sixteen

252 5 6
                                    


lance:

Sinundan nga namin ni Peter ang sasakyan ni Via. Ito naman'g si Peter kung makamando akala mo mawawala na talaga si Bea sa kanya kapag hindi namin 'yun nahabol.

     "'Wag mo sila'ng hayaan mawala sa paningin mo."

   Hindi ko nga halos marinig ang boses ni Peter. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng motor at may suot pa ako'ng helmet.

     "Kumalma ka nga, kakuntyaba natin si Via. Relax ka lang," pasigaw na sagot ko para marinig niya.



Sa isa'ng white beach resort sa Laiya, Batangas kami huminto. Pinauna muna namin'g makapasok ang sasakyan ni Via bago kami sumunod. Nag-text naman si Via kung saan ang room number ni Bea.

     "Teka lang muna," naduwag bigla si Peter nang sabihin ko na puntahan na si Bea. "Parang 'di bagay ang timing eh. Baka mag-alsa balutan pa si Bea kapag nakita ako. Maya-maya nalang siguro. Hahayaan ko na muna siya'ng makapag-isip."

     "Sigurado ka?"






olivia:

"Ano?" Pinaulit ko kay Bea ang sinabi niya.

     "Dito ka nalang matulog. Gabi na kaya. Hindi na safe. Samahan mo nalang ako. Nagdala naman ako nang marami'ng damit. Pahihiramin nalang kita."

     "Pero may trabaho ako bukas."

     "Day off mo kaya. Diba Linggo bukas?"

     "Pa'no ang nursing home? Ang Danita's?"

     "Ngayong weekend ka lang naman mawawala eh. Promise ko, madali'ng araw ng Lunes uuwi na tayo."

     "Akala ko ba gusto mo mag-isip-isip?"

     "Naku, nawala na 'yun sa isip ko nang dumating tayo dito. Peter who?"

     "Ang lala mo pala'ng ma-in love eh noh?"

   Hindi pinansin ni Bea ang sinabi ko, "Sige na, Via, samahan mo nalang ako sa pagtatago ko kay Peter. Kahit isa'ng araw man lang mag-unwind ka. I know you're an island girl. Anak dagat ka kaya alam ko gusto mo rin'g mag-stay."

   Tinitigan ko si Bea.

     "Wala ako'ng underwear." 'Yun talaga ang issue ko.

     "'Yan lang ba problema mo? Nagdala ako nang isa'ng box ng panty tsaka bago'ng cup C na bra. Hindi ko pa nagagamit 'yun."

     "Hindi ka naman cup C. Pinlano mo 'to noh?" Naging conclusion ko sa reasons ni Beatrice.

     "Huh?" Namula ang banda'ng leeg niya. Ganun siya kapag nati-tense.

     "Gusto mo talaga ako'ng samahan ka rito."

     "Ah, um, ganun na nga," napilitan nalang umamin, "Gift ko na rin sa'yo kasi diba may trabaho ako nang birthday mo? Isipin mo nalang, birthday celebration mo 'to kasama ako."

   Napangiti ako. Una'ng beses ako'ng sinurpresa ni Bea. Hindi ko alam na may ganun pala siya'ng side.

   Nagtaka ako bigla.

   Ni-text ko na naman si Lance. Pero bakit hindi pa rin sila kumakatok?

   Nagpaalam muna ako kay Bea, sabi ko magfi-freshen up at magpapalit nalang din ako ng damit sa banyo. Nakarating ako ng resort na naka-office attire. Black slacks, white top tsaka black blazer.

BOOK 6: How You Love Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon