kevin:Mahimbing ang pagtulog ni Hani nang bumalik na ako ng kwarto namin. Bago ko iwanan si Via ay nabasa ko ang sinulat ng anak ko sa notebook niya. Ang dami niya'ng tanong, ang lala ng galit niya at higit sa lahat ang lalim ng sugat na iniwan ni Ryan sa kanya.
Humiga ako at tinitigan si Hani.
"Nakita mo nga ang kahinaan ng anak natin. Tama ka, Tart, Via might be tough outside pero durog na durog siya sa loob-loob niya." Ang laman ng utak ko habang tinititigan ang asawa ko.
Bumuntong-hinga ako at tumitig sa ceiling.
"Am I not enough?"
"Bakit ganun lang kadali para sa kanya na iwanan ako? Na ipagpalit ako? Bakit ganun kadali para sa kanya na itapon ang 3 years namin para sa isa'ng babae na bago lang niya nakilala?"
Binulabog ako ng mga sinabi ni Via sa'kin; para ba'ng hinahabol ako nang nakaraan ko. Hindi ako nakatulog nang maayos, siguro higit sa dalawa'ng oras lang ako'ng nakaidlip. Pasado alas singko na nang mag-alarm ang orasan na ni-set ni Hani. Gising ako pero 'di ako dumilat, naramdaman ko ang paggalaw ng asawa ko at pinatay ang alarm. Wala pa'ng iilan'g segundo mula nun nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko bago siya bumangon at umalis ng kama namin. Napadilat ako at sinundan siya nang tingin noon'g papunta na siya ng banyo.
Bumangon ako't sinuot ang eyeglass ko saka dinampot ang cellphone. Nagpunta ako sa chat app at hinanap ang account ni Monique. Online siya kaya nag-chat ako.
"Hi."
"Uy, hi, Kevin!"
"Pwede ba kita'ng tawagan?"
"Sure."
Nang eksakto'ng lumabas si Hani ng banyo.
"Ang aga niyan ah. Trabaho ba?"
"Si Monique."
"Bakit? May problema ba kay Monique?"
Hindi ako kumibo kaya nilapitan niya 'ko.
"Tart?"
I reached for her hand at giniya siya paupo sa tabi ko.
"Makinig ka lang, Tart." Sabay pindot sa call button.
"Hello? Kevin?" Narinig namin'g boses ni Monique na may makapal ng kiwi accent.
Nagtinginan kami'ng mag-asawa.
"Hi."
"What's the matter?"
"I was doubting if I had ever said sorry for what I did to you."
"What?" Ta's natawa si Monique. "Well it's been a couple of decades, bakit ngayon mo lang ata natanong? Um, you did say sorry tho. Ako lang 'yun'g matigas ang ulo nun."
"I am deeply sorry, Monique." Seryoso ko'ng nasabi.
"Ano'ng nakain mo?"
"For I saw your pain in my daughter's eyes." Bigla ako'ng naluha at tiningnan ang asawa ko.
"Who? Aurora's? Olivia's?"
"Olivia." Humiga si Hani sa balikat ko at nakinig lang sa pag-uusap namin ni Monique.
"Seriously?"
"Sorry kung naging unfair ako sa'yo noon, kung hindi ko napanindigan ang pangako ko sa'yo. Kung na-in love ako sa iba habang wala ka. Sorry kung nasaktan kita."
Hindi nakapagsalita si Monique.
"Um, this is awkward," Nasabi lang niya.
"Hindi ko kaya'ng magalit sa ex ng anak ko dahil naaalala ko lang ang sarili ko sa kanya. I cannot condemn him kasi 'yun'g ginawa niya sa anak ko, 'yun din 'yun'g ginawa ko sa'yo."
Bumuntong-hinga si Monique sa kabila'ng linya.
"Kevin, kung iniisip mo na kinarma ka sa nangyari sa'kin. Please stop. 'Wag mo'ng sisihin ang sarili mo, gago ka. Hindi ka naman committed sa'kin nang mahalin mo si Hani, so technically wala ka'ng kasalanan. I was too immature noon, I was irrational. I was lonely. Kaya hindi ako bumitaw at mas pinili'ng guluhin kayo kasi inisip ko noon na wala nang darating na lalaki para sa'kin. Which is not true. I know this is a difficult time for Via, but she'll get over this. She's a Romero, palaban siya I know, lalo na't anak din siya ni Hani na sa pagkakaalala ko hindi umuurong sa laban kahit na mag-isa lang siya."
Natahimik ako.
"Hoy, cheer up! 'Wag niyo'ng sisihin ang mga sarili niyo. Ako nga 'to'ng dapat makarma sa ginawa ko'ng kabruhaan sa inyo'ng mag-asawa. Pero kidding aside, okay na ako, napatawad ko na kayo, napatawad ko na rin ang sarili ko. Geez, ang tagal na nun, may mga anak na tayo ngayon. Let's all bury everything in the past."
"Thank you."
"Just don't leave Olivia alone. Iba pa rin kung family ang support system mo. She'll heal, soon. Hayaan niyo lang siya, hintayin niyo siya."
BINABASA MO ANG
BOOK 6: How You Love Her
RomanceNine years ago, she had to let him go. Nine years ago, he had no choice but to lose her. It was nine years ago when she had to see him walk away from her, and the exact moment he had to endure those painful steps of having to leave her behind.