olivia:Kaharap ko ang disbursement files ng Danita's nang dumating si Mommy na may dala'ng meryenda.
"Hi, Ate." Nakangiti'ng bati niya nang mapansin ko'ng bumukas ang pinto ng opisina ko.
Ngumiti rin ako.
"Meryenda ka muna."
"Busog pa p—"
"Hep! Kakain ka, kanina ka pa daw dito sabi ng staff mo."
Sunday 'yun kaya whole afternoon ako'ng nasa Danita's.
"Mamaya na 'yan, mahalaga ang pagkain." Pangungulit ng nanay ko.
"Okay, Mom."
Ngumiti si Mommy.
Nang simulan ko nang kainin ang dala niya'ng clubhouse sandwich ay may bigla siya'ng sinabi.
"Nakita ka raw ng Daddy mo kanina'ng madali'ng araw na umiiyak."
I knew we'd went there.
"Um, yeah."
"Ate, gusto mo ba'ng magbakasyon muna?" Mom's always been straightforward.
"Po?"
"Para kasi'ng kailangan mo'ng magbakasyon. Umiyak ka kahit kailan mo gusto; magmukmok ka, magalit ka. Okay lang 'yun, anak. Mas makakaya ko'ng makita ka'ng ganun kesa hayaan ka'ng magpanggap na okay ka kahit hindi naman talaga."
"Nakapag-grieve na po ako. Okay lang ho ako."
"Ate, nanay mo 'ko. Pwede ka'ng maging honest sa'kin. Alam ko 'di ka pa talaga okay."
Tinitigan ko si Mommy.
"Paano po ang mga trabaho ko? Pwede ako'ng mag-leave sa Bright Minds pero paano ho 'to'ng Danita's?"
"Andito naman ako, kaya ko'ng e-manage ang Danita's habang nasa bakasyon ka."
"Pag-iisipan ko po."
"Ate, sige na. Magbakasyon ka. Malay mo, may mahanap ka'ng bago'ng pag-ibig."
"Mommy." May pagproprotesta sa boses ko.
"Baka lang naman."
Bumuntong-hinga ako.
"Pag-iisipan ko po."
—
Kahit na brokenhearted ako, ni minsan hindi ako umabsent sa trabaho. Tinuloy ko ang buhay at isinawala'ng bahala ang personal issues na unti-unti'ng pumapatay sa'kin. Hindi dapat ako makakitaan nang kahinaan ng mga tao sa paligid ko. Umiiyak lang ako sa tuwing day off ko o 'di kaya kung wala ako'ng ginagawa. 'Yun'g apartment ko lang ang saksi nang kahinaan'g pilit ko'ng tinatago sa lahat ng tao.
"Ano naman'g gagawin ko?" Naging tanong ko nang maisip ko ulit ang suggestion ni Mommy na magbakasyon ako.
Nakakatawa. Umiiwas nga ako'ng mabakante dahil alam ko iiyak lang ako at magmumukmok. Pero ito'ng Mommy ko, gusto pa ata'ng 'yun ang gawin ko.
"Kailangan ko ba talaga'ng gawin 'yun?" Natanong ko ulit.
Bumuntong-hinga ako at sinandal ang ulo sa bathtub na kinalulubluban ko. Ramdam ko ang pagyakap nang malamig na tubig sa buo'ng katawan ko.
—
As early as 4:30 am ay abala na ako sa kusina namin. I was working on the English breakfast para sa pamilya ko. Nakakamiss din talaga'ng magluto for them.
Dumating si Mommy noon'g hinahain ko na ang toasted bread.
"Ano'ng oras ka'ng nagising, Ate?"
"3 AM po."
"Eh oras natulog?"
"Um," napaisip ako, "past 1 a.m na po ata 'yun."
"Naku naman, Ate, kokonti lang 'yun'g tulog mo. Tapos whole day ka pa sa trabaho. Baka magkasakit ka na niyan."
"Mom, I can manage. Swear."
Tinitigan lang ako ni Mommy habang tinatapos ko na ang niluluto ko.
"Ay, gagawa na pala ako ng kape para sa Dad—" sabay lakad papunta'ng coffee brewer.
"Nagawa ko na po."
"Sure?"
"Yes po."
Narinig ko ang pagbuntong-hinga ng Mommy ko.
"Ate, 'wag muna."
"Po?"
"Masyado ka'ng maasikaso, hindi ko pa kaya. Ayoko muna'ng sabihin na pwede ka ng mag-asawa sa lagay na 'yan."
Natawa ako.
"Mom, I'm turning 25. Matanda na po ako kahit na sa'n natin tingnan."
"Ah basta." Sabay yakap sa bewang ko, "Baby pa rin kita, ikaw pa rin 'yun'g maliit ko'ng Ibyang. Aalagaan kita na parang baby girl ko pa rin."
I was pleased.
Hindi ako nakapagsalita, na-miss ko bigla si Mommy kahit na nakayakap siya sa'kin. Kahit na araw-araw niya ako'ng tinatawagan simula nang bumukod ako. Kahit na nagkikita kami sa Danita's o sa nursing home na pagmamay-ari niya. Parang bigla ko'ng na-miss ang mommy ko, siya 'yun'g first best friend ko. Kami 'yun'g partners bago pa dumating ang mga kapatid ko. Sobra'ng close namin'g dalawa noon'g kabataan ko.
Nami-miss ko pala talaga siya, matagal na.
BINABASA MO ANG
BOOK 6: How You Love Her
RomanceNine years ago, she had to let him go. Nine years ago, he had no choice but to lose her. It was nine years ago when she had to see him walk away from her, and the exact moment he had to endure those painful steps of having to leave her behind.