Chapter 41: The End

168 8 0
                                    

THIRD PERSON

Natulala si Dalton ng makakita ng isang babaeng may kakaibang itsura dahil sa pilak nitong buhok at mga matang purong puti lamang. May kasama itong mga rebultong anghel na nakayuko at nakapalibot sa katawan nito ang malalaking pakpak.

May mga sumugod na demonyo sa kinaroroonan nila at si Chaurion at Dalton ay tila napako sa kinatatayuan dahil nakita nila kung paano naging pilak ang mga pakpak ng mga rebulto at gamit ito ay nakakapaslang sila ng mga demonyo.

Nang matauhan ay tumulong si Dalton sa pag atake sa mga demonyo. Naglabas siya ng wall of fire at pinalibutan ang mga ito.

Hindi naman naaapektuhan ang mga rebulto na nasa loob ng wall of fire at patuloy parin sa pagkilos at pagpaslang sa mga demonyo.

May mga harpie naman at mga hobgoblin ang dumating kaya mas uminit ang laban.

Saka palang natauhan si Chaurion ng makita ang mahal niyang nakikipaglaban gamit ang espadang pinagmamay-ari niya mismo. May kung anong humaplos sa puso niya ng makita niya itong hawak ng kanyang mahal.

"Ang sword of death"

Isa itong espadang may itim na hawakan at pinaghalong pula at pilak na talim na pa-hook ang disenyo. Ang espadang kayang kumitil ng buhay kahit pa imortal ay maaari nitong mapatay dahil isang diyos ang may gawa nito.

Nang magawi kay Chaurion ang tingin ng babae ay ngumiti siya ngunit tumalikod naman ang babae, lingid sa kaalaman niyang nangiti rin ito habang kumakalaban ng mga hobgoblin.

Natupok ng apoy ni Dalton ang mga harpie at ibang demonyo. Ngunit may mga nakatakas parin at papanik ng bundok ang mga ito.

Kinuha ni Chaurion ang sword of death mula sa asawa at saka niya nilapitan si Medusa at pinugutan ito ng ulo. Gumulong ang ulo nito sa paanan ni Dalton na nagawa naman niyang paliyabin.

Tinignan muna ni Chaurion si Gavin na naghihingalo

"Tinrato kitang kapatid dati Gavin pero dahil sayo ay nagkalayo kami ng mahal ko"

At sinaksak niya sa puso si Gavin. Bumulwak sa bibig nito ang dugo at saka pilit na ngumiti kay Chaurion

"S-Sorry t-tol" sambit niya at saka pumikit ng nakahawak sa puso

Nasaktan si Chaurion ng makita ang dating kaibigan na humingi ng tawad bago mamatay. Kumirot ang kanyang puso at napaluha.

Si Dalton naman na ang humugot ng espada saka binigay kay Chaurion

Tinapik ni Dalton si Chaurion

"Tara sa itaas" sabi ni Dalton ng maubos ang mga kalaban. Kailangan nilang mahabol ang iba pang nakatakas

Sumunod naman sa kanila ang mga rebulto at ang ina ni Nico.

Nasa kalagitnaan pa lamang sila ay naramdaman nilang yumayanig ang lupa at lumalamig ang simoy ng hangin.

May sumabog pang bulkan sa hindi kalayuan kaya napatumba sila.

Sakto namang natumba ang mommy ni Nico sa kanyang daddy.

Nagkatinginan sila hanggang sa mabilis na humalik si Chaurion sa labi ng asawa ngunit ng tumikhim si Dalton ay napatayo sila.

"Nagawa mo pa lumandi Nyx Chaurion tsk tsk tsk" napapailing at natatawang sambit ni Dalton

"Kuya Dalton why? Ano ping ginagawa ni daddy?"

"Wala naman. Wag mo na pansinin yung sinabi ko. Kailangan na nating magmadali para matulungan si ate Serina" sabi ni Dalton

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon