seventeen

213 8 4
                                    


olivia:

Wala'ng pinagbago ang lambot ng mga labi ni Lance. Ganun pa rin ang impact niya sa'kin. Everytime his lips touched mine, may something talaga sa kanya na ayaw mo'ng matapos-tapos ang ginagawa niyo. Hindi niya 'ko tinitipid sa halik.

   Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng heartbeat ko. Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin pero si Lance ang nasa isip ko.

   'Yun'g kiss namin.

   Ramdam ko 'yun.

   Kilala ng puso ko ang kiss na'yun.

   Kilala pa ng puso ko si Lance.

"Pumayag ka na matulog sa iisa'ng kama kasama si Peter? May nangyari ba sa inyo?" inusisa ko si Bea.

   Pagkatapos ng breakfast ay nagsiligo na sa dagat sina Peter at Lance, kami naman ni Bea nakaupo lang sa isa'ng covered cabana.

     "Wala'ng mangyayari hangga't 'di ako ang mag-i-initiate."

   Natahimik ako.

     "Eh kayo ni Lance? May something ba'ng nangyari?" Bea felt the vibe.

   Automatic na nag-replay sa utak ko ang passionate kiss namin ni Lance sa kama.

     "Bakit mo naman nasabi?" tanong ko.

     "Kanina pa kayo hindi nagpapansinan. Imposible naman'g kumilos kayo nang ganyan kung wala'ng nangyari."

   I sighed.

     "Fine, we kissed. Kiss lang naman 'yun. That should be nothing. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko."

     "Ano ba kasi'ng nararamdman mo?"

     "I'm—" hindi ko alam ano ang exact word sa nararamdaman ko. "—happy. I'm happy."

     "And so? Bakit problemado ka?"

     "Kasi baka hindi mutual 'yun'g feelings."

     "Who did the first move?"

     "Siya."

     "Pakiramdam mo pa rin hindi kayo pareho nang nararamdaman?"

     "I'm afraid na baka spur of the moment lang 'yun. Pareho lang siguro kami'ng tigang. Ayoko'ng mag-assume. Kagabi may tumawag pa naman sa kanya. What if nililigawan niya 'yun?"

     "Klarohin mo."

     "Pa'no kung sabihin niya na landian lang pala talaga 'to'ng mga ginagawa namin? Worse, wala lang pala talaga?"

     "Mahal mo ba ulit?"

     "Hindi naman sa mahal agad."

     "Pero gusto mo'ng mahalin at mahalin ka rin?"

     "Siguro."

     "Siguraduhin mo."

     "Pa'no kung hindi mag-work? Pa'no kung malungkot lang pala ako? Ayoko siya'ng maging rebound."

     "Eh sino ba kasi'ng nagsabi na rebound siya? First love mo si Lance. Minahal mo na 'yun dati, may parte siya sa puso mo. Parte na hindi kailanman naging kay Ryan. Inyo 'yun ni Lance, may something na kayo simula pa lang. Nawala nga lang, pero ngayon, nag-rekindle na siya. Via, hindi mo siya rebound. Mahal mo talaga siya, nakalimutan mo lang."

   Tinamaan ako sa sinabi ni Bea. Nakalimutan ko siguro na mahal ko si Lance. Natabunan 'yun nang pagmamahal ko kay Ryan. Pero tama si Bea, hindi nawala ang connection namin ni Lance after 9 years. We went separate ways; had separate lives. Nagmahal kami nang iba. But our connection remained. Nakalimutan ko na mahal ko si Lance kasabay nang paglimot ko sa dati'ng ako.

BOOK 6: How You Love Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon