lance:Quarter to 5 in the morning, gising na ang diwa ng barkada. Siyempre ako, sobra'ng excited sa araw na 'yun, may kanta'ng paulit-ulit sa loob ng isipan ko.
"Aba, mukha'ng maganda ang gising natin ngayon, Landon Calix a?" pansin ni Peter na tinutupi nang maayos ang damit bago ipasok sa backpack nito.
Nangiti lang ako.
Kahit na alam ko'ng wala na talaga'ng natitira'ng espesyal na pagtingin si Via sa'kin, may parte pa rin sa puso ko na umaasa na baka pwede pa.
Baka kaya niya ako'ng mahalin ulit.
Pero kung hindi man, masaya na ako'ng bumalik sa kanya bilang kaibigan. At sasamahan ko siya hanggang sa masiguro ko na hindi na siya nasasaktan. Kapag dumating ang tao na nakatadhana sa kanya, kahit masakit, pakakawalan ko ulit siya na may ngiti sa labi ko.
Dahil 'yun ang pinakamahalaga, ang makita siya'ng masaya at hindi na nag-iisa.
—
Naghahanda na sa pagpunta'ng Baguio sina Peter. Humanap lang ako ng tiyempo para sabihin sa kanila na hindi muna ako makakasabay sa kanila.
"O, Lance, bakit nakatunganga ka lang?" Pansin ni Sica.
"Sinasabi na nga ba, inaantok ka pa noh? Ayaw mo na naman iwan ang higaan." si Peter.
Naglakas-loob ako'ng sabihin ang nasa isip ko.
"Guys, magagalit ba kayo kung magpapaiwan ako rito?"
Natigil sila sa pagkilos. Ang seryoso kasi nang ginawa ko'ng ambiance bigla.
"Nagsi-sleeptalk ka ba?" Si Peter ulit.
"Seryoso ako." Pangungumbinsi ko.
"Ipagpapalit mo kami saan? Sa mga pine trees? Sa sea of clouds?"
"Gago."
"Baka sa babae." Kaswal na dugtong ni Kean habang nakatingin sa camera niya.
"What-the-eff, Landon Calix, I knew it!" May clue na bigla si Peter.
"Si Via? You're staying because of Via?!" Pangungulit ni Jonnie.
"OMG. YOU'RE GONNA WIN HER BACK?!" Sica's reaction.
"I'm n-not. But Via needs a friend, she messaged me last night. May sasabihin daw siya, and I wanna listen. I want us to become the best of friends like we used to."
"Asus, diyan 'yan nagsisimula sa mga pa-bestfriend-bestfriend na 'yan."
"Bakit ikaw? 'Di naman kayo mag-bestfriends ni Bea."
"Kami 'yun'g exception sa rule."
"Ang hina mo kasi. Ang tagal mo nang nanliligaw sa kanya. Wa pa rin. Nganga ka pa rin. Pinagtatabuyan ka pa." Pang-aasar na naman ni Jonnie.
"Hoy, Dionisia, 'di yan totoo ha?!"
"Tumahimik ka, Pedro!"
Akto'ng susuntukin ni Peter si Jonnie. Wala talaga'ng pinipili'ng oras ang bangayan nila. Mapupuno ata ang kwento ko nang wala'ng sawa'ng bangayan at palitan ng asaran nito'ng kambal.
Nakwento ko rin naman sa kanila sa huli ang plano'ng pagkikita namin ni Via. Nang-asar pa sila bago sumakay ng sasakyan. Ngumiti lang ako at sinabi'ng kaibigan ang kailangan ni Via, kaya 'yun ang ibibigay ko.
BINABASA MO ANG
BOOK 6: How You Love Her
RomantizmNine years ago, she had to let him go. Nine years ago, he had no choice but to lose her. It was nine years ago when she had to see him walk away from her, and the exact moment he had to endure those painful steps of having to leave her behind.