Chapter 39: Bad News

132 7 0
                                    

SERINA

Isang linggo na ang nakalipas at lahat kami ay naging abala sa training. Hindi maipagkakailang mas lalo pa kaming lumakas.

Lahat ng naririto ay nakalaban ko na. At wala pa ni isa ang nakatalo sa akin. Hindi ko alam kung bakit kahit ang mga high ranks na napapabilang sa realm council ay hindi ako nagawang matalo.

Manghang mangha sila sa kakayahan ko at ganoon din ako.

Bumalik narin dito ang illusionist. Maging ang mga illusion na ipinapakita niya ay mas tumindi pa. Hindi na kailangang pumunta sa illusion room dahil bigla bigla na lamang siyang susulpot at hindi mo namamalayang nasa loob ka na ng isang illusion.

May pagkakataon pa ngang parang totoo na ang lahat ng ipinapakita niya sa illusion pero nagagawa ko namang makalusot sa lahat ng iyon. Araw-araw ang training at kasama na roon ang illusion.

Narito kaming lahat sa basement at lahat ay naglalaban laban. Hindi ito laban na by pair. Literal na lahat ay naglalaban laban.

Binigyan kami ng kalahating oras ng mga high rank para patunayan kung gaano kami kalakas.

Walang gagamit ng healing powers at healing potions habang tumatakbo ang oras na inilaan para sa paglalaban laban. Maaari lang itong gamitin matapos ang kalahating oras.

Ang maririnig lamang dito ay ang pagtatama ng mga espada, ang pagbulusok ng mga shuriken, pagsabog mula sa mga potions, pagputok galing sa mga baril, at pagkawasak ng sahig at dingding.

Hindi patas ang nangyayaring labanan dahil kung sa una ay lahat kami magkakalaban, sa kalagitnaan ay ako nalang ang kanilang nilalabanan.

Tinangkang umatake ng kambal mula sa likod ko. Pero bago pa man tumama ang shuriken ni Seth sa akin ay nasalo ko na ito at inihagis pabalik sa kanya. Ginamit ko naman ang kapangyarihan ni Ridge at ginawang sintigas ng bakal ang kamay ko para sanggain ang espada ni Sev na tatama sana sa akin. Nahatak ko ito at ibinato sa malayo.

Nagsabay naman sa pag atake sina Clyde at Ara na parehong magaling sa combat. Nasa likod ko si Ara at sa harap naman si Clyde. Panay ang sangga ko sa mga atake nila, gamit ko parin ang kapangyarihan ni Ridge at ginawang bakal ang buong katawan ko, nang mapagod na sila ay ako naman ang umatake ng mga suntok at sipa at pareho silang bumuwal. Nasuntok ko sa mukha si Ara at nasipa ko sa sikmura si Clyde. Kitang kita ko kung paano tumalsik ang dugo mula sa bibig nilang dalawa.

Sunod na umatake si Bry at Hunter. Tumakbo ng matulin at paikot ikot sa akin si Hunter. Si Bry naman ay binuhat ako at iniikot sa ere sabay hampas sa katawan ko sa sahig. Nakaramdam ako ng kaunting sakit dahil hindi na gawa sa bakal ang katawan ko at ang kumalaban pa sa akin ay may super strength.

Kinopya ko ang powers ni Hunter ng mahawakan ko ang paa niya, kaya naman ay nadapa siya at tumingin ng masama sa akin. Pasugod na sana si Bry sa akin ngunit naunahan ko siya at tumakbo ng matulin paikot sa kanya. Nagpaikot ikot siya na tila inaalam kung nasaan ako at ng makahanap ako ng tsempo ay sinuntok ko siya ng malakas sa mukha at sikmura na gamit ang powers niya. Tulad ni Ara at Clyde ay tumumba rin siya na may dugo sa bibig.

Si Hunter naman ang sunod kong patutumbahin. Sinalubong ko ang takbo niya at naglaban kami ng combat. May mga pagkakataong natatamaan niya ako pero hindi ito malakas. Tumigil ako sa pag gamit ng super speed at hinawakan ang magkabilang braso niya patalikod sa kanya, pinilipit ko ang mga ito at napasigaw siya sa sakit. Hinagis ko siya sa isang tabi at natamaan naman ang iba pang hindi pa sumusugod.

Ang sunod na kumalaban sa akin ay si Cassy, Alexei, at Gino. Pinaulanan ako ng bala ni Gino ngunit naiiwasan ko ito. Binabatuhan naman ako ni Alexei ng mga maliliit na bumbilyang may likido ang loob pero nasasalo ko ito at ibinabato sa kanya na lumilikha ng malalakas na pagsabog. Nagsimula naman kumanta si Cassy para mahypnotize ako. Ginamit ko ang super speed at humawak kay Dalton ng mabilis at saka bumalik kay Cassy na patuloy parin ang pagkanta. Nag shapeshift ako na maging isang daga na alam kong kinakatakutan ni Cassy, dagang sinlaki ng pusa. Natigil ang kanyang pagkanta at nanlaki ang mata saka tumakbo ng habulin ko siya. Nagsisisigaw siya at kumuha ng mga maliliit na bumbilya at hinahagis iyon sa akin, naiilagan ko naman lahat ng ito. Nadapa siya at tumingin sa akin. Nanginginig siya nh lalo pa akong lumapit, umakto akong kakagatin siya pero nag shapeshift uli ako para maging tao at iniwan siya roon na nakapikit at nanginginig.
Patuloy parin sa pagbabaril sa akin si Gino, lumapit ako sa kanya at mabilis na inagaw ang baril. Pinapatamaan ko ang sahig malapit sa mga paa niya pero hindi ko ito pinapatama sa kanya mismo dahil magiging abo siya. Ganoon rin ang ginawa ko kay Alexei. May hawak siyang mas malaking bumbilya at doon ko pinatama ang bala dahilan para sumabog at tumalsik silang dalawa.

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon