day to managing Danita's every night. Hindi ako umuuwi hangga't hindi ko natatapos basahin ang reports ng supervisor ng Danita's. Sa day off ko naman, half of my day nasa nursing home tapos the rest sa Danita's.
I spend time for myself kapag nararamdaman ko'ng nalulunod na ako sa trabaho. Kailangan ko'ng mag-recharge para hindi matalo nang pagod. Umuuwi ako paminsan-minsan sa bahay ng parents ko. Tutal hindi naman masyado'ng malayo ang Marikina. Minsan naman sa Danita's nalang ako pinupuntahan ni Ada kapag may ipapaturo siya'ng lessons.
Matapos ang isa'ng buwan mula nang makabalik na ako sa trabaho, hindi na hinahanap nang sistema ko si Ryan. Maybe because I've learned to live with the void he left? Siguro nasanay na rin ako na wala siya. Kaya hindi na ako umiiyak sa tuwing nagigising ako na mag-isa ako sa kama where Ryan's used to be. And just the thought of Ryan doesn't sting my heart anymore.
"No, it's not because of Lance." I explained to Bea nang bumisita siya sa Danita's galing trabaho sa ospital.
"Mm-hmmm."
"Bea, we rarely see each other. Nag-uusap kami sa nursing home kapag nagkikita kami and that's just once a week. Maliban dun, wala na kami'ng communication. Hindi nga kami nag-tetext, ni chat wala."
"Okay," maikli'ng sagot nito.
"Gusto mo lang ata na kulitin din kita nang sa inyo ni Peter kaya ino-open mo 'yun'g topic na 'to."
"Of course not."
"Speaking of, bakit hindi mo kasama si Peter ngayon? Diba sinusundo ka nun parati?"
"Inaway ko siya. Pinauwi ko."
"Bakit?"
"Alam mo naman na hindi ako ready sa relationship, diba? As in never ako'ng magiging ready. Alam mo kung bakit."
"Wala ba'ng pag-asa si Peter? Alam ba niya?"
"Ni-explain ko na naman sa kanya ang reason. Alam na niya kung bakit ganito ako, kung bakit ayoko'ng pumasok sa isa'ng relationship."
"Yet he stayed."
"Gusto lang naman ng mga lalaki nang challenge, nang thrill. Nature na sa kanila ang ma-attract sa babae'ng tingin nila pa-hard to get lang. Ma-effort sila 'pag ganun."
"I don't think Peter's like that. He could have just left you noon'g sabihin mo ang reason kung bakit ayaw mo sa isa'ng relationship."
Natahimik si Bea.
"Beatrice, mahal mo rin siya, diba?"
Ilan'g beses ko na ata'ng natanong 'to sa kanya.
Hindi siya kumibo. First time niya'ng gawin 'to. Dati kasi todo deny talaga siya na ayaw niya kay Peter.
"Hindi siya mapagkakatiwalaan. Fuckboy ang dating."
"Masyado'ng ma-effort. That's creepy."
"Matalino siya, madiskarte. Hindi 'yun maganda. Potential manloloko."
"Mapapagod din 'yun."
"Ayoko sa relationship."
BINABASA MO ANG
BOOK 6: How You Love Her
RomanceNine years ago, she had to let him go. Nine years ago, he had no choice but to lose her. It was nine years ago when she had to see him walk away from her, and the exact moment he had to endure those painful steps of having to leave her behind.