Chapter 33: First Mission: Cursed Forest

172 7 0
                                    

DALTON

Hindi parin ako makapaniwala na inferno ang isa sa kapangyarihang hawak ni Serina. Nasasaktan ako dahil nakikita kong naka-kadena siya. Nararamdaman kong nanghihina siya. Kinausap ko siya sa pamamagitan ng mind-link ng mga mate noong kinadena siya at sumisigaw.

"Bakit Serina? Bakit muntikan mo na saktan si Cassy?" mahinahong tanong ko

"Dalton pakawalan mo ako dito please!" sabi niyang nagmamakaawa

"Answer me Serina" sagot ko

"Hindi ko alam! Hindi ko makontrol Dalton. Please, parang awa mo na pakawalan mo ako dito" inis na sabi niya.

At doon ko na pinutol ang mind-link namin. Nasasaktan ako pero sa ngayon, ito muna ang dapat. Wag kang mag-alala Serina, pag maayos na ang lahat, ako namismo ang magtatanggal ng mga kadenang nakakabit sayo.

Doon ko nalamang maaaring si Azura ang dahilan kung bakit muntikan na siya makasakit.

Nagpupulong kami ngayon dito sa mansyon nina Serina. Dinala narin namin siya rito pero bago iyon ay kinailangan namin siyang patulugin gamit ang potion na gawa ni Alex. Masakit man makita ay nakakulong siya ngayon sa gitna ng basement. May mga bakal na nasa paligid niya na mukha talagang rehas sa kulungan. Napalilibutan ito ng force field na hindi hinahayaang makalagpas si Serina doon at hindi niya rin magagamit ang kapangyarihan niya roon. Hindi rin siya maaaring dumikit sa rehas dahil makukuryente siya.

"Hindi biro ag nangyayari ngayon sa unica hija ng mga Talla. Kailangan ng pagkakaisa ng lahat para matulungan nating maialis ang deminyong si Azura sa katawan ni Serina" sabi ni Helena

"Sang ayon ako sa sinabi ni Helena. Dapat lahat tayong naririto ay magkaisa, walang kikilos ng kanya kanya. Maliwanag?" maawtoridad na sabi ni Hambros

"At isa pa--" biting sabi ni Viper

"Daddy daddy! Where's my daddy!" napalingon kaming lahat kay Nico na bagong gising at pababa mag isa sa hagdan. Nakita ko namang namali siya ng hakbang at mahuhulog na siya

"Sh*t" nasabi ko nalang at tumakbo para saluhin siya

"Oh my!" sabi ni Ara

"Nico are you okay?" tanong ko

"K-kuya Dalton? Is that you?" mangiyak ngiyak na sabi niya at kinapa niya ang mukha ko

"Yes Nico" sagot ko

"K-kuya. I w-wanna go home. I wanna hug mommy and daddy" sabi niya at tuluyang ng umiyak

"Shhh. I'll be your daddy for awhile Nico. Hahanapin namin ni Ate Serina ang mommy at daddy mo. Pero okay lang ba kung hindi muna ngayon?" sabi ko sa kanya habang naglalakad papunta sa couch

"Bakit po h-hindi muna?" tanong niya habang nagpupunas ng luha

"Kasi may sakit pa si ate Serina, pag magaling na siya saka kami maghahanap. Okay lang ba?" tanong ko

"P-po? May sakit si ate? O-opo okay lang po kuya, hihintayin ko po gumaling si ate Serina" sabi niya. Pinunasan ko naman ang natira pang luha niya

"Uy uy uy. Pwede na oh" sabi ni Sev

"Sabi mo pa. Daddy daddy gusto ko dede" sabi ni Seth habang nagpapapadyak na parang bata. Nag apir silang kambal.

At nagtawanan naman sila

"Nasan ba si Claudette?" tanong ni Zach

"Nakita ko siya kanina. Knock out" sabi ni Alex

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon