Excerpt:Napangiti ako at pinihit ang door knob.
Madilim na kwarto ang nakita ko, pero sa gunita ko, yun yung maliwanag na kwarto niya na may poster sa dingding nang paborito niya'ng indie local band, nandu'n din yung poster ng international boy band na talaga'ng iniidolo niya. Naalala ko na nagpi-pillow fight kami sa ibabaw ng kama niya, naka-uniform pa 'ko tapos siya nakadamit pambahay na. Tinuruan ako ni Lance mag-gitara, flute at piano sa loob ng kwarto niya. Yung kwarto niya na tila isa'ng small music studio, ang mga instruments nga'ng yun ang ginawa namin'g rason kay Ninang Lea para payagan kami'ng pumunta sa kwarto ni Lance. I was 14 nang halos araw-araw na'kong pumunta sa bahay nila para tumambay. Months after, naging official na magkarelasyon kami. Naalala ko yun'g first attempt ng liplock namin dito sa kwarto niya. Nakaupo kami sa sahig, nakasandal ang likod sa kama at nakaharap sa keyboard piano na nakasandal sa pader. Hindi yun natuloy kasi pumasok si Cace ng kwarto.
Naging maingat kami ni Lance matapos nun. Tinago namin sa pamilya yung relationship maliban kay Cace. Imbis na sa kwarto ay sa sala nalang kami ni Lance para hindi daw mahalata. Dun kami naglalaro ng chess o di kaya scrabble.
Hinanap ng kamay ko ang switch sa ilaw ng kwarto. Pressed on nang mahanap yun. Nawala na yung posters nang paborito'ng musicians ni Lance. Wala na rin yung keyboard sa dati'ng pwesto nito. Wala na rin yun'g gitara, siguro nasira na ang mga yun. Nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto, ang dati'y kulay sky blue na wallpaper ay naging plain cream white na. Wala na yun'g dati'ng gamit. Iba na rin ang ayos. Umupo ako sa edge ng kama at hinaplos ang comforter nito. Bago ang comforter, pinaghandaan talaga ni Ninang na dumating si Lance. Yung kama nalang ata ang nanatili'ng luma sa lugar na'yun. Nabaling ang tingin ko sa closet. Tumayo ako at nilapitan yun. Ni-check ko kung naka-locked ba o hindi. Luckily, bukas siya kaya nakita ko nga ang mga damit ni Lance na iniwan niya sa bahay ng parents niya. Nakaayos ang mga damit kaya panigurado bago'ng tupi ni Ninang. Hindi ko pa siya nakikita'ng sinusuot ang polo at shirts na nandun. May iilan'g sapatos din sa baba at isa'ng box sa tabi ng rubber shoes.
Dumukwang ako't kinuha ang kahon.
If You Lose Her ©
InThatCorner2018
THWLH series 7
All rights reserved.—
Promotion:Disyembre 17, 2018, nagbunyi ang buo'ng bansa sa pagkakaluklok ng atin'g pambato na si Catriona Gray sa ika-67 na paligsahan sa kagandahan—ang prestihiyoso'ng Ms. Universe. Datapwat bago pa man kinoronahan ang pinakauna'ng Ms. Universe, ang Asya ay may sarili nang reyna. Isa'ng dilag na maganda, elegante, edukada, matapang at isa'ng Filipina.
Ngunit sino nga ba Ang Una'ng Reyna?
I published a new story here. A historical fiction set in the American period. It's a journey of a woman who was crowned as the first Queen of the Orient.Let's revisit our forgotten history and celebrate women legacies.
—InThatCorner
BINABASA MO ANG
BOOK 6: How You Love Her
RomanceNine years ago, she had to let him go. Nine years ago, he had no choice but to lose her. It was nine years ago when she had to see him walk away from her, and the exact moment he had to endure those painful steps of having to leave her behind.