Chapter 1: Temporary

771 24 1
                                    

Sa isang malayong probinsya, mayroong simbahan na malapit sa karagatan. Ang simbahan ng San Alfonso, dito ay marahas na pagbuhos ng ulan at hampas ng malalaking alon lamang ang maririnig. Kumukulog at kumikidlat na tila galit ang diyos ng langit.

Isinasara na ng isang matandang lalaki ang pinto ng simbahan ngunit siya'y natigilan

Nakarinig siya ng panibagong ingay bukod sa ulan, alon, kulog, at kidlat

Ingay mula sa pag iyak ng sanggol

Sumugod palabas ng simbahan ang matandang lalaki para hanapin ang sanggol

Tumakbo siya malapit sa karagatan at hindi pinapansin ang pagkabasa ng sarili sa ulan

Sa paanan ng puno ay doon niya nakita

Ang isang sanggol na nababalot sa kumot

Malakas ang pag iyak nito at isinama na ito ng matandang lalaki, bago pa man umalis ay may nakita itong isang botelyang may lamang nakabilot na papel. Dinala niya rin ito at bumalik sa simbahan.

Makalipas ang tatlong taon

"Serina nasaan ka apo?" masayang sabi ng matanda pagpasok sa isang silid sa gilid ng simbahan

Lumabas ang bata mula sa silid

Ang batang ito ay may taglay na kagandahan. Mula sa mapupungay at kulay berdeng mga mata, matangos na ilong, mala-rosas sa pula na labi, maputing kutis, at itim na itim na buhok

Ngumiti ito at nagmano sa matanda

"Gusto mo bang pumasyal apo?"

Tumango ang batang si Serina at ngumiti "Opo Lolo Nestor"

--

Naglalakad na magkahawak-kamay si Nestor at si Serina sa isang parke, sa ilalim ng matayog na puno sila ay nanatili at kumain.

Pinagmamasdan ni Serina ang masasayang mga bata na kumakain at nagpapalipad ng saranggola. Napadako ang tingin niya sa isang pamilyang kadarating lamang para mag piknik.

Tipid itong napangiti at nakaramdam ng inggit at pangungulila

Buti pa sila masaya at may kumpletong pamilya

Sabi sa isip ni Serina

Nagpatuloy ang pamamasyal nila ni Nestor at Serina

"Apo sandali lang ha, upo ka muna rito bibili lang ako ng tubig natin" sabi ni Nestor at pinaupo si Serina

"Sige po Lolo"

Naglilibot ng tingin si Serina at napansing may nagbubulungan sa tabi. Iniwas niya rito ang tingin at ibinaling sa ibang direksyon ang ulo.

"Iyan ba yung batang sinasabi mong iniwan malapit sa simbahan?" sabi ng babae. Hindi nakatingin si Serina sa mga ito ngunit nakikinig siya

"Oo siya nga iyon, ang alam ko tatlong taon na rin mula noon" sabi ng kausap nito

"Kawawa naman, kay gandang bata pa naman"

"Hay naku! Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ng iba"

"Anong sinasabi?"

"Ang batang iyan raw ay galing sa mga engkanto"

"Talaga?"

Hindi napigilang malungkot ni Serina

Dumating na ang Lolo niya at umuwi na sila

--

Kinagabihan nagdarasal si Serina habang nakaharap sa bintana at pinagmamasdan ang mga tala

"Panginoon, sana po maranasan ko ang magkaroon ng pamilya"

Napaluha na lamang si Serina sa muling pag alala sa narinig niya kanina

--

Kinabukasan, tila nadinig ng Diyos ang panalangin ni Serina at mayroong umampon sa kanyang mag-asawa sina Frederick Cacho at Amalia Cacho

Naging maganda ang pakikitungo ni Frederick kay Serina at tinuring itong parang totoong anak. Gustong gusto ni Frederick na magkaroon ng anak, sa kasamaang palad, dahil hindi siya kailanman mabibigyan ng anak ni Amalia, laking tuwa nito ng makilala si Serina.

Masayang masaya ang batang si Serina sa pagkakaampon sa kaniya. Kahit na alam niyang hindi maganda ang pakikitungo ni Amalia sa kanya. Nakaranas man lang siya magkaroon ng isang ama

Nagbago ang lahat ng makarating sa kanila ang balita, patay na si Frederick.

Naaksidente ang sinasakyan nitong barko pabalik sa bansa.

Natagpuan ang bangkay nito palutang lutang sa dagat.

Gumuho ang mundo ni Serina.

Ngunit mas lalo siyang nangulila at nasaktan. Nakaranas siya ng pag aalila at pag gulpi sa itinuring niyang ina at bagong kinakasama nito

"Mamatay ka na!"

"Salot ka!"

"Inutil!"

"Malas ka!"

"Wala kang kwenta!"

"Katulong ka lang rito!"

"Bobo!"

Ang mga salitang iyan ang laging naririnig ni Serina sa mga taong iyon. Lumipas ang maraming taon ngunit ganoon parin ang pakikitungo nila kay Serina.

Tinuturing siyang isang basura, malas sa buhay nina Amalia.

Binubunton sa kanya ang galit at sisi dahil hindi kailanman umangat ang negosyo ng mga ito at lalo pang bumagsak.

Pagod na ako,

ayoko na,

mas gusto kong mawala na lang kesa mabuhay,

hindi ko na kaya

pero dapat kong kayanin

hanggang sa maging malaya ako

mula sa mga walang pusong mga tao

mga taong mas masahol pa sa demonyo

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon