Chapter 34: Second Mission: Arcanus Caverna

133 5 0
                                    

DALTON

Natutuwa ako at nakakuha na kami ng dugo ng pegasus kahapon. Pero hindi pa dapat magsaya dahil hindi pa kumpleto ang kailangan namin. Nandito ako sa itaas ng puno. Kung tutuosin ay para akong nakatungtong sa apat na palapag na gusali. Wala naman na sa akin ang ganitong bagay. Hindi ako nalulula. Pinagmamasdan ko ang mga kasamahan kong natutulog pa ngayon. Masyado lamang akong maagang nagising. Ang buong lugar na ito ay may mga nagtataasang puno. Mga puno na matitibay at luntiang mga dahon, maganda sa paningin .. pero nababalot ang lugar na ito ng purong kasamaan lamang. Kung isang normal na tao ang makakarating rito ay malilibang iyon at matutuwa pa. Pero kami? Hindi kami normal. Kailangang maging alerto sa lahat ng pwedeng mangyari o makaharap. Hindi pwede ang babagal bagal at mangmang.

I hope Serina's okay

Mag tumapik sa balikat ko. Nilingon ko ito .. si Elysha

"Ang aga mo nagising" sabi ko at naupo sa sanga. Umupo rin siya

"Kung maaga na iyon eh paano ka pa? Mas maaga ka nagising" sabi niya

"Saan tayo makakahanap ng mga harpie?" tanong ko

"Hmm. Ang alam ko ay madalas sila mag tago sa mga kweba" sabi niya

"Kweba?" bulong ko. Nilabas ko ang mapa ng realm at naghanap kung nasaan ang kweba.

"Ito" sabay turo niya sa itaas na bahagi ng mapa.

Lampas ito sa gubat na ito at may dagat pang madadaanan.

"Arcanus Caverna" basa ko sa tinuro niya

"Sa ingles ay 'arcane cavern' salin mula sa salitang latin" sabi niya

Ginising na namin ang mga kasama namin para makakain na at magtuloy sa paglalakbay.

"Uhm guys. Saan ba tayo pwedeng maligo? I feel sticky na" maarteng sabi ni Eloise na nagpapahid ng alcohol sa buong braso at mga binti.

"Kung bibilisan natin ang kilos ay mararating natin ang isang dagat. Malapit na doon ang kinaroroonan ng mga harpie" sabi ko

"Pero hindi ligtas doon kaya mabilisang ligo lamang ang dapat" sabi ni Elysha

"Hindi pwede yung sa magic thing? I mean di ba gumamit ka ng spell para magkaroon tayo ng tubig na maiinom?" sabi ni Eloise

"Hindi pwede dahil kakailanganin ko ang wand ko kung mapapasabak tayo sa laban habang papunta sa mga harpie. Mauubos rin ang lakas ko dahil masyado tayong madami kung gagawin ko ang sinabi mo" sagot ni Elysha

Tumango naman si Eloise at nagpunas ng wet wipes sa mukha.

Madami siyang dala na pwedeng gamitin para malinisan ang katawan. Lahat kami ay inabutan niya ng mga iyon.

"Minsan pala nakakatulong din yung pagiging 'Most Neat' mo ano?" sabi ni Alex na nagpupunas ng mukha.

Binato naman siya ng bote ng alcohol ni Eloise

"Ah!"

"Heh! Buti nga at mayroon akong dala para sa inyo. Dahil ayaw kong may kasamang madumi at mabaho" sabi ni Eloise na nakapamewang na.

"Hindi mo naman ako kailangang batuhin. Kahit hindi ako maligo mabango ako! Amuyin mo pa" sabi ni Alex at inilapit niya ang kilikili niya kay Eloise

"Ugh eeew!" pandidiri ni Eloise at winisikan ng alcohol ang kilikili ni Alex

"Hahahahahaha!" tawa ng lahat

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon