Chapter 18: Rouges

243 10 0
                                    

SERINA

Maghapon kaming nag ensayo ni kuya. Naglaban din kami sa dagat mas mahirap kumilos dahil hanggang leeg ang tubig. Kailangan ng pwersa sa bawat pag atake. Naubos ang lakas namin at napahiga sa buhanginan. Palubog na ang araw. Tumayo si kuya at naglahad ng kamay. Kinuha din niya ang cellphone sa bag na nasa buhanginan

"Serina tayo ka lang diyan. I'm gonna take a picture of you"

Sinunod ko naman siya at nakarinig ako ng shutter ng

Nakaharap ako sa dagat at sa palubog na araw

"Okay na. May gusto ka bang puntahan bago tayo umuwi?" tanong niya

Tumango ako at ngumiti

"Sa simbahan ng San Alfonso kuya. Doon lang iyon oh" sabay turo ko kaliwa

"Okay then"

Naglakad nalang kami papunta roon

Tumigil kami sa harap ng lumang simbahan.

Napabayaan na ito at halatang inabandona na

Binuksan ko ang pinto na siyang lumangitngit

Puno ng alikabok ang paligid. Marupok na ang mga upuan at pinasok na ng mga baging ang malalaking bintanang may basag

Sumusunod lang sa akin si kuya, pumunta ako sa dati naming tinitirhan ni Lolo Nestor.

Binuksan ko ang pinto. Bumungad sa amin ang malinis na kwarto at may amoy ng sampaguita. Nilapitan ko ang aparador na puno ng mga garapong may lamang kabibe

Pinasadahan ko ito ng aking daliri

My collections

"Sino kayo?" tinig ng matanda. Lumingon ako at nakita siya sa pintuan

"Lolo?"

"Sino kayo at anong ginagawa niyo rito?" sobrang tanda na niya at nakuba na siya. Ang dating kulay abong buhok niya ay kulay puti na. May hawak narin siyang baston.

Lumapit ako sa kanya at nagmano

"Teka" hinawakan niya ang mga pisngi ko

"Ikaw ba iyan Serina?"

Tumango ako at ngumiti

"Naku ikaw bata ka! Bakit ngayon ka lang dumalaw rito" Sabi niya sabay yakap sa akin

"Na-miss ko po kayo Lo. Malayo po rito ang tinitirahan ko"

Humiwalay siya sa yakap

"Sandali, sino naman itong lalaking ito? Wag mo sabihing nobyo mo yan Serina. Sa pagkakatanda ko ay labimpitong taong gulang ka pa lamang" pagsusungit niya

"Hindi ko po siya nobyo Lo. Kuya ko po siya" natatawang sagot ko.

Lumapit naman si kuya at nagmano

"Magandang hapon po"

"Kapatid mo siya? Kung ganoon ay nakita mo na ang mga magulang mo?"

"Hindi pa po pero malapit na"

"Osya dito na kayo maghapunan. Ano nga palang ngalan mo hijo?"

"Arvin po" sabi ni kuya

"Serina halika't tulungan mo ako sa kusina"

"Sige po Lo. Kuya dito ka lang muna, upo ka muna doon" turo ko sa higaan

Tumango naman siya

Nagkwentuhan kami ni Lolo habang nagluluto. Nalaman kong sampung taon mula ng maampon ako ay ipinasara na ang simbahan dahil may mas malaking simbahan daw ang itinayo sa bayan. Ayos lang naman daw si Lolo dito mag-isa. May dumadalaw sa kanya mula sa center at nagdadala ng gamot at pagkain.

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon