Chapter 3: The Man and the Mansion

508 19 0
                                    

SERINA

Nagising ako at nakita ang puting kisame, akmang tatayo na ako ng makaramdam ng pagkirot ng tagiliran ko.

"Don't move, please lay down" sabi ng lalaking nakasuot ng damit pang teacher. Doon ko lang nalaman na nasa ospital ako.

Napakunot ang noo ko at tumingin sakanya. Mukhang mas matanda ito sakin ng limang taon, disente tignan at nakasuot ng eyeglasses.

"Oh maybe you're wondering where you are, we're actually in a hospital right now. Sorry for what happend, nagkaron ka ng mga pasa sa tagiliran, we'll just wait for the results of the x-ray, sagot ko naman lahat pati ang mga gamot mo" sabi nito.

"Who are you?" takang tanong ko. Mukha kasi itong hindi taga-probinsya. Umupo ito sa silyang malapit sa hospital bed.

"I'm Arvin Rosel, a teacher. How about you?" sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon.

"Serina Felesy Talla" sagot ko

"Is it okay if I ask you something?" sabi nito. Tumango naman ako.

"Napansin ko kasing malaki masyado ang bag mo, parang mas mabigat pa sayo. Naglayas ka ba? Naroon sa sasakyan ang gamit mo" sabi nito. Hindi naman siguro masama kung sabihin ko sakanya ang dahilan, mukha naman itong mapagkakatiwalaan.

"Tumakas ako" sagot ko, tinignan ko ang reaksyon niya na tila nag aantay pa ng kwento. Wala naman akong nagawa kundi ikwento sakanya "Mula pagkabata naninilbihan akong isang katulong, kasambahay. Mayaman ang pamilyang pinaglilingkuran ko kaso masasama ang ugali nila. Madalas nila akong saktan, kaya tumakas ako" tumango naman siya na tila naiintindihan ang sitwasyon ko.

"Gusto mo bang ireport ito sa pulis?" umiling iling ako.

"Ayokong may ganoong mangyari, hayaan nalang natin. Karma na lamang ang bahala sakanila" saad ko. Nakita ko namang parang nabigla siya sa sinabi ko pero ngumiti rin siya agad.

Biglang may kumatok at pumasok na doktor

"Mr. Rosel, the patient can go now. Wala namang broken bones ang nakita sa x-ray. Pain relievers lang naman ang kailangan niyang inumin. Umiwas lamang siya sa mga mabibigat na gawain" sabi nito kay Arvin? o Kuya Arvin? Manong Arvin? hindi ko alam kung ano ang itatawag sakanya

"Thanks Doc" sabi niya. May inasikaso at pinirmahan muna siya bago tuluyang umalis roon. Nakasakay ako sa wheelchair at palabas na kami ng kwarto, tulak tulak niya ako.

"Saan ka nga pala uuwi?" tanong nito habang naglalakad tungo sa elevator.

"Wala akong bahay, wala akong uuwian"

"Is that so? Meron akong available na kwarto sa bahay ko. You can stay there. Is it okay with you?"

"Wag na nakakahiya, baka maging pabigat lang ako roon"

"No, its okay. Tutal wala ka namang matutuluyan, and don't worry hindi ako masamang tao." sabi nito. Mukha namang totoo ang sinasabi nito dahil hindi nya ako tinakbuhan, paano kaya kung ibang tao pa ang nakabunggo sakin? Tiyak na hahayaan nalang ako sa kalsada.

"Okay, pero pag magaling na tong tagiliran ko maghahanap ako ng trabaho para makaipon at para makakuha ng titirahan. Kailangan ko rin ito para maipagpatuloy ang pag aaral"

"Okay then" then he smiled.

Inalalayan niya ako ng makarating sa sasakyan niya. Nasa likuran ako at siya naman ang nagdadrive. Nakatingin lang ako sa bintana. Umaambon parin at iniisip kong paano kung may powers lang sana ako at makokontrol ang ambon na ito. I shooked my head.

Alam kong imposible naman ang ganoon na parang superhero

Natigilan ako sa pag iimagine when the car stopped. Nasa harap ko ang magandang bahay, bahay nga ba to o mansion?

Spanish design at mukhang matagal na itong narito. Nakakaakit ang disenyo nito, na kahit mukhang matagal na makikita parin ang angkin nitong ganda. Napansin ko rin ang mga bulaklak na nakapalibot rito maganda sana kaso lanta na ito at walang kabuhay buhay.

Inalalayan niya uli ako palabas at sinakay sa wheelchair. Sinalubong naman kami ng lalaking naka all black sa bukana ng mansion. Yumuko ito na tila ba ginagalang ang lalaking kasama ko.

"Welcome back Master" sabi nito at napatingin sakin

Ngumiti naman si Arvin "By the way Mr. Harris, this is Serina. She'll be staying here for a while" tumango naman ang lalaking tinawag niyang Mr. Harris

"Well then, welcome to the Rosel Mansion Madam Serina"

Napangiwi ako pero pilit akong ngumiti "Wag niyo na po akong tawaging Madam. Serina nalang" naglahad ako ng kamay pero tinignan niya lang iyon at lumingon kay Arvin.

"Serina, Mr. Harris don't do shake hands. Sorry" he appologetically smiled as well as Mr. Harris. Binaba ko naman ang kamay ko.

Weird.

"Let me show you to your room Serina, the guestroom in the ground floor" sabi ni Arvin at tinulak ang wheelchair papunta sa isang silid.

Inside the room, my jaw almost touched the floor. Guestroom ito? mukhang isang bahay na ito sa sobrang laki. I was speechless. Nilibot ko ang tingin. The room is beautiful, its walls are painted with an old rose color. May queen size bed at may sarili itong banyo. Jusko! Parang isang silid ng prinsesa.

"Sigurado ka bang guestroom ito?" tanong ko. He just laughed at the question.

"You should rest, ipapadala ko nalang dito ang pagkain at gamot" and he smiled and went outside the room. Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko sa kanya.

I looked at the clock and it's already 7:00 pm kumakalam narin ang sikmura ko. Humiga ako sa malambot na kama. Naninibago ako dahil ibang iba ito kumpara sa papag na hinihigaan ko nung katulong pa ako. Tinignan ko naman ang tagiliran ko, may malaking pasa roon.

May kumatok sa pinto. Si Mr. Harris, may dala rin itong tray at nilapag sa mesa sa tabi ng kama.

"Good evening. Master said that you should eat and take the meds" yumuko ito at ngumiti.

"Thank you" I said and smiled.

Nagsimula na akong kumain at ininom ang gamot pagtapos

Dahan dahan akong tumayo at tumungo sa banyo. Hindi naman napuruhan ang binti ko kaya nagagawa kong maglakad, hindi ko na kailangan pang mag wheelchair. Kumikirot ng bahagya ang tagiliran ko pero ayos lamang ito. Sanay na ako

Bukod sa ibang bagay sa banyo ay bath tub rin nito. May mga gamit ring nakahanda rito tulad ng bagong toothbrush, towels, at iba pa.

Matapos ang kailangang gawin nakatulog ako agad

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon