fifteen

217 5 4
                                    


olivia:

Nevertheless, tuloy pa rin ang buhay. Focus ako sa trabaho, kagaya lang din nang dati ang routine ko. Siguro what changed was 'yun'g communication namin ni Lance. Alam mo 'yun'g mas madaldal ka pa kapag sa text or chat lang kayo nagkakausap? Hindi ko kasi mapirmi ang kaba ko kapag harap-harapan kami'ng magkasama.

   Mula nang birthday ko, parang unti-unti'ng nabubuo ang connection namin ulit. Maybe it's safe to say that Lance and I shared a wholesome landian for three weeks.

 

October na, a week after ng dinner sa unit ni Peter. Nabulabog nalang ako nang tumawag si Bea habang nasa opisina ako.

     "Bakit kayo nag-away?"

     "Eh hindi niya kasi ako maintindihan."

   Lumabas ako ng cubicle ko at pumunta sa sulok ng lobby para wala'ng makarinig sa pag-uusap namin.

     "Pinilit niya ba ang sarili niya sa'yo?"

     "Hindi naman. Takot lang nun sa'kin."

     "So ano nga'ng pinag-awayan niyo?"

     "Basta. Confidential masyado. Tumawag lang ako para magsumbong kasi naiinis talaga ako!"

     "Halata nga."

     "Paalis ako ngayon. Nag-leave ako sa trabaho. Baka imbis na pagalingin ko 'yun'g mga pasyente ko ay balian ko pa sila ng buto," may panggigigil sa boses niya.

     "Hoy, Beatrice, ga'no ba talaga ka-lala 'yan'g away niyo at umabot ka na sa punto na idamay ang trabaho mo?"

     "Basta galit ako sa kanya. Aalis ako. Kapag hindi niya ako hinabol makikipaghiwalay talaga ako sa kanya."

     "Ang childish niyan, Bea."

     "Via, alam ko na nakakainis 'yun'g gagawin ko. Pero suportahan mo nalang ako, okay?"

   Bumuntong-hinga ako.

     "Fine. Sa'n ka pupunta?"

     "Sa beach resort sa Laiya."

     "Batangas?"

     "Oo."

     "Oh. Sige take your time."

     "Ha?" akala ko 'di niya 'ko narinig, "Ah, sana nga mawala ang inis ko ron. Alam mo, Via, mahal ko naman talaga si Peter eh. Kaso parang hinahanap ko ang thrill noon'g nanliligaw pa lang siya sa'kin." Napabuntong-hinga rin siya, "Kaya nga humingi ako ng sign, kapag hinabol niya 'ko sa Batangas. Ibig sabihin, siya na 'yun'g the one ko."

   Natawa ako.

     "Kailan ka ba ever naniwala sa sign?"

     "Olivia, nagbabago ang tao. Dati nga hindi ko gusto si Peter. Eh wala, kinain ko lahat nang pinagsasabi ko."

   Naalala ko na naman bigla si Lance. Ni-relate ko ang sinabi ni Bea sa amin'g dalawa. Kakainin ko na rin ba 'yun'g mga sinabi ko?

     "Mahal mo talaga siya?"

     "SOBRA."

   Napangiti ako.

     "Pero pa'no 'yan, Via? What if hindi niya 'ko habulin? Masasaktan ako nang sobra."

     "Edi umiyak ka."

     "Thanks." her sarcasm-filled retort.

     "Bakit mo kasi pinangungunahan ang mangyayari?"

BOOK 6: How You Love Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon