olivia:Tatlo'ng buwan na simula nang huli ko siya'ng makita. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang galit sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya sa'kin. Nanunuot pa rin sa kaibuturan ng puso ko ang sakit ng mga pangako'ng napako. Kung pupwede ko lang sana'ng kalimutan nalang lahat nang nangyari, kung sana noon'g araw na nakita ko siya sa una'ng pagkakataon, sana hindi ako ngumiti sa kanya at pumayag na makipagkaibigan.
Naramdaman ko nalang ang pagdaloy na naman ng luha sa magkabila'ng pisngi ko. Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal ang likod sa gilid ng kama. Kandong-kandong ang laptop; paulit-ulit ko'ng tinitingnan ang mga pictures namin. Lahat nang 'yun dala-dala ko pa rin, lahat ng memories namin sa loob ng tatlo'ng taon nasa puso't isipan ko pa rin. I thought he's already my answered prayer. Pero bakit sa isa'ng iglap, bigla nalang siya'ng nagbago? Bakit parang ang dali lang sa kanya na kalimutan ang mga pangako namin sa isa't isa? Bakit napakabilis naman niya'ng nakalimutan na mahal niya ako?
Ang dami ko'ng gusto'ng itanong sa kanya. Ang dami ko'ng gusto'ng isumbat sa kanya. Nami-miss ko siya, mahal ko pa rin siya. Kahit na tatlo'ng buwan na ang lumipas, hindi ko pa rin kaya na kalimutan siya.
Galit ako, gusto ko siya'ng saktan pero hindi ko magawa kasi kahit papa'no, naging mabuti naman siya'ng boyfriend. Kahit na marami rin siya'ng shortcomings, kahit na nagtatalo rin kami, kahit papa'no minahal naman namin ang isa't isa.
Bakit ba hindi naging sapat ang pagmamahalan'g namin 'yun? Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako sumobra?
—
Nag-alarm ang to-do list ko bigla. Si Mommy panigurado ang gumawa ng list na 'yun. Magmula nang hiwalayan namin ni Ryan, parang inobliga ko na naman ang Mommy ko sa pag-aalaga sa'kin. Mag-tu-25 years old na ako sa mga susunod na buwan pero pakiramdam ko parang teenager ako ngayon.
Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan ang nasa to-do-list. "Do the groceries." ang nabasa ko. Matagal-tagal na rin nang huli ako'ng nag-groceries. Talaga'ng nalugmok ako sa break up namin ni Ryan. Hindi naman ako sobra'ng dependent sa kanya noong kami pa. Mali na naman ba ako? Tinulak ko ba siya'ng palayo dahil masyado na ako'ng independent? Kasalanan ko na naman ba?
"Via, calm down. Hindi naman niya masasagot ang mga tanong mo. Masaya na siya ngayon. Kaya tama na, it's time to rise again," Nasabi ko sa sarili ko, tapos ay sinara ko na ang laptop at nag-ayos na papunta'ng grocery store.
Nagbabad ako sa bath tub at nag-relax. Dun lang ako kumakalma. Kapag nakababad ako ron, pakiramdam ko okay lang lahat. Nakakagaan sa pakiramdam ko ang malamig na tubig na bumabalot sa'kin. Iniisip ko ang gagawin ko sa buhay ko ngayon'g single na ulit ako.
"Siguro kaya niya ako iniwan kasi pakiramdam niya buhay-single lang ako dito," my words were filled with melancholy.
Long distance relationship ang three year-relationship namin. Nasa Singapore siya naka-based, marketing manager nang isa'ng malaki'ng advertising company dun. Isa'ng beses isa'ng buwan lang siya umuuwi sa Pinas, minsan nga hindi. Mas marami pa'ng beses na nagkikita kami sa screen lang ng cellphone o kaya laptop kesa magkita sa personal. Mahirap siya noon'g una, pero nang sinagot ko siya, sinigurado ko na sa kanya na hindi ako 'yun'g tipo ng clingy girlfriend. Distance won't be an issue for us. Simula noong break up namin ni Lance—'yun'g first boyfriend ko—marami ako'ng natutunan. Hindi ko na ginawa'ng buhay ang boyfriend ko. Umaalis ako kung kailan ko gusto, madalas ako lang mag-isa ang kumakain sa labas o nanunuod ng sine. Nagtatalo nga kami ni Ryan dahil gusto niya'ng pasamahan ako sa kapatid niya o 'di kaya sa Mama niya. Pero ako 'yun'g umaayaw, hindi na ako sanay na may kasama sa tuwing umaalis ako. Umalis nga ako sa bahay ng parents ko dahil gusto ko'ng maging independent. I wanted to do well on my own. I wanted my parents to be proud of me.
Paulit-ulit lang ang reason ng away namin ni Ryan, pero ni minsan 'di kami nag-disesyon na maghiwalay.
Kapag umuuwi siya, dun siya nagsti-stay sa condo unit ko sa Loyola Heights. Napag-uusapan din namin ang kasal at ilan'g anak ang gusto namin. May hinuhulugan na nga kami'ng lupa sa Taguig. Marami kami'ng plano, marami kami'ng gusto'ng gawin nang magkasama.
Pero bakit sinaktan niya pa rin ako?
—
Dalawa'ng oras ang tinagal ko sa banyo, matapos ko'ng maligo at mag-ayos ay dumiretso na ako sa malapit na grocery store. I drove my olive green Subaru outback na ilan'g taon na rin sa'kin. Pagdating ko ng grocery store ay kumuha agad ako nang malaki'ng cart. Nakalista lahat ng kailangan ko, naka-budget din 'yun lahat. Napaka-OC ko pagdating sa marami'ng bagay. Hindi ako 'yun'g waldas lang nang waldas.
Sa pagpapatuloy nang paggro-groceries ko, nakasalubong ako nang isa'ng teenage couple na nagtutuksuhan pa habang pumipili kung ano'ng flavor ng potato chips ang kukunin. May pahalik-halik pa sa pisngi ang babae, aaminin ko nairita ako.
"Paalala ko lang, grocery store 'to." Mahina'ng pagsita ko sa kanila bago ako kumuha nang dalawa'ng pack ng potato chips na cheese flavored at umalis.
Bitter nga siguro ako sa punto'ng 'yun. Naiinis ako na naglalandian sila sa harap ko, parang binuhusan ng asido ang sugat sa puso ko. Ang nakakainis pa, sa tuwing may nakikita ako'ng couple naaalala ko kami'ng dalawa ni Ryan.
Pag-uwi ko ay agad ko'ng inayos sa pantry ang mga pinamili ko. Naka-label lahat nang lalagyan. Nag-e-enjoy rin ako sa ginagawa ko, nagpapaka-busy ako para hindi ako magmukmok at umiyak na naman. Nagluto ako ng dinner pagkatapos. At habang kumakain at nagbabasa ng libro ay bigla'ng tumawag si Mommy;
"Yes, Mom?"
"Ate, kumain ka na?"
"I'm still eating pa po, why?"
"Wala lang, worried lang ako."
"Mom, I'm okay."
"Alam ko. Alam ko 'yun. Matatag ka, pero hindi mo pa rin maaalis sa'kin na mag-alala. Lalo na't malayo ka sa'min, hindi ko mache-check kung nasa maayos ka ba'ng kalagayan."
"Mommy, you don't have to worry. I'm okay now."
"Basta, Ate ha? Nandito lang kami."
Napangiti ako.
"I know po. But for now, you need not to worry about me. I'm...okay."
"Okay sige, Ate. Dalawin mo lang kami dito kapag hindi ka na busy ha?"
"Opo."
Mom ended the call, she was hesitant pa at first but me assuring her that I was fine made her hang up.
BINABASA MO ANG
BOOK 6: How You Love Her
RomanceNine years ago, she had to let him go. Nine years ago, he had no choice but to lose her. It was nine years ago when she had to see him walk away from her, and the exact moment he had to endure those painful steps of having to leave her behind.