Chapter 16: Meeting the Pack

272 13 0
                                    

SERINA

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga. Natulog ako sa kwarto kasama ang mga babae. Pinahiram rin nila ako ng damit.

Dumiretso ako sa labas ng cabin

5:00 am

Umupo ako sa tabing ilog at inilublob ang mga paa

Hiniga ko ang katawan ko at pumikit

Nakarinig ako ng pagbagsak sa tubig kaya napadilat ako at napabangon. Wala namang tao kaya humiga uli ako at pumikit

Nakaramdam ako ng parang nay umiikot sa mga paa ko. Hindi ko ito pinapansin dahil baka halaman lang ito o isda

Napaupo ako muli ng maramdamang may tumusok sa paa ko

DALTON

Maaga akong nagising at balak maligo sa ilog ng makita ko si Serina na nakahiga habang nakalublob ang paa

I only knew she's my mate when I tasted her blood

Tumalon ako sa tubig at lumangoy

Habang nasa ilalim ng tubig ay may naisip akong gawin

Lumangoy akong dahan dahan papunta sa paa ni Serina

Pinaikot ikot ko ang daliri ko sa mga paa niya. Pero hindi niya ito pinansin kaya tinusok ko ito gamit ang pangil ko. Napatayo naman siya. Inalis niya sa tubig ang isang paa at mukhang aalis na kaya hinila ko ang isa para mapababa siya sa tubig.

Nahirapan siya huminga ng una kaya pinaangat ko siya at muling hinila ang dalawang kamay niya pababa. Galit na galit siya. Nagagawa paring mamula ng mukha niya kahit nasa ilalim kami ng malamig na tubig.

Kaya kong tumagal sa ilalim ng tubig pero hindi ko alam kung kaya rin ni Serina kaya ginagawa ko ito

Naging mahinahon ang itsura nito at tumitig sa akin ng ilang minuto.

Mukhang kaya niya rin tumagal sa ilalim ng tubig

Itinaas niya ang kanang kamay at hinawakan ang mukha ko.

Pumikit pikit siya at ngumiti. Nakakatunaw ang nga ngiti niya, hindi ko namalayang ngumiti rin ako. Nagulat naman siya habang nakatingin sa nakangiti kong labi.

Hinapit ko ang bewang niya at nagulat siya.

Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya kung saan ko siya kinagat. I planted small kisses there and she froze.

Unti unting nawawala ang dalawang marka ng kagat ko sa leeg niya

She's my mate

Umahon na kami at bigla siyang tumakbo papasok sa cabin

Umupo muna ako at pinagmasdan ang paligid bago pumasok sa loob

SERINA

Hindi ko alam kung bakit ko hinawakan ang mukha niya at napangiti. Parang may sariling utak ang katawan ko. Nagulat ako ng makita siyang ngumiti. Hindi ito ngisi kundi isang tunay na ngiti.

Hinapit niya ang bewang ko at hinalikan sa leeg. Nag init ang pakiramdam ko kahit malamig ang tubig. Hindi ako makagalaw. Gusto ko siyang itulak, gusto kong kumawala sa kanya pero hindi ko magawa. Para bang gusto ito ng katawan ko.

Nababaliw na ata ako

Pagka-ahon namin ay tumakbo ako papasok sa cabin

"Oh anak bakit basang basa ka?" tanong ni Papa

"Uh galing po ako sa ilog Pa" sabi ko

"Fely! Pahiramin mo muna si Serina ng damit" utos niya sa isang matandang babaeng balingkinitan

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon