eight

217 7 0
                                    


lance:

Iilan na ang nahahakbang ko pero mukha'ng hindi ata ako napansin ni Via. Lumingon ako at nagkunwari na gulat din ako na nandun siya.

     "Via?"

   Tinitigan niya 'ko bilang pauna'ng reaksyon, ta's bigla siya'ng ngumiti.

   She smiled.....at me.

     "I knew it." Nasabi pa niya.

   So she noticed me?

     "Nandito ka rin pala." Nasabi ko habang naglalakad siya palapit sa'kin.

   Ask her if she's alone.

     "Yeah. Maganda raw kasi talaga ang lugar kaya naisipan ko'ng pumunta." Habang sabay na kami sa paglalakad.

   C'mon Landon Calix, ask her.

     "'Yun nga ang sabi ni Peter."

   Ask her if she's alone. Why is she alone?

     "I saw him nga kanina, nag-hi siya. Sayang wala si Bea."

   Ask her, ano ba Lance?!

     "Oo nga, ba't mag-isa ka lang?"

   Good boy.

     "Because a woman can go out alone anytime she wants." She really knew what to say.

   Olivia's spunk is truly fascinating.

     "Totoo nga naman."

   Natawa siya.

     "But if you're asking about Beatrice, wala siya kasi biglaan ang trip ko. And I wasn't planning to bring a friend sa trip na'to talaga."

     "So nagso-solitude ka?"

   She shrugged.

   Hindi na kami nag-usap. She wanted silence, perhaps, and I respected that. Alam ko naman na kagagaling lang niya sa break up. Yes, my Mom told me.

   Hanggang sa magdisesyon na magpahinga ang barkada ko. Si Via naman nagpaalam na mauuna nalang daw muna siya. Ayoko siya'ng iwan. Pero baka hindi na ako papasukin sa kwarto ng mga kaibigan ko kapag sila naman ang iniwan ko.

   I stayed kung sa'n nagpapahinga sina Peter habang pinapanood ko na naglalakad palayo sa'kin si Via.

   Eto na naman ang eksina'ng 'to.

     "Sundan mo na, Lance." Bigla'ng sinabi ni Jonnie.

   Napatingin ako sa kanya.

     "Huh?"

     "Kesa naman mabali 'yan'g leeg mo sa kakalingon. Sundan mo nalang."

     "Oo nga, malay mo, magka-girlfriend ka na ulit." Dagdag pa ni Sica.

     "Sige na, sundan mo na. 'Yun naman ang gusto mo eh. 'Wag mo nang patagalin, tatadyakan kita." Si Peter.

   Nangiti ako.

     "Thanks, guys, see you sa tuktok!" At nagmadali ako'ng sumunod kay Via.

   I was a couple of meters behind Via. Ayoko siya'ng kulitin na e-entertain ako kahit na alam ko'ng nandun siya para mag-isip at magmuni-muni. Tahimik ko siya'ng sinundan sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang peak.




BOOK 6: How You Love Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon