thirteen

224 7 1
                                    


olivia:

Pinuntahan ko si Mommy sa opisina niya, sa pagliko ko papunta sa distinasyon ko ay ginulat ako ng mga party popper.

     "What the fu–" natigil ako at agad tinakpan ang bibig. Nasa harap ako nang iilan'g matanda at nurses. Andun din ang Mommy ko. Nakakahiya'ng magmura sa harap nila.

   Tumawa sila at kumanta ng birthday song. Na-recover ko na rin ang normal breathing ko at ngumisi habang hinihintay sila na matapos sa pagkanta. Nakipalakpak na rin ako at hinipan ang kandila sa dala nila'ng cake.

     "Wow, thank you. Thank you po sa inyo."

     "Ate, hindi lang ito ang surpresa namin sa'yo."

   Dinala nila ako sa grounds ng nursing home, naghihintay sa'kin ang iba pa'ng pasyente ron. Nakaparty hat sila at may banner din na "Happy Birthday, Via!" Isa'ng kiddie party ang surprise nila sa'kin. Nandun din ang mascot nang paborito ko'ng fast food chain.

   Pinaupo nila ako sa harapan at sinuotan nang korona'ng pambata. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang. Nagsimula ang program, una ang pag-introduce sa'kin, tapos may palaro. Ang saya na 'yun'g mga matatanda ay nag-e-enjoy. Ang lalaki nang tawa at ngiti nila. Hindi ko rin ma-explain ang saya ko sa punto'ng 'yun. Usually kapag Linggo lang sila nakakakain nang talaga'ng masarap na pagkain. 10 am-12 nn ang weekly activities sa nursing home, at ang masarap na tanghalian nga ang finale. Kaya sigurado masaya ang mga lolo't lola dahil sa Linggo'ng 'yun tiba-tiba sila sa lunch at snacks.

   Speaking of pagkain, nang oras na nang kainan ginulat ulit nila ako sa isa pa nila'ng surpresa.

     "Sanay tayo na si Ma'am Olivia ang nagdo-document ng activities natin dito. At dahil birthday niya, siya naman ang subject natin ngayon. Ma'am, para sa'yo 'to. Panuorin niyo," ang isa sa mga nurse ang nagsalita.

   Kumakain ako ng burger noon'g ni-play nila sa plain white backdrop ang isa'ng photo presentation ko na kinunan tuwing nasa nursing home ako. Candid pictures, minsan kita ang side profile ko o 'di kaya nakatalikod ako. Natigil ako sa pagkain at nag-enjoy sa panunuod habang ang kanta'ng 'She's Always a Woman to Me' ang background music. Nagpigil ulit ako nang mga luha. Kaso nang sa hulihan ng presentation ay ang mga birthday greetings ng mga lolo at lola, dun na, tuluyan na talaga ako'ng napaluha.

   Nalaman ko na kay Lance pala galing ang mga pictures na'yun. Mahilig din talaga sa music si Lance, hindi ko alam kung nagagawa pa rin ba niya'ng mag-gig o sumali sa musical theatre.










Matapos ang party ay pinuntahan ko si Lance na tumutulong sa pag-aayos ng mga mesa.

     "Hindi ko alam na kinukunan mo pala ako ng pictures." Nasabi ko kaya siya natigil sa pag-disassemble ng mesa at nilingon ako.

     "Na-offend ba kita?"

     "Hindi naman. Natuwa ako sa ginawa mo. Ikaw rin ang nag-edit nun, diba?"

     "Ah, oo." he blushed.

     "Ang ganda. Thank you."

     "Wala lang 'yun. Advance happy birthday ulit."

   Nginitian ko siya na may kasama'ng isa'ng tango.

     "Psst, mga apo. Bagay kayo," bigla'ng sinabi ni Lolo Isko.

   Natawa lang kami ni Lance. Pero sa totoo lang nahiya ako bigla, para ako'ng grade school na tinutukso ulit.

BOOK 6: How You Love Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon