eleven

219 5 0
                                    


olivia:

Hindi na namin namalayan ni Lance ang oras. Naaliw kami pareho sa pag-re-reminisce ng mga ganap sa buhay-buhay.

   Pasado alas dose na noon'g I hit up the sack. Napagod ako sa nilakad namin ni Lance. Naninigas na rin ang pisngi ko sa kakatawa kanina. Pagkahiga ko ay agad na rin ako'ng nakatulog dala na rin nang pagod.

   Sa sumunod na umaga, dun pa lang ako nakapag-impake. It was almost 7 in the morning nang lumabas ako ng kwarto. Kakagising lang din ni Lance dahil nakasalubong ko siya sa lobby papunta'ng cafe na gulo pa ang buhok at mukha'ng inaantok pa ata.

     "Hoy, matulog ka kaya muna?"

     "Akala ko maaga ka'ng umalis."

     "Hindi, ngayon pa lang ako nakapag-impake kasi sobra'ng pagod na 'ko kagabi."

   Ngumiti siya sabay takip ng bibig.

     "Bakit?"

     "Hindi pa pala ako nagto-toothbrush."

     "Gising ka na ba? Hoy, Lance, baka nag-si-sleepwalk ka lang ha?"

     "Bumangon ako kaagad nang makita ko ang oras. Baka kasi hindi na kita maabutan."

     "Sus. Gago ka."

   Nagtawanan kami'ng dalawa.

     "Olivia." Bigla'ng may tumawag sa'kin na lalaki.

   Lumingon ako habang nakangisi pa rin.

     "Oh, Daddy!" Reaksyon ko sa palapit ko'ng tatay.

   Nagmano agad ako, tapos ito'ng si Lance;

     "Mano po, Tito."

     "Bakit ka nagtatakip ng bibig?" Tanong ni Dad pagkatapos.

   Nagpigil ako nang tawa.

     "Kakagising ko lang po kasi," nahihiya'ng sagot ni Lance. Para'ng gusto na ata niya'ng maglaho sa pagkakataon'g 'yun.

   Tiningnan ko ang Daddy ko.

     "Bakit nga po pala kayo nandito, Daddy?"

     "Pinapasundo ka nang Mommy mo, baka raw pagod ka sa bakasyon at 'di na makapag-drive."

     "Kaya ko pa naman po."

     "Eh nandito na ako, alangan naman'g umuwi pa 'ko," pang-aasar ni Daddy kaya napangisi ako.

     "Kumain na po ba kayo?" Tanong ni Lance.

     "Nagkape lang ako sa Baguio, pero kakain muna ako rito bago umalis."

     "Sabay na po tayo, Dad."

     "Sige, anak." Napatingin siya kay Lance. "Mag-toothbrush at mag-hilamos ka na rin para sabayan mo kami sa breakfast."

     "Ah, okay po. Thank you po, Tito."

   Tumango nang isa'ng beses si Daddy bago kami nagpunta sa kanya-kanya'ng plano.







We had breakfast and talked in between food. Daddy's a bit extra sa umaga'ng 'yun. Ang daldal niya, very different from the Dad na I usually see.

     "This is a very special place for me. Lalo na sa orange orchard." Kita'ng-kita sa mga mata niya ang tuwa, "Dito ko nahanap 'yun'g Mommy mo, naalala ko pa rin kung gaano kalakas ang kaba ko habang naglalakad ako papunta sa kanya. This is also where your mother agreed on marrying me." Nakangiti si Daddy. Ngiti'ng in-love at masaya.

BOOK 6: How You Love Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon