olivia:Isa'ng buwan na kami'ng exclusively dating ni Lance. Ang funny lang na sa isa'ng buwan pa nga lang namin nagkaroon na kami ng away. Natatakot pa rin ako. Pumayag nga ako na makipag-date sa kanya pero hindi talaga totally na nag-give in na'ko sa thought na kami'ng dalawa na nga hanggang sa huli.
Tanga diba?
Hindi talaga nagbago si Lance, siya 'yun'g tipo ng lalaki na ipaparamdam sa'yo na andyan lang siya parati. Hindi ka niya hahayaan na mahirapan. He'll treat you as a queen. 'Yun'g ugali'ng 'yun ni Lance ang dahilan kung bakit ayaw ko talaga'ng bumitaw sa kanya noon. Kahit na hindi na tama ang sitwasyon, pinaglaban ko 'yun'g relasyon namin. Sa panahon na ako 'yun'g mahina at marupok, si Lance yung naging sandalan at lakas ko. He knows what to say para lang pagaanin ang loob ko. He knows what to do just to paint a smile on my face.
My feelings for him deepens each day. Mas seryoso na 'to'ng nararamdaman ko sa kanya. Doble na 'yun'g takot ko. What if this time masyado na naman ako'ng dumipende sa kanya? Pa'no kung 'pag pinatagal pa namin ang relasyon na'to at may makilala siya'ng iba'ng babae? 'Yun'g babae'ng hindi mahirap mahalin? O hindi kaya, paano kung maging toxic lang ulit ako sa buhay niya?
"Sinusubukan ko po'ng 'wag maniwala sa mga sinasabi niya. Hindi ko rin hinahayaan na gawin niya ang mga bagay na hahanap-hanapin ko kapag nawala siya kung sakali," pagkukuwento ko kay Lola Adeng sa lahat ng hesitations ko.
"Hindi ba mas masakit 'yun'g pinipigilan mo ang sarili mo na sumaya? Pumayag ka nga na ligawan ka niya. Pero bakit parang naglalaro ka lang?"
Hindi ako nakakibo. Siguro 'yun nga ang tama'ng term sa ginagawa ko. Pinaglalaruan ko lang si Lance.
"Mahal mo ba siya?"
Nahirapan ako sa pagsagot. Ayoko'ng aminin sa sarili ko na nasakop na ulit ni Lance 'yun'g dati'ng parte niya sa puso ko.
"Isipin mo nalang na masasaktan si Lance kapag nalaman niya na 'yun'g babae'ng nililigawan niya, iba naman pala ang tingin sa kanya. Makakaya mo ba 'yun, apo?"
Ni-contemplate ko ang mga sinabi ni Lola Adeng. Habang pinag-iisipan ko muna kung ipagpapatuloy ko ba talaga 'to'ng ginagawa ko o itigil na ay hindi ko na muna masyado'ng kinausap si Lance. Sinabi ko lang na busy ako at ayaw ko ng istorbo.
Pumapayag ako na halikan ni Lance, hinahayaan ko siya na angkinin ang buo'ng katawan ko, pero ang unfair naman kung ang katawan ko lang ang ibigay ko sa kanya. Hindi tama na pareho lang namin'g paligayahin ang isa't isa thru sex. Tapos bibitiwan ko lang pala siya kapag naramdaman ko na masyado na 'ko'ng nakadepende sa kanya.
Hindi ko siya pwede'ng idamay sa issues ko sa sarili ko. Maliban kay Ada, pinahamak ko rin si Lance noon. Ayoko nang maulit pa ang mga nagawa ko.
"Sinabi ko naman na magco-compromise tayo diba?" reaksyon ni Lance nang sabihin ko na itigil na nga namin 'yun'g ginagawa namin.
"Hindi naman kasi tama na kailangan mo'ng mag-adjust para sa'kin."
"Eh ano ba ang tama, Via?"
"Let's stop."
"Bakit hindi mo sabihin sa'kin ang rason? Mas maiintindihan ko pa 'yun'g away natin last week dahil may mali naman talaga ako. Pero ngayon? Via, ano ba'ng nagawa ko?"
"Hindi ikaw ang problema, Lance. Ako."
"Wow! Ang common na nang reason na 'yan, Via."
"Ayoko'ng paglaruan ka!" sigaw ko rin sa kanya.
"Ano?" hindi halos marinig ang tanong niya.
"Narealize ko na malungkot lang ako kaya pumayag ako na i-entertain ka. May pangangailangan ako and you're there to support me with those needs. Lance—kasi—mabuti ka'ng tao. Wala'ng problema sa'yo. Pero sa'kin meron. Marami. Ang dami ko'ng issues sa sarili ko."
"Hindi mo ba 'ko kaya'ng mahalin ulit?"
"Hindi ko maibibigay sa'yo 'yun kung maski ako galit pa rin ako sa sarili ko. Lance, ayoko'ng ilagay ka ulit sa sitwasyon na mapapahamak ka."
Hinanap ko ang mga kamay niya upang hawakan ito, umaasa ako na maramdaman niya na sincere ako sa mga sinasabi ko.
"I wanna do that one thing I didn't do for you 9 years ago." my eyes were starting to water, I had to pause and bit the insides of my lower lip, "and that's to protect you from my failing self." I finally told him my only reason why I couldn't continue this thing between us.
I tried not to shed any tear, but my eyes won't let me hide. Mahirap para sa'kin na bitiwan na naman siya sa pangalawa'ng pagkakataon. Masaya ako kapag magkasama kami. Pakiramdam ko kaya ko'ng harapin lahat kapag andiyan siya. Higit sa lahat mahalaga siya sa'kin, at hindi ko hahayaan na mapahamak ang mga tao'ng mahalaga sa buhay ko.
Puno nang lason ang buo'ng pagkatao ko. At hindi ko gusto na mapahamak na naman siya dahil sa mga katangahan ko. I'm a mess, I'm a broken piece of something, at ayoko na hawakan niya 'ko dahil masasaktan ko lang siya.
"Kakapit lang ako kapag nasigurado ko'ng—" nagpigil ako ng luha kahit na ang bigat-bigat na sa loob ko, at kahit na nahihirapan na ako sa pagsasalita, "—hindi na kita masasaktan pa sa pagkapit ko."
Mahirap. Masakit na bitiwan na naman siya kahit na mahal ko pa siya. Pero ayoko'ng idamay siya sa pagiging toxic ko.
I like how he loves me.
But I don't deserve him.
BINABASA MO ANG
BOOK 6: How You Love Her
RomanceNine years ago, she had to let him go. Nine years ago, he had no choice but to lose her. It was nine years ago when she had to see him walk away from her, and the exact moment he had to endure those painful steps of having to leave her behind.