Chapter 38: Vengeance

140 8 0
                                    

MEDUSA

Paikot ikot ako sa bahay ko dito sa Cursed Forest. Bakit ako nandito?! Kagagawan lang naman ito ng mga Talla! Maayos ang pamumuhay ko noon at malayang nakakalakad, malayang nakakagalaw sa realm. Pero nalaman nilang nakipagsabwatan ako sa mga Grimm at ipinatapon ako rito. Ang cursed forest lang naman ang naging tapunan ng mga tulad kong gumagamit black magic. Marami ang mga naipatapon rito at isa na ako roon.

"Aaaaaargh!"

"Bakit ba nakatulog ako! Bakit nila kinalagan ang pegasus ko!"

Ang pegasus na iyon nalang ang natitirang alaga ko! Peste! Kailangan ko iyon sa paghihiganti pero ngayon wala na!

Hinawi ko lahat ng gamit sa mesa at nagbasag ng mga salamin at bintana.

Lumabas ang mga ahas sa buhok ko na mistulang galit na galit at gustong kumawala.

"Shhhh babies. Maghihiganti tayo" habang hinihimas ang mga alaga

Tumingin ako sa basag basag na salamin

"Magbabayad kayong lahat!" sigaw ko at saka humalakhak ng malakas

---

Naglakad ako palabas ng bahay at naghanap ng mga kasangkapang kailangan para makagawa ng pwedeng gamitin para sa paghihiganti.

Nag iitak ako ng kahoy ng makitang may nakamasid sa akin

"Alam kong pinapanood mo ako. Lumabas ka diyan at harapin ako"

Naramdaman kong may papalapit sa akin kaya lumingon ako rito at napahakbang patalikod

"A-anong kailangan mo?" pinipilit kong patapangin ang boses ko dahil ang nasa harap ko lang naman ay isang demonyo.

"Ikaw" sambit ng lalaking demonyo. Nakasuot ito ng kapa kaya hindi makita ang kanyang mukha. May buntot ito tulad sa demonyong may itsurang palaso. May kasama rin itong tatlong babaeng magkakamukha.

"Ako? Bakit ako at anong gagawin mo?!"

Ngumisi ito na siyang nagpatindig ng balahibo ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Hinawi ko naman ito.

"Oh Medusa, I need you and you need me. Maghihiganti ka sa mga nagpakawala sa alaga mong pegasus hindi ba?" sambit nito na siyang ipinagtaka ko

"Paano mo nalaman iyan?" tanong ko rito

"Dahil narito ako ng mangyari iyon. At tulad ng nangyari sa iyo, may ginawa rin silang hindi ko gusto" sagot niya

Kumuyom ang kamao ko at nagsimulang magwala ang mga ahas. Hindi lang pala ako ang ginulo ng mga iyon!

"Ano ang plano?"

CHAURION

Ngayon ang balik namin sa mansyon ng mga Talla makalipas ang tatlong araw. Matapos naming masaksihan ang angking lakas ni Serina ay nakampante kaming matatalo niya si Azura. Marami paring mangha sa kakayahan niya. Ngunit hindi namin alam kung paano iyon magagawa kung nasa loob niya si Azura.

Nagpapasalamat ako dahil natanggap na nila ako at nagpapasalamat rin ako dahil hindi ako tulad ni Azura na naging puno ng galit ang puso.

Pinagmamasdan kong matulog ang anak ko ngunit dumistansya para hindi ako makapasok muli sa nakaraan. Isa sa mga kinakatakutan ko ang kakayahang iyon ni Nico, bagaman tulog siya ay gumagana ang kanyang kapangyarihan. Paano kung malaman niya ito? Paano kung malaman niyang hindi siya normal? Gusto ko siyang ilayo sa lahat ng makakapagpamulat sa kaniyang naiiba siya pero mukhang tadhana ang gumagawa ng paraan para maging ganito si Nico.

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon