Chapter 2: Escape

556 21 1
                                    

SERINA

4:30am oras ng gising ko. Tumayo na ko at inayos na ang pinaghigaan. Mabilis na naghilamos at tumungo palabas ng kwarto para magluto ng agahan.

It's still dark outside. Wala akong sinayang na oras at ginawa na ang dapat kong gawin sa kusina. Nakapaghain na ako at lumabas ng bahay.

Sumalubong sakin ang lamig at tila gusto kong bumalik sa loob pero hindi ko ginawa.

Dumiretso ako sa bakery para bumili ng sariling pagkain

"Oh iha anong bibilin mo? Ang aga mo talaga palagi bumili" nakangiting sabi ni Aling Delia.

"Sampung pisong pandesal lang po" at tipid na ngumiti kay Aling Delia na napabuntong hininga naman.

"Kailan ka ba aalis sa bahay na iyon Serina?" sabi niya. Nakikita ko sa mga mata niya na naaawa siya at nalulungkot para sakin. Nginitian ko na lamang siya at kinuha ang binili.

Bumalik na ako sa bahay pero ng makapasok ako

"At saan ka naman galing?" bungad sakin ng nakakunot ang noong si Madam Amalia

"Bumili lang po ng tinapay" nakayukong sagot ko

"Tawagin mo si Lucille at heto ang pera, mamalengke kayo ngayon" saad nito

"Pero Madam, ngayon po ako mamimili ng uniporme at gamit para sa pa-..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ng sinampal ako nito

"Hindi mo ko susundin?! Alipin ka rito! Katulong ka lang! Susunod ka sa ayaw at sa gusto mo!" sigaw nito dahilan para magising ang ibang kasambahay at biglang hablot sa buhok ko, sa lakas ng pagkahablot nita ay natapon ang binili kong pandesal sa lapag.

"A-aray. Tama na po" naluluhang saad ko

"Amalia tama na yan" sabi ni Manang Fe, ang pinakamatandang katulong na nasubaybayan ang pagkabata ni Madam Amalia. Binitawan naman nito ang buhok ko at tumungo sa kanyang kwarto. Pinulot ko ang nahulog na tinapay at pinagpag. Sayang naman ito.

Pinuntahan agad ako ni Manang Fe at niyakap. "Ayos ka lang ba Serina? Wag mo na iyan pulutin nak" sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko. Tumango na lang ako at nagpahid ng luha. Dinala niya ako sa kwarto at kinausap.

"Ako na lamang ang mag uutos sa ibang kasambahay na mamalengke Serina, kunin mo na lahat ng gamit mo at tumakas ka na rito" bulong nito

"H-ho? Itatakas? Baka po lalong magalit si Madam at baka po pati kayo at ang trabaho niyo madamay" mahina pero kinakabahang tugon ko.

"Sundin mo na lamang ako Serina, alam kong gusto mo rin na umalis at tutulungan kita. Wala akong pakialam kung masisante ako, matanda na ako at may ipon naman ako kaya ayos lang" sabi ni Manang Fe na tila walang kaba at nakangiti pa ito

"Pero paano po? Paano po kung mahuli ako?" ayokong mahuli pa nila ako, baka saktan na naman nila ako.

"Sa likuran ka ng bahay dumaan, pag nakalabas ka na wag ka na bumalik kahit lumingon ay wag mong gagawin. Tumakbo ka nalang hanggang makarating ka sa gubat, makikita mo ang kalsada paglampas mo sa gubat" sabi niya. Napayakap nalang ako sakanya dahil siya narin ang tumayong nanay ko sa loob ng labing-apat na taon. Sa labing-apat taon na iyon ay nawalan ako ng kalayaan.

"Hindi ko na hahayaang saktan ka pa nila Serina, mamuhay ka ng malaya hindi tulad nito ni hindi ka na hinahayaan sa mga gusto mong gawin. Maging masaya ka muli" dagdag pa niya

"Manang Fe salamat po. Maraming salamat po" maluha luhang sabi ko

"Wala iyon, ayusin mo na ang gamit mo. Aalis na si Amalia maya maya, dalian mo na at maligo ka narin ha"

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon