Chapter 6: Revelation

441 17 0
                                    

SERINA

"The truth about what you really are"

Hindi ko maintindihan kaya napakunot ang noo ko. Nakatitig parin siya sa akin.

"Do you believe in magic? miracles? powers?" tanong nito. Hindi ako sumagot dahil naaalala ko si Papa sa sinabi niya.

Papa once told me that he is my Superman and I'm his little princess. He would fight all the bad guys and rescue me when I'm in danger. Sinabi niya sakin iyon isang gabi bago siya mawala. He's the reason why I believed in all magical things and powers.

A tear escaped from my eye. So I quickly wiped it using my hand.

Arvin sighed.

"Let me take you to the library" sabi nito at naglahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at habang papanik sa ikatlong palapag ng mansion ay hindi niya ito binibitawan.

I've never been to this library.

Binuksan niya ang pinto rito at gabundok na mga libro ang bumungad sa amin. Nilibot ko ang lugar.

Ang mga libro na nasa shelves ay aabot hanggang dalawang palapag ng isang bahay, walang dingding na makikita dahil natatakpan ito ng mga libro. May isang mahabang mesa at mga upuan, mayroon ding malaking carpet na pwedeng higaan o upuan. Mayroon lamang isang malaking bintana rito kung saan matatanaw ang isang waterfall. Wow. Hindi ko akalaing may ganyan dito sa lugar na ito.

"Serina, come here" sabi ni Arvin kaya pinuntahan ko siya.

Nakaharap siya sa isang librong nakalagay sa bookshelf. It is the only silver colored book with blue swirls in it. Ibang iba ang itsura nito kumpara sa ibang mga librong narito.

Kinuha niya ito at biglang gumalaw ang tinatapakan namin kaya napahawak ako sa braso niya.

Umikot ang inaapakan namin at napunta kami sa isang kwarto. Secret room.

May iilang libro at aparador dito. May mga medalya ring nakasabit sa dingding at sa sobrang dami nito ay halos masakop nito ang buong paligid. May isang malaking painting rito, may upuan rin at mesa.

"Secret room? Sayo ba itong kwartong to?" tanong ko rito

"Yes it's a secret room, but this room isn't mine" sabi niya

"Kung hindi sayo to, kanino?" sabi ko. May itinuro naman siyang kuwadro. It's a painting of a man and a woman. Nilapitan ko ito at namangha sa kagandahan at kakisigan ng dalawang iyon.

Nakasuot sila ng magagarang damit na parang ginagamit ng mga may dugong bughaw.

Napansin ko ang lalaki na kamukha ni Arvin.

"Is that your father?" turo ko sa lalaki sa painting at nilingon si Arvin.

"He's our father" he answered me while smiling

Our?

"Ha?" litong tanong ko

"Siya ang tatay ko, na tatay mo rin" nakangiti parin siya

"Magkapatid tayo?" takang tanong ko.

"Yes Serina, and the woman beside him is our mother" sabi niya at nilapitan ako

Tinitigan ko maigi ang mukha ng babae at doon ko lang napagtanto na magkamukha kami

"and I'm your brother"

Napaluha ako. Hindi dahil malungkot ako, naluha ako dahil masaya ako na may kapatid ako. Kaya ba magaan ang loob ko sa kanya? Pinunasan niya ang mga luha ko, niyakap ako at hinalikan ang ulo ko. Niyakap ko rin siya.

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon